Marami naman talagang pagbabago ang kakaharapin ng mommies na nagdadalang-tao. Naririyan ang physical, emotional, at mental changes. Sa ganitong pagkakataon, may mga must-haves na bagay para makatulong sa kanya throughout the nine months ng pagbubuntis.
Isa na riyan ang pillow for pregnancy. You are in the right place dahil narito ang best pregnancy pillow brands for pregnant women here in the Philippines!
Best pregnancy pillow brands in the Philippines
Check out the best pregnancy pillow brands in the Philippines this 2023 | Photo grabbed from Pexels
Mahalagang mayroong sapat na pahinga at tulog ang isang buntis. Kailangan kasi ito para sa paghahanda sa kanyang due date. Syempre, number one na dapat mayroon siya ay ang best pillow na aakma sa pagbabago ng kanyang katawan. Pumili na sa aming listahan ng recommendations na pwedeng-pwede sa iyo!
Best Pregnancy Pillow Brands
Best pregnancy body pillow

Naghahanap ka ba ng pregnancy pillow na kayang i-cover ang buong katawan mo? Ang full-body pillow na ito ang para sa iyo. Ang pillow core fabric nito ay gawa sa pure cotton na safe para sa iyo at sa iyong baby.
Sabi ng mga nakagamit na nito, sulit siya dahil pwede mo itong magamit matapos kang manganak. Hindi lang ito pang-buntis. Gamitin ito habang nagpapa-breastfeed. Pwede rin siya bilang sandalan habang nagbabasa ka sa kama or habang nanonood ka ng paborito mong series. Para bigyan kayo ng idea kung gaano ito kalaki, ito ay 65cm ang lapad at 120cm ang haba. May kapal din itong 15cm kaya saktong sakto ito bilang unan sa iyong ulo, tagiliran, at likod.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa odorless cotton fabric ang core o laman nito
- Meron itong zipper opening para madaling linissan
- Magagamit sa iba’t ibang paraan
- 65cm lapad, 120cm haba, 15cm kapal
Best round-edge pillow

Kung medyo kulang ka sa space, pwede mo ring i-consider ang wedge pillow. Base sa pangalan nito, ito ay nakahugis bilang isang wedge na pwede mong ilagay sa ilalim ng iyong growing tummy. Sakto ito kung ikaw ay nakahiga ng patagilid.
Pero hindi lang yan ang gamit nito. Pwede din siya bilang head pillow or back pillow depende sa kailangan mo. Dahil hindi ito bulky, madali itong dalahin kahit saan–sa kotse o sa eroplano kung ikaw ay mag-ta-travel.
Satisfied ang mga nakabili na nito. Firm daw ang unan at nagbibigay ng tamang support. Para sa less than P700 na presyo, sulit na sulit ang wedge pillow na ito kasi natutulungan silang makatulog ng komportable.
Bakit gusto namin ito
- Round-edge wedge
- Magandang gamitin para suportahan ang likod at tiyan
- Portable
Best u-shape pillow for pregnancy

Alam mong pinag-isipang mabuti ang paggawa ng U-shaped pillow na ito. Una sa lahat, mayroon itong space para sa braso. Bukod diyan, meron itong kasamang maliit na unan na pwede mong ilagay sa iyong tagiliran para sa karagdagang support pa.
Ang kagandahan ng U-shaped pillow na ito, dahil sa mga design features nito pakiramdam mo ay suportadong suportado ang iyong buong katawan. Dinesenyo din ito para ma-align ang iyong hips, leeg, at likuran.
Kung nag-aalala ka na ang shape nito ay hindi magtatagal, sabi ng mga nakagamit nito, matibay ito at may eksaktong firmness kahit na madalas itong labhan. Pwede mo din itong ilagay sa washing machine at dryer para linisan.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality cotton
- Hindi madaling ma-deform
- Machine washable
- Hypoallergenic at walang amoy
Best c-shape pregnancy pillow

