Marami sa atin ang tingin na ang pagbubuntis ay isa lamang na magandang experience, at ito ay totoo naman. Pero mayroon din itong mga kasama na hindi magagandang parte katulad na lang ng anxiety at stress sa buntis.
Talaan ng Nilalaman
Mga pagbabagong pinagdadaanan ng isang buntis
Ang buntis ay dumadaan sa napakaraming pagbabago, maging sa pangangatawan man o pag-iisip. Halimbawa na lang ay ang total volume ng dugo ay nagi-increase sa 2 litres. Ibig sabihin ay ang iyong puso ay tila nagpa-pump ng 2 litro ng softdrinks, ganoon kadaming dugo.
Kasama pa rito ay ang paglaki ng iyong uterus para kumasya ang baby. Ang mga organs mo naman ay magdo-double effort para kumasya sila sa kung saan sila mapunta.
Mayroong ilan na nakakaranas ng hirap sa paghinga dahil ang iyong lungs ay mapu-push pataas dahil pa rin sa uterus. Mayroon ka pa ring enough na supply ng oxygen pero minsan lang ay nakakaapekto ito.
At kung sa tingin niyo ay hindi pa nakaka-stress ito, isabay mo pa ang hormones na talaga namang pabago-bago rin sa loob ng siyam na buwan.
Stress at anxiety sa buntis
Itong mga pagbabago sa katawan ay isa lang sa mga dahilan kung bakit naii-stress ang babae tuwing nagbubuntis. Pero mayroon pang mga pressure mula sa kanilang paligid at minsan ay mga pagtatalo kasama ang asawa o di naman kaya ay stress mula sa trabaho.
Isang pag-aaral sa US ang nagsasabi na sa 2000 na buntis noong 2010, 16% lamang ang nagsabi na wala silang naranasang stress. At 78% naman ang nagsabi na nakaranas sila ng low to moderate amounts of stress. Ang naiwan na 6% ang nagsabi na nakaranas ng high amounts of stress.
Hindi naman masama ang stress. Sa katunayan, ito ay survival tool ng ating katawan na na-retain noong tayo ay nage-evolve pa. Pero ang stress reaction o ang mga chemical na nare-release ng iyong katawan sa tuwing nasa “fight or flight” situation ka ay ang delikado.
Ang sobrang adrenaline ay hindi nakabubuti sa katawan dahil ito ay naglalagay ng strain sa ating katawan. Dagdag pa dito ay masamang dulot na rin ng kung ano ang epekto ng stress sa buntis.
Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, ang stress at anxiety sa buntis ay isang independent risk factor para sa preterm birth. Napag-alamang 4 times na mas at risk sa pre-term labor ang buntis kapag sila ay stressed.
Ito rin ay mayroong link sa mga iba pang komplikasyon tulad ng hypertension, low birth weight at kahit delayed neuropsychological development sa bata pag siya ay lumaki.
Sa mga ibang teorya naman ay sinasabing, ang mga excess cortisol na nire-release ng katawan tuwing stressed ang isang tao ay nagdudulot ng contractions na nagli-lead sa pre-term labor. Kailangan din talagang maging maalam kung ano ang mga epekto ng stress sa buntis para maging aware ang mga moms sa pag-iwas dito hangga’t maaari.
Mga epekto ng stress sa buntis
Sa karaniwang kalagayan, ang mataas na level ng stress sa loob ng mahabang panahon ay nagdudulot ng iba’t ibang problema sa kalusugan. Kasama na dito ang high blood pressure at heart disease.
Sa mga buntis naman, ang mga epekto ng stress maliban sa high blood ay maaaring magbunga sa pagtaas ng tyansang magkaroon ng premature baby (o ipanganak bago ang 37 weeks ng pagbubuntis).
Dagdag pa sa mga epekto ng stress sa buntis ay ang pagkakaroon ng lower birth weight ni baby, at kaakibat nito ang risk ng problema sa health condition ng bata.
Matinding dahilan kung bakit ipinapayo ng doktor na bawal ma stress ang buntis. Dahil na rin ito sa mga nalalamang mga epekto nito.
Parehong makasasama sa mommy at baby ang stress. Kailangan ding bantayan ng mga moms ang sarili palayo sa alinmang stress at mga epekto nito sa buntis.
Bakit bawal ma-0stress ang buntis?
Bilang isang ina, kailangan maging maalam sa mga nagdudulot ng stress sa iyo. Nararapat din na tandaan kung bakit nga ba bawal ma stress ang buntis.
Dahil maaari mo itong ikapahamak, gayundin ang epekto ng stress maging sa dinadala mong baby. Sa malalang pagkakataon, sinisikap ng doktor na ipaalala sa mga buntis na kung bakit sila bawal ma stress dahil hindi lamang premature labor ang epekto nito. Maaari rin itong magdulot ng miscarriage o pagkalaglag ng bata.
Ano ang mangyayari pag stress ang buntis?
Kapag stress ang buntis, may mga epekto ito at posibleng mangyari sa kalusugan ng mom at ni baby. Ang chronic o patuloy na pagka stress ay nagdudulot din ng matinding headache, nahihirapang matulog, pagkahingal at mabilis na pulso.
