X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

7 min read
Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa mga paracetamol side effects sa mga buntis ay ang pagbaba ng IQ ng kanilang anak, at pagkakaroon ng ADHD.

Biogesic safe ba sa buntis? Ito ang tanong ng mga babaeng nagdadalang-tao na nagkakasakit. Pero pwede bang uminom ng paracetamol ang buntis tulad ng biogesic? Ito ang sagot ng mga pag-aaral.

Biogesic safe ba sa buntis?

Ang biogesic ang isa sa pinaka-sikat na paracetamol brand dito sa Pilipinas. Katunayan ang gamot na ito ay mas naging kilala pa matapos i-endorso ito ni John Lloyd Cruz. Sa mga commercials ng aktor para sa paracetamol brand ay naging tatak niya ang salitang “Ingat” na kung saan sinasabing ang biogesic safe para sa buntis. Pero safe ba ang biogesic sa buntis o pwede bang uminom ng paracetamol ang buntis tulad ng biogesic?

Pwede bang uminom ng paracetamol ang buntis?

biogesic safe ba sa buntis - buntis na may hawak gamot at tubig

Pwede ba uminom ng paracetamol ang buntis?/Image by gpointstudio on Freepik

Ano nga ba ang side effects sa mga buntis ng paracetamol?

Ayon sa malawakang pag-aaral, na isinagawa ng iba’t-ibang mga University sa US, hindi raw dapat umiinom ng paracetamol ang mga nagbubuntis.

Napag-alaman ng mga researcher na ang paracetamol daw ay nakakaapekto sa balanse ng hormones sa uterus. Ang pagkakaroon ng imbalance na it ay nakakaapeko sa development ng mga sanggol habang nasa sinapupunan.

Base naman sa pag-aaral na nailathala sa journal na Nature Reviews Endocrinology , ang pag-inom ng paracetamol ng buntis ay maaaring makaapekto sa fetal development.

Mayroon din itong long-lasting effects sa kalusugan ng isang bata. Ito ay napatunayan nila sa pamamagitan ng analysis sa iba’t ibang human at animal studies na nitong nakaraang taon lang ng 2021 lumabas ang resulta.

Safe ba ang biogesic sa buntis? Ang maaring maging epekto sa pagdadalang-tao

Pagpapaliwanag ng ilang pag-aaral, ang gamot na paracetamol ay maaring magdulot ng urogenital at reproductive effects sa sanggol. Gaya halimbawa ng increased risk ng sanggol na ipinagbubuntis na makaranas ng genital malformations.

Ang isang kaso nito ay ang maliit o makitid na pagitan sa butas ng puwet at ari ng sanggol. Nakita rin ng isang pag-aaral na hindi pantay ang testes o bayag ng isang sanggol na ang ina ay umiinom ng paracetamol noong siya ay buntis.

Habang may mga pag-aaral naman ang nagsabing mas maaga ang puberty o pagdadalaga sa mga batang may inang umiinom ng paracetamol noong ipinagbubuntis sila.

Maliban dito ang paracetamol ay maaaring mag-cross o pumasok sa placenta at blood-brain barrier. Kaya naman maaaring makaapekto ang gamot sa brain development ng sanggol.

Ito ang sinasabing dahilan kung bakit maaari itong magdulot ng neurodevelopmental effects sa baby. Tulad nalang ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), autism spectrum disorder (ASD), language delays, at mababang IQ level sa isang bata.

Nagiging mas matindi pa raw ang epekto nito kapag patuloy ang pag-inom ng paracetamol habang nagbubuntis. Posible daw na umabot sa 30% ang panganib na magkaroon ng ADHD ang bata at 20% naman pagdating sa autism.

Pero ang tanong, pwede bang uminom ng biogesic ang buntis? Ang sagot ng mga eksperto ay ito.

Pwede ba uminom ng biogesic ang buntis? Experts say, yes!

biogesic safe ba sa buntis

Biogesic pwede ba sa buntis? Larawan mula sa Unilab

Kahit may nakaambang panganib sa sanggol na ipinagbubuntis, hindi naman lubusang ipinagbabawal ng mga doktor ang pag-inom ng paracetamol ng buntis. Dahil pagdating sa tanong na kung anong pain reliever ang pwede sa buntis, biogesic lang daw o paracetamol ang maituturing na mas less ang side effects sa pagdadalang-tao.

Bagamat ang ibuprofen ay itinuturing na alternative ng paracetamol, ito ay hindi naman itinuturing na ligtas para sa mga buntis. Dahil sa ito ay may analgesic properties at isang anti-inflammatory drug na lubhang hindi makakabuti sa unang tatlong buwan ng pagdadalang-tao. Tanging paracetamol lang ang inirerekumendang ibigay sa mga babaeng buntis lalo na bilang gamot sa lagnat at pain reliever.

Dahil pagpapaliwanag ng mga eksperto, ang untreated pain ng buntis ay maaring mauwi sa depression, anxiety at hypertension na masama rin sa kaniyang sanggol.

