Mahalaga ang healthy food choices para sa mga nagbubuntis, kabilang na ang mga prutas para sa buntis na maaaring makatulong sa healthy pregnancy.
Ang sabi nga ng mga nutritionists at doktor, kapag buntis ka, kumakain ka para sa dalawa kaya dapat na pag-ingatan ang anumang pumapasok sa katawan at sistema. Kapag masustansiya ang pinipiling pagkain, masisigurong makukuha ng fetus ang kailangan niyang nutrients para sa kaniyang paglaki sa sinapupunan.
May mga piling prutas na dapat kainin para sa kabuuang kalusugan ni mommy at ng hindi pa napapanganak na baby—dahil sa mga health benefits na makukuha sa mga ito.
Prutas para sa buntis | Image from Unsplash
Mga dapat ugaliin ng buntis
Bakit nga ba importanteng kumain ng mga prutas para sa buntis? Pati na rin ang ibang aktibidad sa kanila?
Sa tulong ni Dr. Ramon Reyles, kasalukuyang Chairperson ng departamento ng OB-GYN sa Makati Medical Center, bibigyang kasagutan natin ang katanungan na ito tungkol sa mga dapat kainin o iwasan na pagkain ng mga buntis.
Kapag buntis, marami kang “cravings”, marami kang gustong kainin ayon sa panlasa mo sa oras na iyon. Minsan, ang mga gusto mong kainin ay hindi masustansiya—pero masarap para sa iyo kaya tuloy ang kain.
Para masigurong may makakain pa din may vitamins at minerals na kailangan kapag buntis, mainam na isali palagi ang prutas sa araw-araw. Sa ganitong paraan, makakaiwas kahit papaano sa mga matatamis na “cravings”. Karaniwan at hindi mamahaling mga prutas ang dapat na kainin.
Ayon kay Dr. Reyles, bukod sa pagkain ng buntis, no-no activities din ang mga “weights” kung tawagin katulad ng pagtalon.
“‘Yong physical exertion, strenuous ‘di pwede ‘yon. ‘Yong exercise like carrying heavy weights bawal. Overstretching, gymnastics and anything that involved the risk of falling is dangerous to a pregnant mom of any gestational age.”
Dagdag pa ni Doc, mas magandang ugaliin ng mga buntis ang paglalakad imbes na gawin ang weights na ito. “Maganda sa mga buntis meron silang kasama. Kwentuhan, it will be a leisure form of exercise.”
16 na prutas para sa buntis na dapat nilang kainin
Lahat naman ng prutas ay masustansiya. Pero ang mga sumusunod ang pinakahitik sa nutrients para sa mga pregnant mommies, bukod sa ito ang pinakamadaling hanapin.
Narito ang 9 na prutas para sa buntis:
Prutas para sa buntis | Image from Unsplash
1. Mangga
Hilaw man o hinog, paniguradong masasagot ng mangga ang kailangang vitamin A at vitamin C, na maipapasa din kay baby, para makaiwas sa vitamin A deficiency. Ayon sa mga pag-aaral, ang Vitamin A deficiency sa mga bagong panganak na sanggol ay may kaugnayan sa lower immunity at malaki ang posibilidad na magkaron ng komplikasyon tulad ng diarrhea at respiratory infections.
Nakakatulong din ang vitamin C sa maayos na digestion para makaiwas ang mga pregnant mommies sa constipation at mga impeksiyon.
2. Oranges
Isa pang source ng vitamin C ang oranges. Mapapanatiling hydrated at makakapagbigay ng natural na proteksiyon laban sa mga sakit ang regular na pagkain ng oranges.
Epektibong antioxidant din ito, na nakakatulong na maprotektahan ang cells ng katawan. Dagdag pa dito, nakakatulong ding maka-absorb ng iron, na kailangan ng mga nagbubuntis, at nakakapagpababa ng mataas na presyon dahil sa taglay nitong potassium.
May taglay ding folate ang prutas na ito, na kailangan ng mga sanggol para maiwasang magkaron ng brain at spinal cord abnormalities.
3. Bayabas
Vitamin E, C, iso-flavonoids, Carotenoids, Polyphenols at folate naman ang taglay ng ordinaryo, pero hitik sa sustansiya na prutas na ito, kaya’t isa ito sa pinakamahalagang kainin ng pregnant moms.
Dagdag pa dito ang naitutulong nito sa digestion, na siya ring panlaban sa constipation. Para kay baby naman, napapalakas ng prutas na ito ang nervous system ng sanggol.
Mayaman ang prutas na ito sa vitamin C, folate, potassium, magnesium, vitamin B6 at fiber. Nakakatulong ito sa constipation, na talaga namang pahirap kapag buntis ka.
Mainam din ito para maalis o mabawasan ang pagkahilo at pagsusuka sa mga unang buwan ng pagbubuntis. Ang magnesium sa saging ay tumutulong na magkaron ng balanseng fluid para mabawasan ang pagkahilo o pagsusuka. Saging ang nirerekumenda ng mga doktor na kainin sa unang trimester ng pagbubuntis.