Ano pa ba ang mangyayari pag stress ang buntis? Narito ang mga ilan pa sa bunga at kung ano ang mangyayari pag stress ang buntis:
- pagiging balisa at pagkakaroon ng obsessive thoughts
- pagkaramdam ng pangangamba at anxiety
- nagiging magagalitin
- pagkakaroon ng problema sa pagkain (masyadong madami kumain o kakaunti kumain)
- nahihirapang kumalma at mag relax
Kung sakaling maramdaman at ano man ang mangyayari pag stress ang buntis, kumonsulta agaad sa inyong health care provider. Matutulungan nila kayo kung paano masolusyonan ang stress. Dagdag pa, para magabayan kung kaninong eksperto kayo lalapit hinggil sa ibang epekto ng stress.
Paano maiiwasan ang stress sa buntis?
Narito ang ilang mga paraan kung paano maiiwasan ang stress sa buntis. Maaaring sundin ang ilang mga gabay at payo na ito.
- Huwag bigyan ng atensyon ang mga bagay na nagdudulot ng stress sa iyo.
- Subukan mag-slow down, magpahinga, at iwasang i-pressure ang sarili sa alinmang bagay.
- Kumain ng healthy, well-balanced na diet para mapanitili ang inyong kalusugan at ng baby.
- Kausapin ang pinagkakatiwalang tao tungkol sa mga concerns at nararamdaman mo habang nagbubuntis. Halimbawa, ang iyong partner.
Kung may iba pa kayong tips kung paano maiiwasan ang stress, maaari rin itong i-share sa iba pang moms na may katulad na concern sa ating community page.
Sintomas ng anxiety sa buntis
Dahil may iba’t ibang uri ng anxiety disorder, iba-iba ang mga sintomas. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang mga sintomas na iyong nararanasan upang tumpak niyang masuri at magamot ang iyong kalagayan.
Ang ilang mga karaniwang sintomas ng anxiety sa buntis ay kinabibilangan ng:
- Nakakaramdam ng nerbiyos, pagkabalisa o madalas
- Isang hindi mapigil na pakiramdam ng pagkabalisa
- Masyadong nag-aalala tungkol sa mga bagay-bagay, lalo na sa iyong kalusugan o sa iyong sanggol
- Nahihirapan o imposibleng mag-relax
- Pakiramdam ay hindi mapakali at mahirap manatili
- Iritable at nabalisa ang pakiramdam
- Nakaramdam ng takot, o iniisip na may masamang mangyayari
- Kawalan ng kakayahang mag-concentrate
- Hirap matulog
Maaari ka ring makaranas ng mga pisikal na sintomas na may antenatal anxiety, kabilang ang:
- Mabilis na tibok ng puso at paghinga
- Pagkahilo
- Kinakapos na paghinga
- Labis na pagpapawis
- Pag-igting, pananakit o panginginig sa iyong mga kalamnan
- Isang pamamanhid o pangingilig sa iyong mga paa, daliri, paa o labi
Ano ang dapat gawin para sa anxiety at stress habang buntis?
1. Alamin kung kailan ka stressed
Maraming mga tests na ginagamit para matukoy ang level ng anxiety at stress habang buntis. Pero bukod dito, puwede ka ring magkaroon ng sariling measures dahil ikaw naman ang nakararanas nito.
Ang pag-acknowledge tuwing ikaw ay stressed ang makatutulong sa’yo. Kailangan ang social support sa mga ganitong pagkakataon.
Natutulungan ka nitong ma-reduce ang stress, lalo na sa pagbubuntis. Dahil maraming pagbabago ang pagdadaanan mo, dapat mayroon kang nakakausap tungkol dito.
2. Lawakan ang iyong pag-iisip tungkol sa pagbubuntis
Importante na maintindihan mo ang realities ng pagbubuntis. Kung masyado kang naka-base sa mga nakikita mo sa social media kung saan ipinapakita lang ang mga idealized version ng pagbubuntis, lalo ka lang mahihirapan. Kung may mga pagkakataon na hindi mo nae-enjoy ang iyong pagbubuntis, hindi mo kailangang ma-guilty tungkol dito.
Ayos lang kung mayroon kang mga reklamo dahil mahirap ito. Challenging talaga ang pagbubuntis at walang masama sa pag-amin doon.
3. Magkaroon ng activities na tutulong sa iyong mag-relax
Mayroong dalawang klase ng relaxation — active at passive. Ang exercise ay isang halimbawa ng active relaxation. Low-intensity exercises katulad ng paglalakad ay isang magandang activity na i-maintain habang nagbubuntis.
Ang passive relaxation naman ay ang pagde-stress. Ito ay para sa mga panahon na pagod ka mula sa trabaho o pagod ka lang sa mga nangyayari sa iyo. Ito ay nagfo-focus sa iyong mental health. Puwede kang mag-meditate, deep breathing at iba-iba pang paraan.
