Ang mga prutas ay pangunahing bahagi ng diyeta ng isang buntis na babae. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung pwede ba sa buntis ang Dragon Fruit, at ang mga benepisyo nito sa isang buntis.
Ano ang Dragon Fruit?
Ang Dragon Fruit ay isa sa mga kilalang prutas sa Pilipinas. Mukha itong itlog ng isang dragon at may lasa na katulad nang sa kiwi o pakwan.
Karaniwang matatagpuan ang dragon fruit sa mga tropical country at popular din ito sa Southeast Asia at sa Pacific. Orihinal talaga itong matatagpuan sa South America at kilala rin sa tawag na pitaya o pithaya.
Mayroong dalawang klase ng dragon fruit, ang isa ay may kulay na bright skin red na may green scales na tila isang dragon. Samantala ang isang klase naman nito ay kulay dilaw. Mas karaniwang ang kulay red na dragon fruit pero parahas naman ang laman ng dalawa na mayroong tiny black seeds.
Unpeeled dragon fruit | Larawan mula sa Pexels
Kung pag-uusapan naman ang lahat ng dragon fruit ay nakadepende ito sa variety na iyong kakainin, ang ilan ay kasing lasa ng kiwi o kaya naman ng strawberry. Samantala, ang ilan naman ay kinukumpara ang lasa nito sa watermelon o pakwan.
Kadalasang inihahalo ang dragon fruit sa mga salad, dessert, at smoothies dahil sa matingkad nitong kulay at mild flavor nito.
Nasa 6 inches ang kadalasang haba niot ay may bigat ding 1 pound kapag humusto na ang laki nito.
Pwede ba sa buntis ang Dragon Fruit?
Ang sagot diyan ay OO, pwede ito sa buntis.
Sa katunayan nga, isa ang dragon fruit sa best thing na maaari mong kainin habang ikaw ay buntis. Puno kasi ito ng mga minerals, vitamins, at antioxidants. Kaya naman maganda ito para sa buntis dahil puno ito ng nutrients na makakatulong din sa pagbubuntis.
Dagdag pa diyan, masarap ito dahil mayroon itong sweet flavor. Mayroon din itong high water content, kaya naman kapag kumain ka nito’y magiging hydrated ka at busog na. Alam nating kung gaano kahalaga ang pagiging hydrated ay napakahalaga sa isang buntis.
Pwede ba sa buntis ang Dragon Fruit? | Larawan mula sa Pexels
Benepisyo ng Dragon Fruit sa kalusugan ng buntis
Mayaman sa vitamin C at antioxidant flavonoids ang dragon fruit. Naglalaman din ito ng potassium, magnesium, iron, phosphorus, calcium, at zinc. Ito ang mga essential nutrients na kailangan din ng isang babaeng nagdadalang tao.
Dahil sa mga benepisyo nito sa kalusugan hindi na nakapagtataka na ang dragon fruit ay ginagamit din sa traditional medicine noon pa man.
Maraming naniniwala na ang pagkain ng dragon fruit habang buntis ay mayroong mga benepesiyo sa mga ina at sa kaniyang dinadalang sanggol. Ang mga benepisyo na ito ay ang mga sumusunod:
- Makakatulong ito para sa morning sickness.
- May taglay itong mataas na level ng potassium na makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng muscle cramps at pananakit ng ulo.
- Mataas ang taglay nitong vitamin C, na makakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng fatigue. Dagdag pa riyan makakatulong ito para lumakas ang iyong immune system habang buntis. Kaya naman makakaiwas ka sa pagkakasakit katulad ng flu. Bukod pa rito, makakatulong din ang dragon fruit para mailayo ang ina at kaniyang unborn child sa pagkakaroon ng mga impeksyon kagaya ng pneumonia o tuberculosis.
Makakatulong ba ang Dragon Fruit para sa weight gain habang buntis?
Sa loob ng dangtaon, ang dragon fruit ay isang tropical fruit na ginagamit sa tradisyonal Chinese medicine. Kamakailan lamang, ito ay naging kilala bilang isang healthy snack option, at tinatawag na ring superfood ng maraming nutritionist.
Ngunit makakatulong nga ba ang dragon fruit sa pagtaas ng timbang sa panahon ng pagbubuntis? Ang sagot dyan ay OO!
Para sa kababaihang nagbubuntis na nahihirapan na madagdagan ang kanilang timbang habang buntis ay makakatulong dragon fruit para tumaas ang iyong timbang. Maraming din kasing mga babaeng buntis na kahit anong gawin na kain ay hindi pa rin tumataas ang kanilang timbang.
Sa kabilang banda, kahit maraming pagkain ang makakatulong para tumaas ang timbang ng buntis, mahalaga na maunawaan ang mga pagkain na ito bago sila kainin.
Subalit wala masyado umanong impormasyon talaga patungkol sa benepisyo ng dragon sa pagbubuntis, pero sinasabi ng mga mananaliksik na ang pagkonsumo ng maraming watermelon at cantaloupe ay makakatulong upang madagdagan ang timbang ng buntis.