Folate naman ang nagbibigay proteksiyon sa sanggol laban sa neural tube defects, at Vitamin B6 ang tumutulong na mapanatili ang tamang lebel ng sodium sa katawan ng nagbubuntis.
May taglay na fats, pero ito ang uri ng fats na mabuti sa katawan. Dahil may taglay itong vitamins C, E, at K, monounsaturated fatty acids, fiber, B vitamins, magnesium, potassium, copper, at folate, nagbibigay ito ng energy para sa mga preggo moms, at nakakatulong sa pagkakaron ng healthy skin at brain kay baby. Para kay mommy naman, potassium ang nakakatulong na maibsan ang mga leg cramps o pulikat.
At dahil may folate at magnesium at potassium, maraming mga mommies ang nagpapatunay na nakakatulong ito na maibsan ang pagkahilo o nausea.
Mayron din itong iron na kailangan ng mga nagbubuntis.
6. Ubas
Hitik ang ubas sa fiber, vitamins C at K, folate, antioxidants, glucose, fructose, phlobaphene, galic acid, silicic acid, oxalic acid, pectin, magnesium, calcium, iron, folic acid at vitamin B1, B2, at B6
Napapatibay ng mga bitaminang ito ang immune system ni mommy at baby, at nagbibigay proteksiyon din laban sa mga impeksiyon.
7. Mansanas
Lahat ng mahahalagang nutrients na kailangan ng iyong lumalaking baby sa tiyan ay taglay ng prutas na ito: vitamins A, E, D at C, zinc, fiber at potassium. Sa regular na pagkain ng mansanas habang buntis, natutulungang mapalakas ang immune system ng bata, lalo na laban sa hika at allergies.
8. Anumang uri ng Berries
Strawberry, raspberry, blueberry, ang ilang karaniwang uri ng berries na sagana sa vitamin C, healthy carbohydrates, antioxidants, fiber at folate. Marami din itong taglay na tubig na kailangan ng pregnant mommies at kanilang babies para hindi ma-dehydrate.
Carbohydrates ang nagbibigay ng kinakailangang energy ng mga nagbubuntis. Dagdag pa dito, mabilis itong dumadaloy at napupunta sa placenta para mabigya ng sapat na nutrients ang sanggol sa sinapupunan.
Imbis na donuts, cake, o kakanin ang meryendahin, bakit hindi na lang berries ang kainin para healthy carbs ang makuha?
Prutas para sa buntis | Image from Unsplash
9. Pakwan
Mayaman sa Vitamins A, C, at B6, fiber, magnesium at potassium ang prutas na ito. Makaiiwas ang mga pregnant mommies sa heart burn, at pamamanas ng kamay at paa (oedema) at naiibsan ang muscle cramps.
10. Pomegranates
Magandang source ng enerhiya ang pomegranates. Mayroon din itong iron na makatutulong upang maiwasan ang iron deficiency. Ayon sa pag-aaral ang pag-inom ng juice ng pomegranate ay bumabawas sa posibilidad na magkaroon ng injury ang placenta.
11. Peras
Ang peras ay mayaman sa fiber, potassium at folate. Ang pagkain ng fiber habang buntis ay nakatutulong upang maibsan ang constipation na karaniwang nararanasanan ng mga buntis. Maganda rin para sa kalusugan ng puso ang pagkonsumo ng potassium, para kay baby at mommy.
12. Lemon
Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng buntis ng lemon ay makakatulong upang maiwasan ang pagkahilo ni mommy habang nagbubuntis. Ang lemon ay nagtataglay din ng mataas na bilang ng vitamin C.
13. Dragon Fruit
Maraming taglay na bitamina ang dragon fruit katulad na lamang ng vitamin C, dagdag pa diyan may taglay rin itong antioxidants na makakatulong sa inyong pagbubuntis. Subalit huwag sobrahan ang pagkain nito sapagkat mataas din ang level ng natural sugar nito na maaaring makapagdulot ng gestational diabtes. Basahin pa ang patungkol sa pagkain ng dragon fruit habang buntis sa link na ito.
14. Mansananas
Maganda rin ang pagkain ng mansanas dahil mayaman din itong bitamina. Bukod pa rito, may ilang pag-aaral ang nagsasabi na ang mansanas ay hindi lang nakakatulong sa kalusugan ng mga inang nagdadalang tao kundi nakakatulong din ito para mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng mga medical problem.
16. Kiwi
Ang kiwi ay may taglay na mataas na lebel ng folic acid na makakatulong sa development ng iyong baby at makakapagpa-iwas sa pagkakaroon ng birth defect ni baby.
Dagdag pa rito, ang kiwi ay nakakatulong sa mga nagdadalang tao na makapag-absorb ng iron na kinakailangan ng mga ina.
Gaano karaming prutas para sa buntis ang dapat kainin?
Payo ng mga nutritionists ng Medical News Today, sa payo ni Natalie Olsen, RD, LD, ACSM EP-C, nasa 5 portions ng sariwang prutas at gulay ang dapat na kinakain ng mga nagbubuntis.
Wala rin namang masama sa mga delata at frozen na prutas, pero mas mainam na ang sariwa. Ayon sa The American Pregnancy Association, gawing 2 hanggang 4 na servings ng prutas ang kailangan ng katawan, lalo kung buntis.
Ang isang serving ng prutas ay isang prutas na kasinlaki ng bola ng tennis, o isang tasa ng hiniwa-hiwang prutas.
Napagusapan na natin ang mga prutas na kailangang kainin ng mga buntis, ngayon, mayroon bang bawal na pagkain ang buntis? Ayon kay Dr. Reyles,
“Kung wala ka naman diabetes, wala ka namang allergy pwede naman.” panimula nito.
“Basta not too much on one kind of fruit. May mga sakit o complications ng pregnancy na bawal ang grapes and grapejuice. Like kung mayroon kang autoimmune at meron kang tinatawag na vasculitis.”
Sapat na nutrisyon para sa mag-ina ang naibibigay ng prutas at gulay. Dagdag pa dito na bumababa ang panganib na dala ng ilang sakit at defects para sa baby, at gayundin kay mommy.
Pregnant mommies, dapat iwasan ang mga sumusunod:
Dagdag pa ni Dr. Reyles, kailangang tandaan ng mga pregnant moms na pagpasok nila ng pagbubuntis, dapat ay maging maingat sila sa lahat ng kinakain. Dito na pumapasok ang mga dapat at bawal kainin sa kanilang pregnancy journey.
Kung hilig mo nang kumain ng mga hilaw na pagkain katulad ng sushi, moms, iwasan muna ito habang ikaw ay nagbubuntis.
Ayon pa kay Dr. Reyles,
“It is not advisable kasi chances are yung risk for infection ay mataas. Whether it is raw fish or undercooked meat, ‘yan mga ‘yan they should be avoided. Dapat lahat well-cooked not undercooked. Dahil yung danger ng hindi lang parasite pati bacteria mataas.”
Ilan na lamang sa dapat iwasang kainin ng ating moms ay ang maaalat, mamantika na pagkain at isda na mayroong mataas na lebel ng mercury. Katulad na lamang ng bieye tuna, king mackerel, swordfish, marlin at iba pa.
Mga pagkain para sa buntis na dapat iwasan
Kung ikaw ay buntis, lahat ng pagkain na pumapasok sa iyong bibig ay nakukuha rin ni baby. Maaaring ang ibang pagkain ay hindi naman nakakasama sa iyo ngunit maaari itong makasakit sa iyong baby. Ito ang mga pagkain na dapat mong iwasan upang masigurong ligtas si baby.
- Bawal ang sariwang karne
- Hotdogs o kung ano mang ready-to-eat-meats
- Iwasan ang mga kulang sa luto na karne
- Refrigerated meats o palaman
- Bawal ang mga isda na nagtataglay ng mataas na bilang ng mercury, tulad ng mackerel, swordfish at iba pa
- Iwasan din ang mga smoked fish
- Hindi rin makakabuti ang pagkain ng sariwang isda o undercooked fish
Itlog
- Bawal ang hilaw na itlog
- Hilaw na cookie dough dahil may hilaw na itlog ito
- Caesar salad dressing, bearnaise sauce, hollandaise sauce, mayonnaise, mga homemade dressings, sauces na may hilaw na itlog
Prutas
- Pinya, dahil nagtataglay ito ng bromelain na siyang dahilan upang lumambot ang cervix na dahilan ng maagang panganganak
- Papaya, ang hindi hinog na papaya ay mayroong latex na maaaring maging sanhi ng premature contractions. Hindi rin ligtas na kainin ang papaya kahit hinog dahil sa mga buto nito.
- Ubas, ang ubas ay nagtataglay ng resveratrol na uri ng toxic na maaaring maging dahilan ng pagkalason at iba pang komplikasyon habang buntis.
Mga bagay na dapat tandaan upang maging ligtas ang pagkain ng prutas
- Kung maaari ay bumili ng mga organic na prutas upang maiwasan ang pagkalason dahil sa pesticides at fertilizers.
- Hugasan ng mabuti ang prutas na kakainin
- Tanggalin ang mga bugbog na parte kung saan maaaring nananahan ang bacteria
- Uminom ng mga pasteurized o pinakuluang juice ng prutas
- Iwasan ang pagkain ng mga nabibiling hiwang melon o hangga’t maaari ay kainin na ito pagkahiwa
- Ilagay ang mga sariwang prutas sa refrigerator mamalayo sa hilaw na karne
Paalala:
- Ugaliing hugasan nang mabuti ang prutas bago kainin, kahit pa nakalagay na “pre-washed” ito.
- Tanggalin ang mga bahagi ng prutas na may bugbog o “pasa”, dahil ito ang pinamamahayan ng mga bacteria.
- Kung iinom ng fresh fruit juice, piliin ang pasteurized o pinakuluang fruit juice.
- Ilagay sa refrigerator ang mga sariwang gulay, at huwag itatabi sa hilaw na karne.
Kumonsulta sa doktor kung may tanong o ikinababahala, na may kinalaman sa kondisyon bilang buntis.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!