Adult acid reflux: Sanhi, sintomas, at lunas

Adult acid reflux: Sanhi, sintomas, at lunas

Madalas bang sumakit ang iyong dibdib matapos kumain, hirap sa paglunok, at malimit na parang naduduwal? Baka nakararanas ka na ng sintomas ng acid reflux.

Kung madalas sumakit ang iyong dibdib matapos kumain, nahihirapan ka sa paglunok, at parating nagsusuka, baka nakararanas ka na ng sintomas ng acid reflux.

Narito ang mga impormasyong dapat tandaan upang maagapan at maiwasan ang acid reflux.

Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay nangyayari kung ang acid sa tiyan ay madalas na umaakyat sa esophagus. Ang acid reflux na ito ay nakakairita sa lining ng iyong esophagus.

Maraming tao ang nakararanas ng acid reflux paminsan-minsan. Kung mayroong GERD, maaaring makaranas ng mild acid reflux dalawang beses isang linggo, o moderate to severe acid reflux higit isang beses kada linggo.

Depende sa sakit na nararanasan kung may GERD, maaaring humupa ang GERD sa pamamagitan ng ilang lifestyle changes at over-the-counter na gamot. Ngunit mayroong ding kailangan ng mas matapang at mataas na dosage ng gamot.

Sintomas ng acid reflux

Obserbahan kung nakararanas ka ng mga sumusunod na sintomas ng acid reflux:

  • Burning sensation sa iyong dibdib (heartburn), kadalasan matapos kumain, at mas malala sa gabi
  • Pananakit ng dibdib
  • Hirap sa paglunok
  • Pag-akyat o pagsuka ng kinain
  • Pakiramdam na may lump sa iyong lalamunan
  • Masakit at matigas na tiyan

Kung nakararanas ng sintomas ng acid reflux sa gabi, maaari ring magkaroon ng:

  • Chronic na ubo
  • Laryngitis
  • Bago o mas lumalalang hika
  • Paputol-putol na pagtulog

Humanap ng dagliang medical care kung naninikip ang iyong dibdib at nahihirapan kang huminga, o kung masakit ang iyong panga o braso. Ito ay maaaring sintomas ng atake sa puso.

Makipagkita sa doktor kung nakararanas ng madalas o malalang sintomas ng acid reflux o GERD, at kung umiinom ng gamot para sa heartburn higit sa dalawang beses isang linggo.

Sanhi

Ang kadalasang sanhi ng GERD ay acid reflux.

Kapag ikaw ay lumulunok, ang circular band ng muscle sa ilalim ng iyong esophagus, ang lower esophaegeal sphincter, na nagrerelax upang makapasok ang pagkain at inumin sa iyong tiyan. Pagkatapos nito, dapat ay magsara na ulit ang sphincter.  

Kung hindi tama ang pagbukas at pagsara ng sphincter, nakakalabas ang stomach acid paakyat ng iyong esophagus. Kung madalas ang pag-akyat ng acid, naaapektuhan ang lining ng esophagus kaya namamaga ito.

Risk factors

Mas malaki ang tiyansiyang magkaroon ng GERD kung ikaw ay:

  • Obese
  • May hiatal hernia
  • Buntis
  • May connective tissue disorders, gaya ng scleroderma
  • Constipated

Ang iba pang risk factors na maaaring magdulot ng sintomas ng acid reflux ay:

  • Paninigarilyo
  • Pagkain nang marami at pagkain sa disoras ng gabi
  • Pagkain ng trigger foods gaya ng matataba o pinirito
  • Pag-inom ng alcohol o coffee
  • Pag-inom ng partikular na gamot gaya ng aspirin
Komplikasyon

Hindi dapat binabalewala ang GERD. Kung mapabayaan, ang chronic inflammation ng iyong esophagus ay maaaring humantong sa esophageal stricture, esophageal ulcer, at Barrett’s esophagus.

Lifestyle at home remedies

May ilang puwedeng baguhin sa iyong lifestyle upang mabawasan ang sintomas ng acid reflux.

  • Panatilihin ang malusog na timbang
  • Itigil ang paninigarilyo
  • Itaas ang ulunan ng kama
  • Huwag humiga agad pagkatapos kumain
  • Kumain nang marahan, at nguyain nang maigi ang pagkain
  • Iwasan ang mga pagkain at inumin na nakaka-trigger ng sintomas ng acid reflux, tulad ng matataba o pinrito, tomato sauce, chocolate, garlic, onion, tomato sauce, caffeine, at alcohol.
  • Iwasang magsuot ng masikip na damit.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Source: Mayo Clinic

Basahin: Acid reflux sa mga buntis: 6 na kailangan malaman tungkol dito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Romy Peña Cruz

app info
get app banner