Ang mga prutas na ito ay may katulad na nutrients na katulad sa dragon fruit, pero walang garantiya na makakatulong ito para sa pagpataas ng timbang, subalit wala naman masama kung susubukan ito.
Pwede ba sa buntis ang Dragon Fruit? | Larawan mula sa Pexels
Masama ba ang sobrang pagkain ng Dragon Fruit sa buntis?
Ligtas naman ang pagkain ng Dragon Fruit, pero siyempre kapag sobra ay masama rin naman. Kaya naman inirerekomenda na ang pagkain ng Dragon Fruit ay isang piraso lamang sa isang araw.
Nagtataglay ang dragon fruit ng maraming antioxidants na maraming benepisyo para sa mga buntis. Nakakatulong kasi umano para maiwasan ang na ma-damage ang brain cells ng baby at DNA sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina. Ang mga antioxidants na ito ay nakakatulong din para ma-reduce ang risk ng miscarriage at premature birth.
Mahalagang ipunto na walang risks ang associated sa pagkain ng dragon fruit ng buntis. Subalit, kung ikaw nababahala sa mga sangkap ng iyong kinakain katulad na lang ng sugar, mas mainam na kumonsulta sa iyong doktor bago baguhin ang iyong mga kinakain o iniinom habang buntis.
Nakakapagdulot ba ng gestational diabetes ang Dragon Fruit?
Kilala rin ang Dragon Fruit sa pangalan na Pitaya, at maaari itong maging replacement sa iba pang prutas sa iyong diet. Mayroon itong matamis na lasa at sagana sa antioxidants at vitamins. Subalit maaaring makapagdulot ng gestational diabetes ang Dragon Fruit habang buntis.
Nagkakaroon ng gestational diabetes kapag ang katawan ay hindi nagpo-produce ng sapat na insulin o kaya naman hindi nagagamit ng katawan ng tama ang insulin.
Ang gestational diabetes ay kadalasang nagsisimula pagsapit ng 20 weeks nang pagbubuntis at tumatagal hanggang matapos ang panganganak. Ang mga babaeng may gestational diabetes ay mataas ang tiyansa na magkaroon ng type 2 diabetes paglipas ng panahon.
Maganda ba ang Dragon Fruit para sa mga gustong magbuntis?
Hindi maitatago na maganda sa kalusugan ang Dragon Fruit. Taglay kasi nito ang maraming bitamina at may taglay rin itong antioxidants. Ilan sa mga taglay nitong vitamins ay vitamin A, C, at E. Dagdag pa riyan, may taglay din itong anti-inflammatory properties.
Pero kung ang tanong mo ay nakakatulong ba ang Dragon Fruit para mabuntis? May ilang mga rumor ang nagsasabi na ang Dragon Fruit ay isang aphrodisiac. Ibig sabihin nito, ay maaari nitong ma-improve ang iyong sex life. Pero walang solidong ebidensiya na nakakapagpatunay na totoo ang rumor na ito.
May ilang pag-aaral na nagsasabi na ang Dragon Fruit ay nakakapagpa-improve ng sperm count sa kalalakihan. Pero walang pag-aaral na nagsasabi na nakakapag-improve ito ng fertility. Subalit kahit na kaunti lamang ang pag-aaral patungkol rito, masasabing maganda pa ring option ito na maaaring subukan ng mga mag-asawa na nais magkaanak na.
Paano ba kainin ang Dragon Fruit?
Masarap naman talaga ang Dragon Fruit! Pero paano ba ang pakain nito?
Para makain ang Dragon Fruit ay kinakailangan na hatiin ito sa gitna, a
Para kainin ang dragon fruit, una ay hiwain ang tuktok nito. Pagkatapos ay hiwain ang parehong dulo ng prutas ang mga tinanggal. Susunod, hiwalayin ang balat mula sa laman sa pamamagitan ng paghiwa sa isang bahagi ng bawat seksyon ng prutas gamit ang kutsilyo o matalas na kutsilyo. Pagkatapos, gamitin ang iyong mga daliri upang alisin ang lahat ng natitirang laman mula sa balat.
Ang maaari mo nang ma-enjoy ang pagkain ng dragon fruit. Maaari itong gawing smoothie or ihalo sa salad.
Image Source: iStock
Sa kabuuan, nagtataglay ang Dragon Fruit ng maraming nutrients, partikular na ang vitamin C, pero hindi dapat ikosumo ito ng buntis ng hindi hihigit sa isang piraso kada araw. Sapagkat nagtataglay ito ng maraming natural sugar.
Kung gusto mo ang lasa ng Dragon Fruit habang ikaw ay buntis ay maaari mo itong isama sa iyong diet. Pero dapat balanse pa rin ang iyong pagkain at huwag sosobra sa pagkain nito. Kumain pa rin ng mga greens and whole grain food. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang best nutrition para sa iyo.
Isinalin mula sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!