Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

Nakakaramdam kaba ng morning sickness at iba pang kakaibang pakiramdam? Narito ang sintomas ng buntis na kailangan mong malaman. | Lead image from iStock

Hindi natin malalaman kung hindi natin kukumpirmahin ngunit malalaman naman agad natin ang mga early signs kung ikaw ba ay buntis.

Ang two weeks na paghihintay ay matagal na kahit sa mga resilient na tao. Sa loob ng dalawang linggo na ito, sabik na sabik tayo na magpakita kahit na maliit na sintomas.

Kaya naman ano nga ba ang sintomas ng buntis na maaari mong maranasan bago makumpirma sa pregnancy test? Narito ang sampung maagang sintomas ng buntis.

Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan bago mag-pregnancy test

1. Pagiging sensitibo ng nipples

Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang itong areolas  ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.

Isang nanay ang naglarawan dito. Ito raw ay tila “razor blades against the nipples”. Kaya naman kung ito ang nararanasan mo, ikaw ay maaaring buntis.

sintomas-ng-buntis

Sintomas ng buntis | Image source iStock

2. Implantation bleeding

Kapag ang blastocyst ay nagtungo sa wall ng uterus, ang ibang babae ay dinudugo. Ito’y tinatawag na ‘spotting’ at ang mga expectant mother ay karaniwang nararanasan. Ito rin ay napagkakamalang maagang dalaw ngunit wala namang dapat ikabahala.

Ayon sa The Royal Women’s Hospital sa Melbourne, “One in four women will bleed in early pregnancy, many of whom go on to have a healthy baby.” Pinapayuhan ang mga babae na nakakaranas ng pagdudugo sa unang pagbubuntis na magpatingin agad sa health professional para rin makita kung anong meron at agad na magamot ito. Basahin ang iba pang impormasyon sa Pain and Bleeding Early Pregnancy fact sheet.

3. Cramps

Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.

Inabisuhan ng Royal Women’s Hospital sa Melbourne ang mga pasiyente na pumunta agad sa local emergency department kung malakas na ang pagdudugo na nakakapuno ng dalawang pads sa dalawang oras, kasing laki na ng golf ball ang blood clot at nakakaranas ng matinding pananakit ng tiyan o balikat. Kasama na rin dito ang lagnat, pagkahilo, pagkawala ng malay at kakaibang amoy ng nilalabas ng ari.

4. Labis na pagkapagod

Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.

Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”

sintomas-ng-buntis

Sintomas ng buntis | Image source iStock

5. Nausea

Isa ito sa nararanasang sintomas ng buntis, ang morning sickness. May ibang babae na nararanasan ang nausea sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Ito ay may dalawang form, ang una ay panghihina at ang pangalawa ay masakit na tyan. Sa ibang kaso, nakakaranas sila ng matinding pagsusuka. Kadalasan itong nagiging matindi dahil walang laman ang tiyan ng babaeng buntis. Kaya naman makakatulong upang mawala ang pagkain kahit na kaunti lamang. Maaari ring mabawasan ang epekto ng morning sickness sa tulong ng pag-inom ng relief tabs at prenatal multivitamins.

6. Madalas na pag-ihi gabi-gabi

Kapag ikaw ay nasa huling stage na ng iyong pagbubuntis, ang iyong unborn baby ay ang dahilan ng pressure sa iyong bladder dahilan para ikaw ay umihi ng madalas. Ngunit alam mo bang ito ay maaaring early symptom ng pagbubuntis? Dahil sa pagtaas ng iyong hormones, ang iyong dugo rin ay mabilis na dumadaloy kaya ikaw ay madalas na pumunta ng banyo sa madaling araw para umihi.

7. Constipation

Ang iyong hormones progesterone ay ang dahilan ng pagbagal ng bowels at maaaring maging problema ng buntis dahil ang katawan nila ay naglalabas ng madaming hormone. Kung ikaw ay umiinom ng preconception vitamin na may iron, maaaring ito rin ay ang problema. Kung ikaw ito, dalasan ang pag-inom ng tubig!

Narito ang mga steps kung paano mabawasan ang constipation ayon sa Australian Government Department of Health.

  • Madalas na pag-inom ng tubig
  • Uminom ng dietary fiber
  • Tanungin kung ano ang gamit ng laxatives sa iyong healthcare provider kapag hindi pa rin gumagana ang dalawa sa taas.

8. Pagbabago ng panlasa

May ibang kababaihan na nagbabago ang panlasa sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. May ibang kaso na nagkakaroon sila ng metallic taste sa bibig at ang iba naman ay naglalaway ng todo. Kasama na rin dito ang pagdudugo ng gums kapag nagsisipilyo.

Kaya naman kung napansin mo ang biglang paghahanap ng lasa ng chocolate sa gabi o kaya naman nawawala ang ganang uminom ng kape sa umaga, maaaring may paparating ka nang good news!

sintomas-ng-buntis

Sintomas ng buntis | Image source iStock

9. Feeling light-headed o pagkahilo

Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.

Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.

10. Mood swings

Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.

Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.

Makakatulong sa iyong journey ang pagbantay sa early signs ng pregnancy. Puwede ka rin na uminom ng prenatal vitamins at supplements upang mapanatili ang iyong magandang kalusugan at mabawasan ang ilang side effects ng pagbubuntis.

 

This article was first published on KidSpot and translated from theAsianparent Singapore with permission.

 

BASAHIN:

Buntis Question: Normal ba na ihi nang ihi ang buntis?

Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak.”

Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner