Kung ikaw ay nasa ikalawa o ikatlong trimester na ng iyong pagbubuntis, marahil ay narinig o nabasa mo na ang salitang Braxton Hicks. Pero ano ba ang Braxton Hicks sa Tagalog at ano ang pagkakaiba nito sa totoong labor? Alamin natin.
Maaaring natatandaan mo pa ang unang pregnancy memory mo, mommy. Hindi mo alam kung excited ka lang ba sa paglabas ni baby o talagang naramdaman mong manganganak ka na. Pero sa huli, false alarm lang pala ito at hindi ka pa talaga in labor. Ito ay tinatawag na Braxton Hicks contractions.
Kung ikaw naman ay isang first-time mom, maaaring nabasa o narinig mo na ang salita o pangalang ito mula sa iyong doktor kung pinag-uusapan ang mga senyales ng panganganak.
Ngunit ano ang Braxton Hicks at ano ang pinagkaiba nito sa totoong labor? Bakit pakiramdam mo manganganak ka na pero hindi naman pala?
Ano ang Braxton Hicks contractions?
Ang Braxton Hicks contractions kahulugan ay ang pagkakaroon ng mga sintomas na may pagkakatulad sa totoong labor, at akala mo na manganganak ka na pero hindi naman pala. Kilala rin ito sa tawag na ‘false labor’.
Ipinangalan ang Braxton Hicks mula sa doctor na nakadiskubre nito.
Kadalasang nararamdaman ang Braxton Hicks pagdating ng ikatlong trimester ng buntis kung saan mas malikot na si baby at malapit na ang kabuwanan ni mommy. Madalas itong nararamdaman sa hapon o pagkatapos ng active day ni mommy.
Isa rin itong paraan ng ating katawan na paghandaan ang nalalapit na labor o panganganak.
Braxton hicks in Tagalog ay hindi totoong contraction labor. | Image from Dreamstime
Ano ang Braxton Hicks contractions pakiramdam
Ang mga Braxton Hicks contractions ay isang paninikip sa iyong tiyan na dumarating at umaalis din. Ang mga contraction na ito ay hindi naglalapit, hindi tumataas sa kung gaano katagal ang mga ito o kung gaano kadalas ang mga ito at hindi lumalakas sa paglipas ng panahon.
Mayroong mga inang may Braxton Hicks na maaaring makaramdam ng banayad na menstrual cramps. Madalas itong nangyayari tuwing may pagbabago ng posisyon at nagpapahinga.
Sa kabila nito, maaari kang makipag-usap, maglakad at gawin ang iyong mga normal na aktibidad sa panahon ng mga contraction ng Braxton Hicks.
Ano ang pakiramdam ng totoong labor
Iba ang pakiramdam ng totoong labor contraction at maaaring iba ang pakiramdam mula sa isang pagbubuntis hanggang sa susunod.
Ang mga labor contraction ay nagdudulot ng discomfort o pananakit sa iyong likod at ibabang tiyan, kasama ang presyon sa iyong pelvis.
Ang ilang mga tao ay maaaring makaramdam din ng pananakit sa kanilang mga tagiliran at hita. Inilalarawan ng ilan ang mga contraction bilang matinding menstrual cramps.
Sa panahong ito, maaaring mahirap magsalita o maglakad. Ang mga contraction ng panganganak ay nagiging mas masakit at dumarating nang mas madalas habang lumilipas ang oras.
Sintomas ng Braxton Hicks contractions kahulugan
Ayon sa mga nakaranas na nito, madali mong mararamdaman ang Braxton Hicks dahil bigla na lamang sisikip o maninigas ang iyong tiyan. Minsan ito ay mabilis na mawawala pero agad ring babalik.
Para naman sa ibang buntis, parang mild menstrual cramps ang pakiramdam nito.
Narito pa ang ilang sintomas para malaman kung ano ang Braxton Hicks:
- Paninikip at paninigas ng tiyan pero hindi masakit.
- Katulad ng mild menstrual cramps.
- Agad nawawala kapag ikaw ay gumalaw o nagbago ng posisyon.
- Walang sinusunod o nabubuong pattern.
- Hindi tumatagal ng higit sa dalawang minuto at hindi lumalapit ang pagitan.
- Nawawala pero bumabalik din.
- Nararamdaman lang sa iyong tiyan.
Bakit nakakaramdam kung ng Braxton Hicks contractions?
Bagama’t normal para sa mga buntis ang makaramdam nito, may mga bagay na maaaring makadagdag sa pagkakaroon niya ng Braxton Hicks contractions.
Narito ang ilang posibleng sanhi ng false labor:
Siguruhing nakakainom ng 8 hanggang 12 baso ng tubig o anumang fluids sa isang araw para maiwasan ang dehydration.
Maaari mo ring mapansin ang Braxton Hicks pagkatapos ng buong araw na marami kang ginawa o madalas ang iyong pagkilos.
Kapag nagtatalik at nagkakaroon ng orgasm, ang iyong katawan ay gumagawa ng hormone na oxytocin na nagsasanhi para mag-contract ang uterus. Ang semen rin ng iyong partner ay may lamang prostaglandins na nakakapagdulot ng contractions.
Kapag puno ang iyong bladder, nadaragdagan ang pressure o bigat sa iyong uterus na siyang dahilan ng contractions o cramps.
Braxton hicks in tagalog | Image from Dreamstime
Paano malalaman kung ano ang Braxton Hicks contractions vs totoong labor na?
