Bilang isang first-time expecting mom, marami tayong tanong sa ating isip kung anu-ano ang mga dapat at hindi dapat sa pagbubuntis. Katulad pwede bang magpa-rebond? O kaya naman bawal ba ang kape sa buntis? At kung anu-ano pa.
Ngunit alam niyo ba na ang pag-inom ng caffeinated drinks ang pinaka karaniwang hinahanap ng tao sa Google? Kung isa sa kanila, narito na ang mga dapat mong malaman.
Ayon sa bagong pag-aaral, hindi naman pala masama ang kape sa buntis pero in moderation dapat. Sa kabila nito, ayon sa experts ang pag-inom ng kape o iba pang caffeinated drinks ay maaaring magkaroon ng epekto sa baby.
Dagdag pa rito, ang mga buntis na umiinom ng kalahating baso ng kape araw-araw ay maaaring magkaroon ng maliit na baby paglabas.
Bawal ba ang kape sa buntis? Ano kaya ang opinyon ng experts hinggil dito? | Photo by Fallon Michael on Unsplash
Bawal ba ang kape sa buntis? Ano kaya ang opinyon ng experts hinggil dito?
Hindi, para sa experts hindi naman daw masama ang pag-inom ng kape para sa buntis. Katulad nga lang ng maraming bagay kailangan ng ibayong pag-iingat sa pag-inom nito.
Napagalaman kasi ng pag-aaral na ang mga nanay na umiinom ng 200 milligrams ng caffeine sa isang araw (dalawang baso) ay nagkaroon ng anak na maliit.
-
Mga babaeng hindi uminom ng kape:
Ayon sa pag-aaral, ang mga nanay na hindi umiinom o mayroong kaunting lebel ng caffeine sa katawan ay mayroong anak na mas mabigat. Ang timbang nila ay 84 grams kapag pinanganak at 0.44 centimetres ang haba. Habang ang head circumference ay 0.28.
-
Mga babaeng uminom ng kape:
Ang mga buntis naman na umiinom ng 50 milligrams ng caffeine sa isang araw ay napagalaman na ang kanilang baby ay may timbang na 66 grams. Habang ang thigh circumference nila ay 0.32.
Nalaman daw kasi na ang caffeine ay maaaring maging sanhi upang maging “constrict” ang blood vessels sa uterus at placenta. Dahil rito, nababawasan ang supply ng dugo sa fetus dahilan para mapigil ang paglaki ni baby.
Isa pang maaaring maging epekto nito ay ang fetal stress hormone. Ayon sa researchers, ito raw ang pangunhaing dahilan din kung bakit nagkakaroon ng heart disease, obesity o labis na timbang, at diabetes ang bata habang tumatanda.
Paalala ng pag-aaral, ang pag-inom ng kape ng mga buntis ay kinakailangang limitahan o bawasan. Ito ay dahil ang maliit na sukat kapag ipinanganak ang isang sanggol ay maaaring magdala ng risk sa kanila. Pasok dito ang obesity, diabetes at sakit sa puso.
Bilang parte ng pag-aaral, sinuri ng mga researcher ang 2,000 na kababaihan mula sa 12 na clinic. Sila ay nasa 8-13 weeks ng pagbubuntis. Ang blood sample na kinuha mula sa 10-13 weeks ng kanilang pagbubuntis ay pinag-aralan ng mabuti para sa caffeine at paraxanthine.
Ilang baso ng kape ang safe na inumin sa pagbubuntis?
Maraming coffee lovers na naging first time moms at hirap na hirap limitahan ang pag-inom ng kape. Sila kasi iyong sinisimulan ang umaga sa pag-inom nito o kaya naman nagbibigay ng energy sa kanila. Pero, paano nga ba lilimitahan ang pag-inom ng kape?
Marami naman ang benepisyong dala ang kape ngunit ibang usapan kapag ito ay ininom habang buntis. Nirerekomenda ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) sa mga buntis na limitahan ang kanilang pag-inom ng kape ng hindi hihigit sa 200 mg.
Ito ay katumbas ng 1 to 2 tasa ng kape (240–580 ml) o 2 to 4 tasa (240–960 ml) ng tsaa sa isang araw.
Ang mga numero sa taas ay rekomendasyon lamang. Laging magpakonsulta sa iyong gynecologist kung hanggang saan ang caffeine limit mo.
Laging tatandaan na ang bawat pagbubuntis ay iba-iba. Halimbawa, safe uminom ng kape ang iyong kaibigan araw-araw. Ngunit ang payo sa iyong ng doktor ay ‘wag munang uminom ng kape habang buntis.
Kung dati pa lang ay hilig mo na ang kape at inabiso ng iyong doktor na ‘wag uminom nito, ‘wag kang malungkot dahil marami pa namang alternatibong inumin na healthy sa ‘yo. Maaari mong mapanatili ang pagiging hydrated para maiwasan ang constipation, pamamaga at urinary tract infection.
Ano ang epekto ng kape sa baby habang buntis?
Hindi pa rin klaro kung ano ba ang epekto talaga ng kape sa baby sa loob ng sinapupunan. Ayon sa mga eksperto, ang caffeine na matatagpuan sa kape ay nakakapasok papunta sa placenta.
Iniuugnay din ng ilang pag-aaral ang maraming pag-inom ng kape sa pagtaas ng tiyansa ng pregnancy loss at lower birth weights.
Kaya naman sinabi ng mga eksperto na dapat limitahan ng buntis ang pag-inom ng kape sa 200 milligrams o mas kaunti pa roon.
Paano naapektuhan ang buntis sa pag-inom ng kape?
Hindi mo naman mararamdaman ang epekto ng kape, pero sa kabilang banda maaaring may epekto ang caffeince sa iyong pagbubuntis. Kagaya nga ng sinabi kanina.
Mas napapalala kasi ng kape ang pagkakaroon ng heartburn lalo na kapag ikaw ay buntis. Ang ilang kababaihang buntis din ay napapansin na naiiba ang lasa ng kape kapag buntis.
Isa pa sa sinasabi ng mga eksperto, maaaring magkaroon ng impact ang pag-inom ng kape sa ability ng iyong katawan sa pag-absorb ng iron. Ito ay maaaring madulot ng mataas na risk sa pagkakaron ng iron deficiency o kaya naman anemia.
Kaya naman kung ikaw ay buntis na at mayroon kang iron deficiency, mas mainam na huwag munang uminom ng kape sa kabubuaan ng iyong pagbubuntis.
May benepisyo ba ang kape sa buntis?
Sa kabuuan may benepisyo naman talaga ang kape, na-i-improve nito ang energy at alertness natin. Sa ilang pagkakataon may benepisyo naman, ayon sa isang pag-aaral ang pag-inom ng caffeine sa second trimester ay maaari umanong makatulong sa pag-reduce ng gestational diabetes. Kung moderate ang pag-inom nito.
Tandaan mas maganda pa ring kumonsulta sa doktor para makasiguro kung ligtas ba ito para sa ‘yo.
Bawal ba ang kape sa buntis? Ano kaya ang opinyon ng experts hinggil dito? | Photo by Devin Avery on Unsplash
5 alternatibong inumin ng mga buntis laban sa kape
Kung hirap ka talagang iwasan ang pag-inom ng kape, maaari mong i-try ang ilan sa alternatives. Ito ang tinatawag na good fluids, ito ay nakakatulong din para mapababa ang tiyansa na magkaroon ng preterm labor at preterm birth o iyong pagkakaroon ng maagang panganganak.
Kaya naman, ano ba ang dapat mong inumin habang buntis? Narito ang ilan sa aming recommendations:
1. Tubig
Water is the best at all times at hindi na ito dapat na isipin pa!
Importanteng uminom ng 8-12 baso ng tubig araw-araw kahit hindi ka buntis. Sa pagbubuntis naman, mas kinakailangan mo ng dobleng tubig sa katawan dahil ito ay makakatulong sa production ng amniotic fluid, dugo at bagong tissue. Naglalaman ito ng nutrients, mapapabuti ang digestion at madaling naaalis ang dumi sa katawan.
Kung napapansin mo namang madilaw ang iyong ihi o kaya naman mapanghi, nangangahulugan lamang ito na kulang ka sa tubig. Mas maganda na walang kulay ang iyong ihi dahil senyales ito na malinis ang daluyan ng iyong ihi.
