X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

4 min read
Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito

Kadalasang nararanasan ng mga pregnant mommies ang insomnia sa first at third trimester ng kanilang pagbubuntis.

Kasama ka ba sa mga mommies na nakararanas ng insomnia during their pregnancy? Alamin ang iba’t ibang paraan upang malabanan mo ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • 10 tips to battle insomnia durign pregnancy
  • Paano maka-cope sa anxiety during pregnancy?

10 tips to battle insomnia during pregnancy

insomnia during pregnancy

Larawan mula sa Pexels

Marami ang pagbabagong mararanasan ng mga nanay sa panahon ng kanilang pregnancy. Kabilang na diyan ang hormonal changes, pagbabago sa katawan, pagiging mapili sa pagkain at nandiyan din syempre ang hirap sa pagtulog. Maraming kababaihan ang nakararanas ng sleeping problems sa panahong ng pagbubuntis. Nagkakaroon ng malaking pagbabago sa quality ng kanilang pagtulog lalo sa first trimester.

Mararamdaman ng isang buntis na babae na para bang pagod siya sa buong araw, kaya nga nararamdaman niya nagiging antukin siya. Kahit pa madalas na natutulog ang mga pregnant mommy, hindi pa rin nangangahulugang hindi siya magkakaroon ng insomnia.

Tumutukoy ang insomnia sa pagkaranas ng parehong hirap sa pagtulog o sa pagpapanatiling tulog. Sa mga buntis, mas madalas na nararanasan ito sa una at pangatlong trimester nila, ngunit maaari rin naman sa kahit anong stages ng pregnancy.

Ilan sa maaaring dahilan nito ay ang madalas na pag-ihi, pagsusuka o pagkahilo, pagkakaroon ng back pains, leg cramps, breast tenderness, pagkahirap sa paghinga, abdominal discomfort o maging heartburn.

Maaaring maging dahilan din ang stress at anxiety lalo kung parating iniisip ang papalapit na panganganak at ang sakit na maaaring dalhin ng labor. Para sa mga working moms naman, nakadadagdag ang workload sa kung bakit hindi sila nakakatulog sa gabi.

Talaga naman mahirap ang ganitong kalagayan, para matulungan ang mommies sa ganitong kalagayan narito ang ilang ways upang masolusyunan ito:

insomnia during pregnancy

Larawan kuha mula Pexels

  1. Pagkakaroon ng healthy diet – May malaking ambag ang mga kinakain upang maging kondisyon ang katawan. Umiwas sa mga unhealthy foods at mag-develop ng healthy diet magkaroon ng magandang impact sa iyong pagtulog lalo sa gabi.
  2. Stay hydrated – Dapat ay palaging hydrated ang mga pregnant mommy dahil kinakailangan ng kanilang katawan at ni baby nito. Uminom ng maraming tubig sa umaga at bawasan ito pagpatak ng alas-7 ng gabi.
  3. Iwasan ang inuming may caffeine – Mas maganda kung hindi na muna iinom ng inuming may caffeine tulad ng kape sa panahon ng pregnancy. Kung hindi naman ito ma-eliminate magandang iwasan na lamang uminom sa hapon upang hindi manatiling gising sa gabi.
  4. Regular na mag-ehersisyo – Makakatulong ang pag-eexercise sa umaga upang mapagod ang katawan at maghanap ng pahinga pagdating ng gabi.
  5. Mag-develop ng bedtime routine – Una sa magandang ayusin upang magkaroon ng kumpletong tulog ay ang pagbabago ng body clock. Para maayos ito mas mainam na magtakda ng iyong bedtime routine para masanay ang katawan.

  6. Kumain bago matulog – Dapat ay hindi gutom kung matutulog na at hindi rin busog upang maiwasan ang pagkakaroon ng heartburn. Kumain lamang ng light sa gabi tulad ng mga pagkain mataas sa protein para mapanatili nito ang blood sugar levels.
  7. Humanap ng paraan upang maging komportable – Isa sa paraan upang makatulog nang mahimbing ay syempre ang pagkakaroon ng comfort. Maayos na kama, tamang damit, at tamang pwesto ang ilan sa maaaring tignan upang magtuloy-tuloy ang tulog.
  8. Manatiling relaxed – Magandang humanap ng paraan upang ma-relax ang sarili at huwag ma-distract sa mga bagay na nagdudulot ng stress. Tinutulungan kasi nito ang katawan para makaramdam ng antok.
  9. Magpatugtog ng nakaaantok na music – May mga taong nakatutulog kung nakikinig sa mga lullaby at iba pang nakaantok na mga kanta. Kung effective rin ito sa iyo ay maaari ring subukan.
  10. Kumonsulta sa mga professional health experts – Kung hindi na nagagawan ng paraan ang best way ay mag-consult na sa iyong doktor upang malaman kung bakit nga ba hirap makatulog sa gabi.

BASAHIN:

Pregnancy Guide: When to start antenatal care and take an antenatal visit

Guide to your 5 weeks pregnancy: Symptoms and the development of your baby

Dental care during pregnancy and tips how to care of you oral health during pregnancy

Paano maka-cope sa anxiety during pregnancy?

insomnia during pregnancy

Larawan kuha mula sa Pexels

Malaki ang epekto ng hormonal changes sa chemicals ng brain ng tao lalo kung siya ay nagbubuntis. Dahil dito ay nagkakaroon ng anxiety ang babae.

Maaaring makaranas siya ng halo-halong sensations at feelings kasama na ang pagiging uncomfortable at pagiging takot. Mararanasan niya rin ang labis na pag-aalala sa health niya at maging baby, pagiging iritable, hirap sa pag-concentrate at maging ang insomnia.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit

Narito ang ilan sa tips upang makapagcope ka sa iyong anxiety sa panahon ng iyong pregnancy:

  1. Humingi ng tulong sa malalapit na kaibigan.
  2. Humanap ng activities na puwedeng makapag-distract sa iyo at makabubuo ng hobbies.
  3. Subukan ang activities na makatutulong sa iyong mag-release ng endorphins tulad ng meditation.
  4. Isulat ang nararamdaman kung sakaling hindi komportable na makipag-usap.
  5. Kumausap ng propesyunal na makatutulong upang ma-diagnose ang kundisyon.

Healthline

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Do you have insomnia during pregnancy? Narito ang 10 tips para masolusyunan ito
Share:
  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

  • Buntis Guide: Sintomas at development ng baby sa ika-4 months ng pagbubuntis

    Buntis Guide: Sintomas at development ng baby sa ika-4 months ng pagbubuntis

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

  • 6 na oral health problems ng mga buntis

    6 na oral health problems ng mga buntis

  • Buntis Guide: Sintomas at development ng baby sa ika-4 months ng pagbubuntis

    Buntis Guide: Sintomas at development ng baby sa ika-4 months ng pagbubuntis

  • Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

    Mom Confession: "Estudyante ako — at hiniling kong sana'y false alarm ang 2nd pregnancy ko."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.