Ano ba ang mga kailangan mong malaman sa third trimester ng pagbubuntis? Narito na ang sagot dyan mommies, na nasa third trimester na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga sintomas at pagbabago ng Third trimester ng pagbubuntis
- Development at growth ng baby
- Iba pang pregnancy concerns
- Mga dapat gawin sa third trimester ng pagbubuntis
Ang third trimester ay ang ika-anim hanggang ika-siyam na buwan ng pagbubuntis. Ito rin ang isa pinakamahirap na trimester dahil malapit na ang due date ni mommy. Ano nga ba ang dapat tandaan?
1. Ano-ano nga ba ang mga sintomas at pagbabagong nararamdaman pagdating sa third trimester ng pagbubuntis?
Ito ang tightening ng tiyan ni pregnant mommy. Nagkakaroon ng contractions sa uterus dahil pine-prepare na nito ang buntis sa panganganak.
Ano ang pinagkaiba ng Braxton hicks sa tunay na contractions?
Ayon kay Dr. Rebecca Singson, OB-Gyne ng Makati Medical Center, ang braxton hicks ay hindi masakit at nangyayari kapag nag-iiba ng posisyon si mommy.
“It is usually an isolated contraction hindi siya ‘yong tuloy tuloy na may regularity. Kung may regularity especially kapag more than 2 in 30 minutes hindi na ‘yan normal. Baka contractions na ‘yan talaga.”
2. Ano naman ang nararamdaman kapag may contractions na?
Dagdag ni Dr. Sinsgson na kapag napipisil ang tiyan, soft ‘yon. Kapag kasing tigas na ito ng mesa, contractions na ‘yon. Kaya naman dapat maging observant ka sa iyong nararamdaman sapagkat baka contractions na pala ito.
-
Patuloy na paglaki ng tiyan
Dahil nasa third trimester na ang pregnant mom, lalong nag e-expand ang uterus at muscles nito dahil lumalaki na rin ang baby.
Mas lumalapit ang baby sa pelvis kung kaya’t mas nagkakaroon ng pressure sa bladder ng buntis. Kaya naman nagiging madalas ang pag-ihi ni Mommy.
-
Spider veins, varicose veins, at hemorrhoids
Dahil sa pag-increase ng blood circulation ay maaaring magdulot ng maliliit na red-purplish veins sa mukha, leeg, at braso. Maaari ring mapansin ng isang buntis ang pagkakaroon ng varicose veins sa kanilang mga hita.
Para mabawasan ito, mag exercise at e-elevate ang inyong legs palagi. Uminom din ng maraming tubig at kumain ng fiber.
Ngayong nasa third trimester na ng pagbubuntis, marami sa mga mommies ang natatakot dahil sa nalalapit na childbirth. Ang reyalidad ng parenthood ay papasok na rin sa kanilang mga isipan.
Para sa mga first time moms, mas emosyonal sa kanila ang bahagi na ito dahil ito ang magiging first baby nila. Ang mahalaga ay maging kalmado upang maipanganak si baby ng walang kumplikasyon.
3. Gaano kahalaga ang emosyonal na suporta ng pamilya sa kalusagan ng buntis?
Ang isang masaya na mommy ay nagreresulta ng isang healthy na baby. Ipinaliwanag din ni Dr. Singson na hindi dapat ma-stress ang mommy dahil makakaapekto ito sa kaniyang baby. Pahayag niya,
“Kapag nagkaroon ng maternal depression during pregnancy ‘yong outcome ni baby talagang may adverse outcomes even in the behaviour ni baby kasi ‘yong constant andrenaline rush ni mommy, under stress siya that produces epigenetic modificaitons meaning circumstances na puwedeng mag-alter sa expressions ng genes ng baby.”
BASAHIN:
Mental Health ng buntis: Bakit dapat umiwas sa stress ni Mommy?
Third trimester pregnancy guide: Lahat ng dapat mong malaman
Pagbubuntis: Bawat linggong paglaki ni baby sa 3rd Trimester
4. Ano na nga ba ang development ng baby sa third trimester ng pagbubuntis?
Sa ika-anim na buwan hanggang sa due date nito, ang baby sa loob ng tiyan ng isang pregnant mom ay patuloy na lumalaki. Ang baby ay nakaka-stretch na at nakakasipa na. Ang mga buhok at kuko nito ay tumutubo na rin.
