Ano nga ba ang mga dapat gawin at iwasan sa first trimester ng pagbubuntis? Alamin dito!
Marahil maraming concerns ang mga pregnant moms lalo na ang mga first time moms sa kanilang first trimester ng pagbubuntis. Ang pagbubuntis ay mayroong kabuuang tatlong trimester. Ang First Trimester ay ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
Sa trimester o period na ito, dahil hindi tiyak ang mga sintomas at senyales ng pagbubuntis, minsan ay napapabayaan ang sariling kalusugan ng mga moms. Tiyakin lagi na kung nagbabalak na mabuntis ay maging maalam sa mga sintomas, paggamit ng pregnancy test, at pagtiyak sa mga bawal o hindi dapat sa mga buntis.
Ano-ano nga ba ang madalas na sintomas na nararanasan sa pagbubuntis sa First Trimester?
Ang morning sickness ay isang normal na senyales at kadalasang nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis. Ngunit hindi lahat ng pregnant moms ay nakakaranas nito.
Ayon kay Dr. Rona Lapitan, isang OB-Gyne ng Makati Medical Center, lahat ng kababaihan ay may iba’t ibang reaksyon dahil sa hormones ng pregnancy.
Ang iba ay makakaranas ng pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng ulo, at fatigue. Lahat ng sintomas na ito ay normal sa isang buntis.
Ang madalas na pagpapalit ng hormones ng kababaihan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng food cravings ang mga pregnant mom. Ayon kay Dr. Lapitan,
“They said almost 50 % of women have this. This is very normal, they also have distaste (in food)”.
Ayon kay Dr. Lapitan, kapag nakaranas ang isang mommy ng ganitong mga sintomas, agad ng pumunta sa doctor.
Ang heartburn ay isang sintomas na nararanasan ng isang buntis. Ito ay ang burning feeling sa dibdib at throat kung saan ang laman ng tiyan ay bumabalik sa esophagus. Ang heartburn ay madalas nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis.
Ano ang pagkakaiba ng Morning Sickness at Heartburn?
“Morning sickness is associated with dizziness, Iyong heartburn naman, sometimes there’s pain in the upper abdomen, even if there is no vomiting they are experiencing that,”saad ni Dr. Lapitan.
Larawan mula sa File Photos ng theAsianparent Philippines
-
Tender and Swollen Breasts
Mula sa mga unang linggo ng pagbubuntis, makakaranas ang kababaihan ng pananakit sa kanilang dibdib. Ito ay madalas mabigat sa pakiramdam.
Sa pag-progress ng first trimester, mapapansin ng ating mga mommies ang fullness at heaviness ng kanilang dibdib kaysa sa pananakit.
Bakit ito nangyayari?
Ang hormones ng isang buntis ay ang nagpe-prepare para sa kanilang breastfeeding. Ang blood flow sa area ay tumataas, senyales ng pagkakaroon ng larger breasts.
Ano nga ba ang development ng baby sa first trimester ng pagbubuntis?
Sa unang 3 weeks, dito nagaganap ang tinatawag na fertilization ng baby. Ang fertilization ang pagsasama ng sex cells ng babae at lalaki kung saan made-develop ito maging isang ganap na baby.
Mula week 7 hanggang week 12, mapapansin na ang pag-develop ng ulo at mukha ni baby. Dito na rin unti unting lumalabas ang mga paa at kamay nito. Ganap na rin na matatawag na fetus ang baby sa loob ng tyan ng isang pregnant mom.
Iba pang concerns ng mga mommy sa First Trimester
Bukod sa mga sintomas at pagbabago, marami pang katanungan at concerns ang ating mga pregnant moms tungkol sa kanilang first trimester ng pagbubuntis.
-
Importante ba sa buntis ang pag-intake ng folic acid?
Larawan mula sa iStock
Isinaad ni Dr. Lapitan na importante ang folic acid sa mga buntis. Ang pag take ng folic acid ay nakakatulong sa pag prevent ng neural tube irregularities sa fetus.
Ang calcium ba ay beneficial para sa mga buntis? Paliwanag ni Dr. Lapitan,
“Just like the iron. I usually give calcium in the second trimester, it is for the development of the bones. Fetal bones.
