Karaniwang struggle ng mga expectant mom ang pananakit ng ulo habang buntis. Normal ang pagkakaroon ng mild headache kapag ikaw ay buntis lalo na sa first trimester ng pregnancy.
Ito ay dahil dito nagsisimulang mag-fluctuate ang iyong hormone levels. Alamin ang gamot sa sakit ng ulo habang buntis dito.
Dahilan ng pananakit ng ulo ng buntis
Larawan mula sa Pexels kuha ni David Garrison
Normal na nakararanas ng pananakit ng ulo ang buntis sa simula ng pregnancy journey. Karaniwan ang tension headaches sa mga buntis, habang may ilan na nakararanas ng kanilang unang migraine habang buntis.
Samantala, kung ikaw ay nakararamdam ng matinding pananakit ng ulo sa second at third trimester ng iyong pagbubuntis, makabubuting magpakonsulta sa iyong doktor dahil maaaring sintomas ito ng mas seryosong medical condition o preeclampsia.
Bukod sa hormonal changes at pagtaas ng blood volume sa first trimester ng pagbubuntis, narito ang ilan pang posibleng dahilan ng pananakit ng ulo habang buntis:
- Kakulangan sa tulog o general fatigue
- Baradong ilong o sinus congestion
- Allergies
- Eyestrain
- Stress at depression
- Kakulangan sa protein, iron, magnesium, at calcium sa iyong diet.
- Pagbabawas o pagtigil sa pag-inom ng kape. Kung nakagawian mo ang pag-inom ng caffeinated beverages at kinailangan mo itong itigil dahil sa pagbubuntis, makararanas ng caffeine withdrawal na nakasasakit ng ulo.
- Gutom at Dehydration – ayon kay Sarah Prager M.D, associate professor sa Department of Obstetrics and Gynecology sa University of Washington, isa ang dehydration sa most common cause ng pananakit ng ulo habang buntis. Kailangan umanong mag-hydrate ng expectant mom nang higit sa nakasanayan. Mas malala rin daw ang pagsakit ng ulo kapag nakararanas din ng pagkahilo at pagsusuka.
- Muscle stress – sa third trimester ng pagbubuntis normal na malikot na ang baby sa sinapupunan. At dahil lumalaki na rin ang baby, literal na naiipit ang ilang organs sa bahagi ng torso patungo sa chest cavity. Dahil dito na-sstretch ang ligaments. Nagdudulot ito ng tension headaches sa buntis.
- Senyales ng preeclampsia – ayon din kay Dr. Prager, kailangang bigyan ng seryosong atensyon ang pananakit ng ulo na hindi nawawala sa pamamagitan ng hydration at pahinga. Ito ay dahil maaaring ito na pala ay sintomas ng mas seryosong kondisyon. Sa ganitong pagkakataon, mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang nararanasan.
Iba’t ibang uri ng pregnancy headaches
Larawan mula sa Pexels kuha ni Daniel Reche
Mayroon iba’t ibang klase ng pananakit ng ulo na maaari mong maranasan kung ikaw ay buntis:
Isa ito sa most common kinds ng sakit ng ulo ng buntis. Madalas maranasan sa unang trimester. Nagdudulot ito ng squeezing pain sa magkabilang bahagi ng ulo o sa batok. Kung madalas kang makaranas ng tension headaches bago ang pagbubuntis, mas titindi ito kung ikaw ay pregnant.
Nagdudulot ito ng pressure o pain sa pisngi, sa paligid ng mga mata, at sa noo. Madalas maranasan matapos na magkaroon ng sipon o respiratory infection.
Hindi pangkaraniwan ang uri ng pregnancy headache na ito. Hindi pa rin tiyak ng mga eksperto kung nakaaapekto ang pagbubuntis sa frequency at intensity ng pananakit na ito ng ulo.
Nagdudulot ito ng biglaan at matinding sakit sa paligid ng isang mata o temple. Minsan ay nagdudulot din ng pagluha ng mata at stuffy nose. Maaaring sabay-sabay na maranasan ang mga sintomas na ito.
Nagdudulot ng moderate to severe throbbing pain. Karaniwang nararamdaman sa isang bahagi lang ng ulo. Maaaring may kasamang iba pang sintomas tulad ng pagkahilo, pagsusuka, pagiging sensitibo sa liwanag at ingay.
Kung hindi gagamutin, maaaring tumagal nang apat hanggang 72 oras. Nakapagpapatindi ng sakit ang physical activities. Tipikal ito sa first trimester at dumadalang sa second hanggang third trimester kapag nakapag-adjust na ang katawan sa hormonal changes.
May ibang dumaranas ng migraine ang may kondisyon na tinatawag na migraines with aura. Ito ay mga sintomas na nararanasan bago umatake ang migraine.
Kabilang na rito ang visual changes tulad ng bright flashing lights o blind spots. Dagdag pa rito ang pakiramdam na parang may tumutusok-tusok, panghihina, at hirap sa pagsasalita.
Puwede ba ang paracetamol na gamot sa sakit ng ulo habang buntis?
Larawan mula sa Pexels kuha ni Anna Shvets
Sensitibo ang kalusugan ng mga babae sa kasagsagan ng pagbubuntis. Hindi lahat ng gamot ay maaaring inumin dahil puwedeng makasama sa sanggol.
May ilang gamot sa pananakit ng ulo na pwedeng inumin ng buntis. Subalit, tandaan na mahalagang magpakonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng anomang gamot kung ikaw ay buntis.
Isa ang acetaminophen o Tylenol na kilala rin sa tawag na paracetamol sa over-the-counter pain reliever na ligtas inumin habang buntis.