Sa kabuuan, ang pagbubuntis ay isang physically demanding process para sa mga babae. Ang stress mula sa paligid ay isa sa mga malaking contributor sa stress reaction ng buntis. Kaya naman kung alam mo na ang iyong stressors, maiging iwasan na rin ito para masiguro ang healthy na pagbubuntis.
Ang depresyon ay isang kondisyon na nakakaapekto sa iyong emosyonal na estado. Maaari itong magdulot sa iyo ng kalungkutan at pagkadiskonekta. Ang isang lonely mood ay isang normal na reaksyon sa pagkawala, pagbabago, mga pakikibaka sa buhay o mga isyu sa pagpapahalaga sa sarili.
Minsan ang depresyon ay maaaring maging matindi, tumatagal nang mahabang panahon at pinipigilan kang mamuhay ng normal.
Mahalagang makipag-ugnayan sa isang healthcare provider kung nakakaranas ka ng depresyon, lalo na kapag buntis ka.
Ang depresyon ay halos katulad ng karaniwang nakikita sa mga buntis na kababaihan tulad ng sa mga hindi buntis na kababaihan. Ang kundisyong ito ay maaaring mangyari anumang oras sa iyong buhay, kabilang ang panahon ng pagbubuntis.
Mayroong iba’t ibang mga kadahilanan na maaaring magdagdag sa iyong panganib na magkaroon ng depresyon sa panahon ng iyong pagbubuntis. Maaaring kabilang sa mga panganib na ito ang:
- Ang pagkakaroon ng kasaysayan ng depresyon o premenstrual dysphoric disorder (PMDD).
- Ang iyong edad sa panahon ng iyong pagbubuntis — kung mas bata ka, mas mataas ang panganib.
- Namumuhay mag-isa.
- Ang pagkakaroon ng limitadong suporta sa lipunan.
- Nakakaranas ng pag-aaway sa mag-asawa.
Epekto ng depresyon sa buntis
Ang pagkaranas ng depresyon sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang ina sa maraming paraan. Ang depresyon sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring makaapekto sa iyo sa pamamagitan ng:
-
Nakakasagabal sa iyong kakayahang pangalagaan ang iyong sarili.
Mahalagang pangalagaan ang iyong sariling kalusugan sa panahon ng iyong pagbubuntis. Ang depresyon ay maaaring magdulot sa iyo na isantabi ang mga personal na pangangailangan.
Kung ikaw ay nalulumbay sa panahon ng pagbubuntis, maaaring hindi mo masunod ang mga rekomendasyong medikal, gayundin ang pagtulog at pagkain ng maayos.
-
Inilalagay ka sa mas mataas na panganib ng paggamit ng mga harmful substances.
Maaaring kabilang sa mga substances na ito ang tabako, alkohol at mga ilegal na droga. Ang depresyon ay maaaring magdulot sa iyo na bumaling sa mga substances na ito, na lahat ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iyong pagbubuntis.
-
Nakakasagabal sa iyong kakayahang makipag-bonding sa iyong lumalaking sanggol.
Habang ang iyong sanggol ay nasa sinapupunan (uterus), talagang maririnig ka ng sanggol na nagsasalita at nakakadama ng emosyon sa pamamagitan ng pitch, ritmo at diin sa iyong boses.
Kung nakakaranas ka ng depresyon sa panahon ng iyong pagbubuntis, maaaring mahirapan kang bumuo ng bond na ito sa iyong sanggol.
Depression sa buntis: Anong maaaring gawin?
Kung nakakaranas ka ng depresyon sa panahon ng iyong pagbubuntis, may mga hakbang na maaari mong gawin upang makatulong na mapabuti ang iyong nararamdaman.
Ang paghahanda para sa isang bagong sanggol ay napakahirap, ngunit tandaan na ang iyong kalusugan ay mahalaga at kailangang mauna. Mayroong ilang mga bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa depresyon sa panahon ng pagbubuntis, kabilang ang:
Pinipigilan ang pagnanais na gawin ang lahat. Bawasan ang iyong mga gawain at gawin ang mga bagay na makakatulong sa iyong makapagpahinga. Kung nahihirapang matulog, malaking tulong ang paggamit ng pregnancy pillow na nakakapagbigay suporta sa iyong changing body.
At tandaan, ang pag-aalaga sa iyong sarili ay isang mahalagang bahagi ng pag-aalaga sa iyong hindi pa isinisilang na anak.
Pag-usapan ang iyong mga alalahanin. Makipag-usap sa iyong mga kaibigan, iyong kapareha at iyong pamilya. Kung humingi ka ng suporta, makikita mo na madalas mong makuha ito.
Kung hindi ka nakakahanap ng lunas mula sa pagkabalisa at depresyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagbabagong ito, humingi ng payo sa iyong healthcare provider o isang referral sa isang propesyonal sa kalusugan ng isip.
Translated with permission from theAsianParent Singapore
This article was written by Dr Matthew Tan, a resident doctor at DTAP Clinic. He is an avid advocate for the accessibility and inclusivity of health care and firmly believes that every person should be given the chance to understand their medical conditions and work together with their doctors to achieve their health goals.
Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!