It is also essential. However, vitamins also contain calcium and iron. If you want to increase you need to add another supplementation.”
Ang calcium ay tumutulong sa pag-maintain at pag-build ng strong bones. Ayon sa mga eksperto, ang calcium ay tumutulong sa muscles, heart, at nerves upang mag-function ito ng maayos.
-
Okay lang bang uminom ng gatas kaysa sa iron?
Karamihan sa mga kababaihan ay hindi umiinom ng prenatal milk. Mas gusto nila calcium kaysa dito. Kung gugustuhin ng buntis na uminom ng prenatal milk, okay lang ito ayon kay Dr. Lapitan.
May mga pregnant moms ang dumadaan sa procedure upang maiwasan ang skin problems ngunit payo ni Dr. Lapitan na huwag munang gawin ito sa first trimester ng pagbubuntis.
Larawan mula sa iStock
Narito ang mga common skin problems na nararanasan sa pagbubuntis:
- Acne – Dahil sa hormones ng katawan, nagdudulot ito ng oil glands na mag-secrete ng oils dahilan ng pagkakaroon ng breakouts.
- Stretch marks – Karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng stretch marks. Ito ay isang kondisyon sa balat na nakukuha dahil sa weight gain. Ngunit minsan ito ay nakukuha dahil sa genetics.
- Linea Negra – Ito ay kundisyon kung saan nagbabago ang kulay ng balat ng mga buntis. Ito ay sanhi ng pregnancy hormones at ‘wag mag-alala dahil ito ay mawawala din after pregnancy.
-
Suka ng suka kahit pagkatapos pa lang kumain
Tanong ng mga moms “Yong kakakain mo lang, pero sinuka mo agad, is that considered hyperemesis gravidarum?” Ayon kay Dr. Lapitan hindi agad ibig sabihin nito ay mag hyperemesis gravidarum. Dagdag pa niya,
“Not necessarily, meron ng signs of dehydration. Dry ‘yong lips, sobrang hinag hina ka na. You really need to be admitted to prevent further dehydration. It will also replenish the electrolytes that are lost during your vomiting.”
-
Tila laging pagod at walang energy
Ito ay isang normal na pangyayari sa katawan ng isang buntis. Ibig sabihin nito ay binibigyan ng signal ng katawan ang isang buntis upang makapag adjust sa mga pagbabago.
Payo ni Dr. Lapitan na gumalaw, gumawa ng iba’t ibang activities at maglakad lakad, para hindi mabilis mapagod.
Mga dapat gawin sa First trimester ng pagbubuntis.
Mahalagang malamang ng ating mga mommies ang kailangan gawin para sa healthy na pagbubuntis at development ni baby. Narito ang mga dapat gawin sa first trimester ng pagbubuntis:
- Sundin ang tamang proseso ng check up at tests. Sa first trimester madalas ginagawa ang Fetal Ultrasound at Maternal blood testing. Ang fetal ultrasound ay isang imaging technique na ginagamit ang sound waves upang ma-detect at makita ang fetus sa uterus. Samantalang ang maternal blood testing ay ginagawa upang malaman ang kondisyon ng growing fetus. Ang mga tests o screening na ito ay ginagawa upang maiwasan ang birth defects patungo sa healthy pregnancy.
- Kumain ng mga healthy food. Hindi kinakailangan magkaroon ng striktong diet. Ang mahalaga ay ang tamang pagkain upang makakuha ng sapat na sustansya para kay mommy at baby.
- Regular check up sa doctor upang ma-monitor ang health ni mommy at baby. Ang first trimester rin ng pagbubuntis ay isa sa mga madalas na nagkakaroon ng miscarriage kaya ugaliin na magpatingin sa doctor.
- Laging uminom ng prenatal vitamins. Ang prenatal vitamins ay nakakatulong sa healthy development ng baby.
- Mag-prepare ng exercise routine na tama para sa mga buntis. Ayon sa mga eksperto ang pag eexercise ay nakakabawas ng pagsakit ng likod, bloating, at swelling.
- Drink plenty of water. Hindi na lamang si mommy ang umiinom, kundi na rin ang baby. Ang pag inom ng maraming tubig ay makakatulong upang maiwasan ang dehydration at UTI.