Tiyakin lang na uminom ng sapat na dosage ayon sa directions o sa payo ng doktor. Huwag na huwag iinom nang sobra sa recommended daily dose.
Dagdag pa rito, hindi ito maaaring inumin nang matagal na panahon kaya mag-take lang ng gamot na ito kung kailangan at hindi matiis ang sakit ng ulo.
Ipinaaalala rin na huwag pagsabayin ang paracetamol at caffeine kung ikaw ay buntis.
Ang pag-take ng 200mg ng caffeine at paracetamol kada araw ay maaaring magdulot ng pagiging underweight ng iyong baby o kaya naman ay miscarriage.
Sa kabilang banda, huwag uminom ng aspirin at ibuprofen kapag ikaw ay buntis.
Karaniwang gamot man ito sa pananakit ng ulo, hindi ito makabubuti sa sanggol na iyong dinadala. Ang pag-inom ng aspirin sa iyong first trimester ay maaaring magdulot ng pregnancy loss, o kaya naman ay congenital disabilities o kapansanan sa iyong magiging anak. Puwede rin itong magdulot ng pagdugo ng utak lalo na sa premature infants.
Mayroong mga doktor na nirerekomendang uminom ang buntis ng low doses ng aspirin kung mayroong problema tulad ng recurring pregnancy loss, preeclampsia, at clotting disorder. Subalit, ito ay maaari lang gawin sa ilalim ng supervision ng iyong doktor.
Ang Ibuprofen naman ay classified bilang C drug ng US Food and Drug Administration. Ibig sabihin, wala pang sapat na pananaliksik at basehan kung ligtas ba itong inumin ng buntis.
Maaari itong magdulot ng pagsasara ng blood vessel ng baby na nagtratransport ng dugo mula sa baga patungo sa growing fetus. Kung magsasara nang maaga ang blood vessel na ito, maaaring makaranas ng high blood pressure ang iyong baby sa iyong sinapupunan.
Tandaan na mahalagang makinig sa iyong doktor tungkol sa kung anong gamot ang pwede sa buntis. Tiyakin ding pumili ng brand ng paracetamol na mapagkakatiwalaan para matiyak ang kaligtasan.
Gamot sa sakit ng ulo habang buntis: Home remedy sa pananakit ng ulo ng buntis
Bukod sa pag-inom ng paracetamol para sa pananakit ng ulo ng buntis, narito ang iba pang maaaring gawin para maibsan ang pregnancy headache:
- Cold compress – maglagay ng malamig na towel sa iyong ulo. Makatutulong ang cooling sensation para mabawasan ang pressure. Makabubuti ito para sa tension headaches.
- Warm compress – maglagay ng maligamgam na washcloth sa iyong ulo kung may sinus headaches ka. Makatutulong ito para mag-flow ang mucus at ma-relieve ang pressure.
- Cold shower – tulad ng cold compress, makatutulong ito para ma-relieve ang pressure at maging refreshed ang pakiramdam.
- Mag-ehersisyo – isa ito sa mga best methods para matulungan dumaloy nang maayos ang iyong dugo at maiwasan ang sakit ng ulo.
- Madilim at tahimik na silid – magpahinga sa tahimik na kwarto na mayroong dim lights.
- Umidlip – dahil isa ang kakulangan sa tulog sa maaaring rason ng sakit ng ulo, makatutulong ang pag-idlip para maibsan ito.
Paano maiiwasan ang pananakit ng ulo habang buntis?
Maaaring bodily tension ang dahilan kung bakit nakararanas ng pananakit ng ulo habang buntis. Narito ang ilang paraan para maiwasan ang pregnancy headaches:
- Alamin ang iyong headache triggers. Nirerekomenda ng mga headache specialist na magkaroon ng headache diary para malaman ang specific trigger ng pananakit ng iyong ulo. Tuwing sasakit ang ulo ay ilista ang mga kinain mo sa loob ng 24 oras bago ang pag-atake ng sakit ng ulo.
Karaniwang migraine triggers ang mga sumusunod na pagkain:
-
- Monosodium glutamate (MSG) o mga pagkaing maraming betsin.
- Nitrites at nitrates na karaniwan sa mga processed meat tulad ng hot dogs, salami at bacon.
- Artificial sweetener
- Certain beans at nuts
- Aged cheese at cultured dairy products tulad ng buttermilk at sour cream
- Ilang prutas tulad ng saging, papaya, avocado, at citrus
- Smoked fish
- Chocolate
- Fermented o pickled food tulad ng toyo
Maaari ring magdulot ng pananakit ng ulo ang:
-
- Glaring o flickering lights
- Maingay na tunog
- Matinding init o lamig
- Matatapang na amoy
- Pag-fasting o gutom
- Usok ng sigarilyo
- Tiyaking mapanatili ang good posture upang hindi mangalay ang iyong likod, leeg, at ulo.
- Kumain nang sapat. Kailangan ng katawan mo ang mas maraming nutrient at calories kapag ikaw ay buntis. Ang kakulangan sa tamang nutrients ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo.
- Magpahinga at mag-relax. Makatutulong ang relaxation para ma-recharge ang iyong katawan at mabawasan ang stress.
- Stay hydrated. Uminom ng sapat na dami ng tubig.
- Makatutulong ang pregnancy massage para ikaw ay ma-relax at upang maibsan ang muscle tension. Dagdag pa rito, maiibsan din nito ang ligament pain at mare-restore ang posture.
- Maganda ring paraan ng pagtanggal ng stress ang prenatal yoga. Makatutulong ito para ma-relax at maiwasan ang pananakit ng ulo.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!