Kung normal ang pagkakaroon ng Braxton Hicks at maari itong mangyari ng madalas, paano mo malalaman kung totoong labor na ang nararanasan mo?
Ayon kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-gynecologist mula sa Makati Medical Center, ang pangunahing pagkakaiba ng Braxton Hicks sa totoong contractions na dala ng labor ay hindi masakit ito. Gayundin, hindi dapat ito nagdudulot ng pagbuka ng cervix at dapat ay nawawala ang paninigas ng tiyan kapag nagbabago ng posisyon ang buntis.
Paliwanag niya,
“One of the differentiating factors is Braxton Hicks should not be painful. So kapag painful, baka preterm labor ‘yan, Pangalawa, it should not lead to cervical dilatation.
Kasi kung nag-o-open ‘yong cervix, aba ay labor na ‘yan. At saka ‘yung Braxton Hicks, it happens usually kapag nag-change ng position si Mommy, tumayo or humiga, magcocontract si uterus. It is usually an isolated contraction hindi siya ‘yong tuluy-tuloy na may regularity.”
Narito ang isang chart na naglalarawan ng mga pagkakaiba ng braxton hicks contractions kahulugan sa totoong labor:
|
|
FALSE LABOR |
TRUE LABOR |
Ano ang mararamdaman? |
Ang false labor ay hindi masyadong masakit at walang pattern na mabubuo. Kadalasan, mararamdaman dito ang pag sikip ng iyong tiyan. |
Pagsikip at paninigas ng todo (parang mesa) na may kasamang pagsipa. Nagiging malakas at masakit ito sa paglipas ng oras.
|
Kailan ito mararamdaman? |
Maaring magsimula sa 2nd trimester pero kadalasan ito ay nararamdaman sa 3rd trimester. |
Pagkatapos ng iyong 37th week. |
Gaano ito katagal? |
Kadalasan ito ay tumatagal ng 30 segundo hanggang 2 minuto. |
Ang true labor ay may pagitan na 30-60 segundo. |
Paano ito mawawala? |
Mawawala ito kapag ikaw ay gumalaw, uminom ng tubig, o nagbago ng posisyon. |
Hindi mawawala ang contractions kahit na ikaw ay magbago ng posisyon, gumalaw o magpahinga. |
Saan ko mararamdaman ang sakit? |
Kadalasang mararamdaman ang sakit sa iyong tiyan. |
Mararamdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng likod papunta sa iyong tiyan. |
May paraan ba para mabawasan kung ano ang Braxton Hicks contractions?
Kapag nakumpira mo na ang iyong nararanasan ang Braxton Hicks, maaari ka nang mag-relax.
Bagamat walang gamot o treatment para sa Braxton Hicks, maaaring makatulong ang pagdadahan-dahan, pag-inom ng maraming tubig at pagpapalit ng posisyon kapag nararansan mo ang mga sintomas nito.
Maaari mo ring subukan ang mga sumusunod kapag nakakaramdam ng Braxton Hicks:
- Maglakad o kumilos kung matagal ka nang nakaupo.
- Humiga at magpahinga kung ikaw ay gumagalaw.
- Paghiga sa iyong left side, na makakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo sa iyong uterus, kidney at placenta.
- Kumain ng meryenda.
- Gumawa ng isang bagay na nakakarelaks tulad ng maligo, magbasa ng libro o magpa-prenatal massage.
- Umihi para mawalan ng laman ang bladder. (Kung hindi mo pa ito ginagawa ng madalas)
- Pag-inom ng 3 hanggang 4 na baso ng tubig o iba pang inumin.
Kailan dapat mag-alala?
Ang Braxton Hicks contractions kahulugan ay naghahanda ang iyong katawan para sa panganganak, ngunit hindi ito nangangahulugan na nagsisimula na ang panganganak. Maaari mong maranasan ang Braxton Hicks linggo o buwan bago magsimula ang tunay na paggawa.
Ayon kay Doc Becky, narito ang tatlong bagay na dapat tandaan kapag nakakaramdam ng contractions: “I always tell my patients that there are 3 things that you need to remember – time, interval and duration.”
Aniya, makakatulong din ang pag-plot ng pagitan ng bawat contraction at kung gaano katagal ang paninigas ng tiyan. “Kapag every 5 minutes ‘yung contraction at lasting ng 1 minute, its time to go to the hospital na ‘yan,” dagdag niya.
Kung sakaling nakakaramdam ng contraction at hindi mo sigurado kung labor ito, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong OB-GYN. Ito ay para masabi o maipayo niya sa’yo ang mga dapat mong gawin kung sakaling makaranas ulit nito.
Braxton hicks in tagalog | Image from Dreamstime
Agad na tawagin ang iyong doctor kapag:
- Nakakaramdam ng senyales ng totoong labor bago ang iyong 37th week
- Pagbabago ng galaw ni baby (masyadong malikot, o walang paggalaw sa loob ng 2 oras)
- Malakas na pressure o contraction kada 5 minuto
- Matinding contraction na hindi ka na makalakad ng maayos
- Nakaranas ng spotting o vaginal bleeding
- Pagputok ng panubigan o may fluid na tumatagas sa iyong vagina
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa contractions at iba pang nararamdaman sa iyong pagbubuntis, huwag mahiyang kumonsulta sa doktor.
Karagdagang impormasyon mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!