Ang pag-intindi at pag aalaga ng katawan habang buntis ay makakatulong sa mga desisyon at pagiging handa ng isang mommy sa kanilang magiging anak. Ilan lamang ito sa mga mahahalagang bagay na dapat gawin sa first trimester ng pagbubuntis
Mga bawal sa buntis
Kapag nasa first trimester ng pagbubuntis ang isang babae, hindi lang kalagayan ni baby ang kailangan pangalagaan. Dahil maraming kahingian ang pagbubuntis, marami din dapat i-consider para sa sariling kalusugan ang mga moms.
Kapag nagpaplanong magbuntis at hindi pa tiyak kung ikaw ay buntis na lalo na sa first trimester, kailangan pa ring alagaan ang sariling kalusugan. Mas nakakatulong ang malusog na pangangatawan lalo na sa may balak ng mabuntis.
Kaakibat ng pangangalaga sa kalusugan ay ang pag-iwas sa mga bawal sa buntis. Makakasama ito sa iyo at sa iyong baby. Sa ibang kaso naman, maaaring magkaroon ng komplikasyon kahit pa matagumpay na na-ideliver ang baby.
Ano ba ang dapat alaming mga bawal sa buntis? Kasama na rito ang mga bawal na gawain, bawal na pagkain, at bawal na inumin.
Narito ang mga bawal sa buntis ng 1st trimester.
Mga bawal sa buntis ng 1st trimester
Hindi naman ganoon karami ang mga bawal sa buntis ng 1st trimester. Maliban sa pag-iwas sa pag-inom ng alcoholic beverages at pag-inom ng gamot na walang reseta, may iilan na laging dapat i-consider.
At ang ibang hindi naman mga bawal ay maaaring i-enjoy ng mga moms sa kanilang pregnancy life.
Pero, dahil nakasasalay sa pag-iwas sa mga bawal ang kalusugan ni mommy at ni baby, narito ang mga dapat alamin ng mga mommies na mga bawal sa buntis ng 1st trimester.
Umiwas sa ilang mga pagkain.
Habang nasa 1st trimester ng pagbubuntis, iwasan ang mga pagkain gaya ng mga sumusunod:
- Hilaw na karne
- mga isda na may high level ng mercury tulad ng king mackerel, swordfish at tilefish
- hilaw na itlog
- unpasturized na dairy products gaya ng soft cheese
Kung kayang ipaubaya ang pagpipintura habang ikaw ay buntis, ipaubaya sa iba.
Hindi maganda ang exposure ng isang buntis ng 1st trimester sa paint toxicity. Bukod sa nalalanghap ang kemikal nito, maaaring magdulot ng mas lalong pagkahilo o pagsidhi ng ilang sintomas ng pagbubuntis.
Nagdudulot ng ilang kondisyon ang sobrang caffeine.
Ang pag-inom ng mga inuming may mataas na level ng caffeine ay maaaring magdulot ng blood pressure, pagtaas ng heart rate, at madalas na pagpapabalik-balik sa CR.
Hindi lamang sa kape at tsaa nakakakuha ng caffeine. Pwede rin itong makita sa chocolates, soda, at kahit sa ilang over-the-counter na gamot.
Iba pang mga bawal sa buntis ng first trimester
Narito ang ilang mga gawain na bawal sa buntis ng first trimester na kailangang tandaan:
- Pag-inom ng anomang gamot na walang prescription ng inyong doktor at OB.
- Pagsusuot ng stiletto o anomang fashion style na makakasama sa pagbubuntis.
- Mainit na paligo at sauna
- dumi ng mga alagang hayop, lalo na ng pusa
- second hand smoke
- pag-upo at pagtayo sa loob ng mahabang oras
- paniniwala sa alinmang nababasa lamang sa internet
Paalala
Munting paalala para sa mga moms, lalo na kung may sintomas o senyales ng first trimester na pagbubuntis, na laging magpa-konsulta sa inyong OB-Gyne. Laging alalahanin ang concerns ng kalusugan mo at ni baby.
Maging malusog habang nagbubuntis mga mommies!
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!