Unti unti na rin nakaka-detect ng light ang baby sa loob ng tiyan. Dito na rin magsisimula na huminga ang baby. Dapat rin ang ulo nito ay naka head down na o malapit sa pelvis.
Kailan dapat naka-head down ang baby?
Ayon kay Dr. Singson,
“The research shows that the most babies mga 80% nag-i-engage mga 39 to 40 weeks and usually average of mga 7 to 10 days bago manganak doon nag-i-engage ‘yong head.
That’s a good sign na malapit ka ng manganak kapag bumababa na ‘yong head ni baby pero hindi naman immediate o hindi naman agad-agad.”
5. Iba pang dapat tandaan sa third trismester ng pagbubuntis
Larawan mula sa Shutterstock
-
Importante ba ang pagtulog sa left side kapag nasa third trimester ng pagbubuntis?
Mayroon tayong mga big vessels sa gitna ng ating abdominal activities. Ang pinakamalaking vessel na ito ay ang aorta at inferior vena cava. Ipinaliwanag din ni Dr. Singson na dahil sa bigat ng baby nagkakaroon ng compression sa blood vessels.
“Medyo ma-o-occlude ‘yong mga vessels, so ma-impair ‘yong return ng blood. Usually, nahirapan huminga si Mommy kapag ganun.
And that’s the cue that she has to turn on her left side to decompress her inferior vena cava and the aorta para hindi siya magkaroon ng inferior vena cava compression.”
-
Ano ang mga kailangan tandaan sa panganganak ng normal delivery?
Makatutulong ang perineal massage bago manganganak. Inirerekomenda ng mga doktor na gawin ito kapag si mommy ay nasa 32 o 35 weeks na. Kailangan din i-monitor ang contractions ayon kay Dr. Singson.
“Pwede ka ng mag-labor within 24 to 48 hours. When you see blood na may mucus plug, that’s called bloody show. Pero kung tubig ang nakita mo na parang nababasa, ayun kahit walang contraction magpunta ka na sa hospital.”
-
Ano ang mangyayari kapag sakaling mag-c-section ka?
May dalawang klase ng c-section, ito ay ang emergency at elective. Kailangan ang emergency kapag at risk na ang baby pati si mommy. Ang elective naman ay ang kagustuhan ng buntis na mag c-section.
Ipinaliwanag rin ni Dr. Singson na hindi lahat ng babae ay kailangan mag cesarian.
“Ang gusto kong i-pointout, kasi maraming babae nagsasabi, ay ayoko nang mag-labour, ayoko ng masaktan. Ayoko mag-panic. Gusto ko elective cesarean section na lang.
Kailangang ma-explain sa mommy na kung bakit si baby kailangang dumaan sa birth canal ni Mommy.”
-
Pagmo-monitor ng sa baby ng maayos
Ngayong panahon ng pandemic, importante ang pag mo-monitor ng iyong baby dahil hindi madalas nagkikita ang mga doktor at mga pregnant mommies.
“Make sure you have a weighing scale, blood pressure machine, urine strips, doppler. Be empowered and be disciplined about your pregnancy para maiwasan ang complications lalong lalo na ang stillbirth.”
Ayon kay Dr. Singson kailangan ito upang ma-monitor at malaman ng mommy ang kanilang timbang, blood pressure, UTI, at heartbeat ng baby. Mahalaga ito upang maiwasan ang tiyansa ng stillbirth. Mahalaga rin na bilangin ang kicks ng iyong baby.
Makakatulong ang theAsianparent app kick counter para ma-moniter ito. I-download ito dito.
Larawan mula sa MART PRODUCTION from Pexels
6. Mga dapat gawin kapag nasa third trimester ng pagbubuntis:
- Kailangan tuloy tuloy pa rin ang pag inom ng prenatal vitamins.
- Maging active, tulad ng simpleng paglalakad at hindi pag stay sa iisang posisyon.
- Kumain ng healthy food para kay mommy at sa baby. Dahil nasa third trimester na si mommy ng pagbubuntis, siguraduhin na sapat ang sustansya na nakukuha ni baby.
- Laging mag pahinga.
- Kapag may nararamdamang hindi normal, huwag mag panic. Tumawag agad sa doktor at pumunta sa ospital.
- Ang third trimester ay ang huling trimester ng pagbubuntis. Ito na din ang senyales na lalabas na si baby. Ugaliin makipag usap sa doktor at i-monitor ang pagbubuntis para sa safe at maayos na panganganak kay baby.
Sources:
MayoClinic, Healthline,WebMD
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!