Basic man pakinggan ang pag-inom ng tubig pero ito best fluids that you can take!
2. Coconut water
Magandang alternatibong inumin sa kape ang coconut water para sa mga buntis. Bukod dito, marami itong benepisyong dala.
Napapalakas nito ang resistensya, nilalaban ang dehydration, heartburn, constipation, nililinis ang katawan at marami pang iba. Safe na safe ang natural na bitamina at mineral na dala ng inuming ito para sa mga buntis.
3. Carrot Juice
Ang carrot juice ay labis na masustansya dahil ito ay mayaman sa vitamin C at antioxidants na nakakatulong sa production ng cell. Naglalaman din ito ng potassium, magnesium, calcium, folate, at vitamin A. Lahat ng ito ay mahalaga sa paglaki at development ng fetus.
Ang calcium ay nakakatulong sa pagbuo ng buto ni baby. Habang ang folate naman ay para maiwasan ang anumang birth defects.
Bawal ba ang kape sa buntis? Ano kaya ang opinyon ng experts hinggil dito? | Photo by Rae Wallis on Unsplash
4. Orange juice
Nasubukan mo na ba ang freshly squeezed na orange juice? Maganda itong alternatibong inumin laban sa kape. Mayaman ito sa calcium at potassium na siyang nagpapababa ng tiyansa ng high blood pressure.
Mayroon din itong vitamin C, folate na nakakatulong sa paglaki at development ng baby mo sa tiyan. Mas magandang gumawa ng orange juice sa bahay para maiwasan ang contamination at infection.
5. Lemonade
Itinuturing na “must-have drink” ang lemonade para sa mga buntis. Tamang-tama itong inumin lalo na sa first trimester kung saan maselan ang pagbubuntis. Epektibo itong gamot para sa nausea at morning sickness. Lagyan lamang ng lemon ang iyong tubig o salad dahil mahalaga ito sa heath ni mommy!
Hindi maitatanggi na mayaman sa bitamina, mineral at nutrients ang lemon. Mahalaga ito bilang suporta sa katawan ng buntis at baby.
Tandaan, safe ang mga inumin na nabasa. Bukod pa dito, you can always prepare them at the comfort of your home. Healthy na very affordable pa.
Paano maiiwasan ang pag-iisip na uminom ng kape sa buntis?
Unang-una sa lahat, ike-crave ng tao ang isang pagkain kapag naisip niya ito. Marahil sa mga coffee lovers at the same time pregnant mommy, nahihirapan silang hindi maisip parati ang pag-inom ng kape.
Paano nga ba maiiwasan na hindi ito maisip upang madaling labanan ang cravings? Narito ang. ilang sa maaaring naming i-suggest sa iyo:
- Paggising sa umaga, uminom kaagad ng hindi bababa sa dalawang basong tubig upang ma-cleanse ang stomach.
- Humanap ng ibang alternative na mainit na inumin sa umaga kung nasanay kang umiinom ng kape.
- Huwag nang mag-restock pa ng kape kung hindi naman na kailangan to resist temptation.
- Kung sa una ay nahihirapan pang iwasan, subukang unti-untiing bawasan ang pag-inom hanggang sa hindi na ito matandaan.
- Sa tuwing nauuhaw, imbes na kape subukang inumin ang 5 alternative good fluids na aming inilista sa itaas.
- Subukang i-encourage ang mga kasama sa bahay na iwasan ang pagkakape sa mga lugar na maaaring maaamoy mo ito.
- Huwag kalimutan ang maaaring maging epekto ng kape sa iyong baby kung ipagpapatuloy mo ang iyong pag-inom nito.
Palagi nga lang tandaan na dapat laging kumunsulta sa iyong doktor para sa iyong diet plan lalo sa panahong ikaw ay nagbubuntis.
Kinakailangan kasing in moderation din ang pag-inom o pagkain habang pregnant lalo at dalawa na kayo ni baby ang kailangang intindihin. Eksperto ang mas nakakakaalam kung ano ang nararapat para sa iyo depende sa kalagayan ng iyong katawan.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano at dagdag impormasyon mula kay Angerica Villanueva
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!