Ang lagnat naman sa buntis ay may masamang epekto rin sa kaniyang baby. Ang mataas na lagnat ng buntis ay maaring mauwi sa neonatal at childhood disorders kabilang na ang pagkakaroon ng birth defects at posibilidad ng miscarriage.

Kaya naman pahayag ng mga eksperto, pagdating sa tanong kuna nong pain reliever ang pwede sa buntis, biogesic o paracetamol parin ang inirerekumenda nila.

Pero ang buntis dapat magpakonsulta sa doktor bago uminom nito. At dapat masiguro niya rin na mababang dose lang o hindi sosobra ang maiinom niyang dosage ng nasabing gamot.

biogesic safe ba sa buntis - ayon sa mga eksperto ay oo wag lang sosobra

Safe ba ang biogesic sa buntis? Oo ang sagot./ Larawan mula sa Unilab

Dapat bang umiwas sa pag-inom ng paracetamol ang mga buntis?

buntis na may hawak na mga gamot at isang baso ng tubig

Image from Freepik

Ang paracetamol ay isa sa pinakamadaling bilhin na gamot, dahil ito ay epektibo at hindi nito kailangan ng reseta. Bagama’t inirerekumenda pa rin itong inumin ng mga buntis, hindi naman lahat ng paracetamol ay safe sa buntis.

Tulad ng gamot na bioflu na nagtataglay ng paracetamol. Bagamat ang epekto ng bioflu sa buntis ay makakatulong para maibsan ang lagnat niya at sipon, hindi naman inirerekumenda ng mismong manufacturer ng gamot na inumin ito ng mga babaeng buntis. Ganoon na rin ng mga babaeng nagpapasuso.  Ito ang pahayag ng Bioflu ukol dito.

“Bioflu® is not recommended for pregnant and breastfeeding women. As a general precaution, we strongly recommend that you consult your doctor before taking medicines especially if you are pregnant or breasfeeding. Your doctor will be in the best position to give the appropriate medical advice.”

Paliwanag naman ng isang pag-aaral ang phenylephrine na taglay ng Bioflu ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito safe sa buntis. Dahil sa ang phenylephrine iniibsan ang nasal congestion sa pamamagitan ng pagpapakitid ng blood vessel sa nasal passages.

Pero hindi lang basta sa ilong na blood vessels ang naapektuhan ng gamot. Ganito rin ang ginagawa nito sa blood vessels sa uterus ng buntis na maaaring makakaapekto sa blood flow papunta sa fetus at mapigilan itong makakuha ng sapat na oxygen na kailangan ng baby.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

Ang kondisyon na ito maaring magdulot ng birth defects sa sanggol at makapagpabagal ng kaniyang heart beat. Ito ang epekto ng bioflu sa buntis kaya naituturing ito na hindi safe sa pagdadalang-tao.

Ano ang mga ligtas na gamot para sa mga nagbubuntis?

buntis na nagyoyoga

Image from Freepik

Kapag nagbubuntis, kailangang maging mas maingat ang mga ina sa kanilang mga iniinom na gamot. Pero hindi rin naman palaging maiiwasan ang hindi magkasakit tuwing nagbubuntis. Kaya mahalagang alamin kung anu-ano ang mga safe at hindi safe na gamot.

Umiwas sa mga gamot tulad ng ibuprofen, aspirin, at sa mga herbal na gamot dahil makakasama ito sa iyong sanggol.

Kung ikaw ay sinisipon tuwing nagbubuntis, subukan munang uminom ng chicken soup, gumamit ng vaporizer o kaya ng steamer para mabawasan ang sintomas ng sipon.

Pagdating naman sa mga ligtas inumin na gamot, heto ang ilan sa mga ito:

  • Diphenhydramine
  • Pseudoephedrine
  • Loratadine
  • Zinc lozenges
  • Chloraseptic spray

Mainam pa rin na huwag uminom ng kahit anong gamot sa unang 3 buwan ng iyong pagbubuntis. Kung hindi ka sigurado sa iyong iinumin na gamot, magpakonsulta muna sa doktor upang sigurado kang safe ito sa iyo at sa iyong baby.

 

Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz

Daily Mail, UNSW Sydney, Nature Reviews Endocrinology , Medicines In Pregnancy

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

Inedit ni:

Irish Mae Manlapaz

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?
Share:
  • New research says taking paracetamol while pregnant may increase risk of baby having autism, ADHD, and low IQ

    New research says taking paracetamol while pregnant may increase risk of baby having autism, ADHD, and low IQ

  • Paracetamol can almost double the risk of asthma in children, warns study

    Paracetamol can almost double the risk of asthma in children, warns study

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • New research says taking paracetamol while pregnant may increase risk of baby having autism, ADHD, and low IQ

    New research says taking paracetamol while pregnant may increase risk of baby having autism, ADHD, and low IQ

  • Paracetamol can almost double the risk of asthma in children, warns study

    Paracetamol can almost double the risk of asthma in children, warns study

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.