X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression

4 min read
STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression

Ano nga ba ang effects ng general anesthesia sa isang nanay na sumailalim sa cesarian delivery? Mabuting alamin at maging aware sa Postpartum Depression!

Effects of general anesthesia: Ayon sa pag-aaral, mataas ang risk factor na magkaroon ng postpartum depression ang isang babae dahil sa general anesthesia nito kapag sumailalim siya sa cesarean section. Mayroon kasi itong partikular na epekto dahil sa anesthesia.

Sa mga nakaraang taon, hindi biro ang pagtaas ng bilang ng may Postpartum Depression. Dahil dito, nagsagawa ng mas malalim na pag-aaral ang mga eksperto dito.

Mula sa pag-aaral ng Columbia University, nakita na ang 428,304 na record ng mga kababaihan na sumailalim sa cesarean section ay halos pare-pareho ang naranasang epekto dahil sa general anesthesia na kanilang natanggap.

8 na taon tumagal ang pag-aaral na ito. Mula January 2006 hanggang December 2013 sa mga hospital sa New York.

General anesthesia sa C-section sanhi ng postpartum depression

Karaniwang gumagamit ng regional o local anesthesia ang mga sumasailalim sa C-section. Ngunit saka lang lumilipat ng general o full anesthesia kapag emergency na. Ang mga nanay na sumasailalim sa general anesthesia ay kadalasang nakakaligtaan ang ang unang sulyap sa kanilang newborn. Hindi rin nila nae-enjoy ang unang hawak sa kanilang baby.

Ang general anesthesia ay nakakapagdulot din ng delay sa pag-breastfeed.

effects-of-general-anesthesia

Image from Sharon Mccutcheon on Unsplash

Postpartum effects of General Anesthesia

Napag-alaman sa pag-aaral na nakalagay sa journal ng Anesthesia and Analgesia, na ang mga nanay na sumailalim sa full anesthesia habang sila ay nanganganak, 91% sa kanila ay kadalasang nagkakaroon ng suicidal thoughts at self-harm.

Ang 54% ng nakararanas ng postpartum depression ay kadalasang may sintomas na ganito. Sa lahat ng mga babaeng sumailalim sa pag-aaral, 3% sa kanila ay kinailangan ng masusing gabay at kailangang i-confine sa hospital dahil sa severe postpartum depression.

Methods used for the study

Ang 8% ng mga sumailalim sa cesarian section ay dumaan sa survey kung ito ba ay maaring gamitan ng anesthesia. Binigyan din sila ng dobleng pag-aalaga at pag-iingat.
Nangunguna sa analysis ang Postpartum Depression (PPD). Pangalawa naman sa research ang anxiety disorders, adverse psychiatric results, post-traumatic stress disorder at suicidality.
Ayon kay Dr. Jean Guglielminotti, lead author ng nasabing pag-aaral, ang anesthesia ay hindi laging nakakasama. Ang mga dating pag-aaral ay nagpakita ng parehong resulta.
Sa pag-aaral noong 2017, kadalasang nagkakaroon ng PPD ang mga sumailalim sa C-section. Samantalang noong 2018 naman, ang epidurals ay nakakapagpababa ng tyansa ng PPD.
Sa kabila ng lahat na ito, ayon kay Dr. Guglielminotti, kailangan pa rin ng masusing pagsasagawa ng pag-aaral para rito.

Paano malalaman kung may Postpartum depression ang isang babae?

effects-of-general-anesthesia

Image from Unsplash

Hindi na bago ang Postpartum Depression. Ngunit ang kakulangan ng kaaalaman dito ay mas nakaka-alarma. Kung ikaw ay malapit nang manganak, mabuting malaman mo ang mga ito:

  • Ang pagiging malungkutin, pag-iyak at pagsisi sa sarili ay mga sintomas nito.
  • Kung nawala ang interes mo sa isang bagay na dati mo namang ine-enjoy.
  • Pagbago ng sleep patterns na maaring makapagdulot ng insomia.
  • Hirap makapagdesisyon sa mga pangkaraniwang bagay.
  • Kung masyado kang nag-aalala kung nagiging mabuti ka bang ina.
  • Ang stress at kakulangan ng nakukuhang suporta ay maaaring makapagdulot ng PPD.
  • Kung naiisip mong saktan ang iyong sarili, ito ay isang seryosong bagay na kailangang bigyan ng pansin.
How to Fight Postpartum Depression?
effects-of-general-anesthesia

Image from Shutterstock

Kung malalaman ng pamilya mo ang mga sintomas ng PPD, agad na magpakonsulta sa iyong doktor at sundin lahat ng sasabihin nito.

Ngunit bilang isang ina, maaari mo itong gawin:

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
  • I-breastfeed ang iyong baby. Bigyan ang iyong sarili ng oras na makasama ang iyong anak. Hilutin siya ng marahan. O kaya kantahan nito.
  • Alagaan ang iyong sarili. Bigyan ng pansin ang diet at pagrerelax.
  • Umidlip kapag si baby ay natutulog.
  • Lumabas paminsan-minsan. Hayaan ang sarili na maranasan ang araw at sariwang hangin.
  • Mag-ehersisyo
  • Kausapin ang ibang nanay.
  • Maaari ka ring makipag-usap sa iyong pamilya at asawa.

 

Republished and translated with permission from The Asian Parent Singapore.

BASAHIN: Unang gamot para sa postpartum depression, halos “instant” daw ang epekto

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression
Share:
  • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

  • How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

    How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

  • Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

    Ang Ultimate Guide sa Calcium sa Pagbubuntis: Lahat ng Dapat Malaman ng Bawat Buntis

  • Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

    Paano Nakakatulong ang Pregnancy Milk sa Morning Sickness (At Ano ang Gagawin Kung Hindi Mo Kaya Inumin Ito)

  • How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

    How Pregnancy Milk Can Help with Morning Sickness (And What to Do If You Can’t Drink It)

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko