May mga pagkakataong nahuhuli ang ilang babae na makahanap ng kanilang magiging partner for life. Dahil dito, lumalagpas din ang kanilang edad sa kinakailangang tao na dapat magbuntis ang isang babae.
Dahil sa siyensya, nagawa na ng paraan ito para kahit tumanda na ay may tyansa pa ring magkaanak. Ang sagot? Egg freezing!
Mga mababasa sa artikulong ito:
- May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan
- Ano ang mga dapat gawin upang magkaroon ng healthy egg cells?
Larawan mula sa Pexels
May edad pero gusto pa mag-anak? Egg freezing ang sagot diyan
May mga pagkakataong ang mga kababaihan ay inabot na ng katandaan bago pa man magkaanak. Iba-iba ang maaaring dahilan nito. Maaaring ang iba ay hindi na nakahanap ng mapapangasawang swak sa kanila. Mayroon namang may mga health issues gaya ng pagkakaroon ng cancer, surgery, ovarian disease, at marami pang iba.
Dahil sa mga pangyayaring ito, talagang nade-delay rin ang pagkakaroon nila ng supling. Kung isa ka sa mga ito, huwag masyado mabahala dahil may sagot na ang siyensa diyan!
Ang egg freezing o mature occyte cryopreservation ay isa sa mga paraan para mapreserve ang fertility ng isang babae upang manganak pa rin.
Ayon kay Dr. Rudie Frederick Mendiola, Medical Director sa Kato Repro Biotech Center, may kinalaman daw ang edad ng babae sa mapo-produce nitong egg cells.
“Ang mga babae habang tumatanda yung quality ng itlog nila [ay] bumaba. Kaya mahirap magbuntis kapag nagkakaedad na ang babae.”
35 taong gulang pababa ang recommended na edad para sumailalim dito. Sa proseso, magpe-perform ng assessment sa ovarian reserve mo ang isang specialist upang matantsa ang potential yield ng mga oocyte bago ang ovarian stimulation cycle.
Hindi nito kinakailangan ng kuryente dahil sila ay nakababad sa liquid nitrogen. Para malaman ang iba pang dose ng medications sa proseso, gagawin ding mga mga tests tulad ng blood tests at pelvic ultrasound.
Pangmatagalan ang pag-aalaga sa mga itlog na ito, kayang umaabot nang hanggang 10 taon mahigit. Kinakailangan mayroong payo at rekomendasyon ang doktor kung gaano katagal maaaring ii-store ang iyong itlog.
Larawan mula sa Pexels
Ang maturity ng mga egg cell na ito ay tinitignan gamit ang microscope. Kung ang itlog ay handa na upang magkaroon ng kakayahang maging tao, ito ay nilalagay sa warming solution upang ma-assess.
Sa pagbubuo ng sanggol, ang mga itlog na ito ay direktang finerfertilize gamit nag intracytoplasmic sperm injection (ICSI) . Hihintayin itong lumaki sa loob ng 3 hanggang 5 araw matapos ang fertilization. Kung maganda ang kalagayan, ito ay ililipat sa matres ng babae upang tuluyang magdalang-tao.
Sa mga pag-aaral, tinatayang 4-12% per oocyte ang clinical pregnancy rates ng pagiging tagumpas nito. Ilan sa importanteng factors ay ang edad ng babae at bilang ng available eggs sa kanyang ovaries. Marami pa ang kailangang paunlarin upang mapataas ang sucess rate ng ganitong proseso.
Nagkakahalaga ng P200,000 ang pangangalaga sa mga itlog. Kada taon mayroong storage fee na babayaran hanggang sa dumating ang puntong gagamitin na ang mga ito.
“Medyo magastos pero…it allows you in a way to preserve your fertility.” Dagdag pa ni Dr. Mendiola.
Nakadepende rin ang presyo nito sa kalagayan at kundisyon ng magpapa-egg freezing.
BASAHIN:
Wala pang ipon sa panganganak? 8 tips para makapagtabi ng pera bago dumating si baby
Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak
Mom confession: From XS naging XXL ang size ko matapos manganak
Ano ang mga dapat gawin upang magkaroon ng healthy egg cells?
Kung may planong sumailalim sa sa egg freezing, dapat lang na healthy ang egg cells ng isang babae. Mas nakakasiguro kasing magsusurvive at matibay ang pagkukuhanang itlog kung ganito. Para sa ilang tips, basahin ang mga sumusunod:
Huwag manigarilyo
Ang mga kemikal sa sigarilyo ay nakapagmumutate ng DNA sa egg cell ng isang babae kaya hindi na ito pwede para sa conception. Malaki ang ambag ng sigarilyo sa pagkalagas ng mga itlog sa ovaries kaya mas mainam na umiwas sa mga kemikal na tulad nito.
Iwasan ang stress.
Nakapagpo-produce ng hormones na tulad ng cortisol at proclation ang stress. Ang mga hormones na ito ay mayroong factor sa egg production. Maaaring subukang mag-yoga, meditation o exercise para makaiwas sa iniisip.
Kumain nang masusustansyang pagkain
Ang mga healthy foods like leafy greens, whole grains, lean meats, nuts, fresh vegetable and fruits ay maganda para sa egg cell ng mga kababaihan. Nai-improve kasi nila ang pagiging healthy at high quality ng inyong mga egg cell.
Paunlarin ang blood flow
Oxygen-rich blood flow ang tumutulong sa egg health sa iyong ovaries. Makakatulong dito ang pag-inom ng maraming tubig kada araw. Ilan din sa mga maaring subukan ang yoga upang ma-relax ang daloy ng dugo sa katawan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!