Bukod sa full-body pillow at sa U-shaped pillow, meron ding tinatawag na C-shaped pillow for pregnant woman. Ang kaibahan lang nito ay ang opening nito ay nasa gilid at hindi sa baba. Kung ito ang gusto mo, maganda itong C-shaped pillow galing sa Mandaue Foam. Makakasigurado kang high-quality ito gaya ng mga ibang produkto ng Mandaue Foam.
Ayon sa mga nakagamit na nito, sobrang komportable ito at tamang-tama ang lambot. Kahit yung mga hindi buntis ay na-appreciate ang pillow na ito dahil hindi daw ito masakit sa leeg. Para sa mga taong may iniindang sakit sa leeg, perfect ito.
Bakit gusto namin ito
- Dimensions: 55x 22 x13 in
- Nagbibigay ng suporta sa hip, back, tiyan, tuhod, at leeg
Best side-sleeping pillow

Para sa mga expectant moms, isa sa pinaka-komportableng posisyon (at safe din) ang side-lying. Ang pillow na ito ay makakatulong para manatili kang nakahiga sa side.
Dahil hindi ito masyadong malaki, hindi nito kakain ng malaking space sa iyong kama. Gayunpaman, magagawa pa rin nito ang kanyang dapat gawin dahil tamang-tama ang support nito sa iyong growing belly at sa likod mo na rin. Magpapagitna ka lang sa dalawang unan na hugis wedge at i-pwesto mo ang iyong katawan.
Ayon sa mga nakagamit nito, plus points na madali itong dalhin kahit saan. Naiisp din nila pwede itong gamitin habang nagpapa-breastfeed kaya hindi sayang ang kanilang ipinambili.
Bakit gusto namin ito
- Gawa sa high-quality fabric
- Multi-purpose: Pwedeng gamitin bilang unan sa sofa, sa kwarto, at pati na rin sa sasakyan
Best bolster pillow

Hindi ka magkakamali sa oldie but goodie na bolster pillow na ito. Walang masama kung subukan mo ito bilang pregnancy pillow din. Simple ang shape nito, pero para sa iba na gusto ay no-fuss lang at siguradong magagamit kahit hindi na siya buntis, ito ang mahusay na choice.
Ayon sa mga customers, masarap itong yakapin dahil solid ang pagkasiksik nito. Ibig sabihin, mainam din itong support sa likuran. Tamang-tama din ang laki nito para sa isang adult. Madali ring humanap ng pillowcase para rito, so hindi mo na proproblemahin pa.
Bakit gusto namin ito
- Firm ang support nito
- 100% hypoallergenic
- 500 thread count
- Dimensions: 28x44in
Best parents’ choice

Nagsalita na ang mga mommy, at ang kanilang choice? Ang Chicco Boppy Total Body Pregnancy Pillow. Ito lang naman ang nakakuha ng TAP Awards 2023 “Parent’s Choice Pregnancy Pillow. Ang kagandahan dito ay nabubuo ito ng tatlong piraso na madaling naaalis o nagagamit para i-combine. Nasususportahan din nito ang buong katawan mo para mabigyan ka ng maximum comfort.
Kung isa ka naman sa mommies na mahilig magside sleep pwede na rin ito gamitin para magkaroon ka ng komportableng tulog. Ang modular at flexible na design ay maaaring mag-adapt sa iba’t ibang requirements ng iyong pagbubuntis. Mamamaintain mo rin ang knee and ankle support mo gamit ang pillow na ito.
Bakit gusto namin ito
- TAP Awards 2023 “Parent’s Choice Pregnancy Pillow
- Three pieces
- Helps with body support
- Supports knee and ankle
Price Comparison Table: Pregnancy Pillow
Tignan ang presyo ng mga best pillow for pregnant women dito:
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Tamang sleeping position ng buntis
Paano nga ba ang tamang position ng pagtulog sa mga buntis? Narito ang ilang kasagutan. | Larawan kuha mula sa Pexels
Isang mahalagang parte ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng komportable at sapat na tulog. Kasama na rito ang mga healthy foods, exercise at vitamins na makakatulong din sa paglaki ng baby. Ngunit hindi lahat ay nagkakaroon ng komportableng tulog dahil sa pananakit ng ilang parte ng katawan kasabay ng maraming pagbabago.
Alam niyo ba na pagpasok ng 2nd trimester ni mommy ay kailangan nilang ugaliin na matulog sa kaliwang bahagi nila? Ito ay mas kilala bilang SOS – Sleep On Side: Save our souls.
Ang sleep on side ay paraan upang mailigtas ang iyong baby at makakapagpababa ng risk ng pagkalaglag. Dahil may mga naitalang stillbirth case at napag-alamang natutulog sila sa supine position o pahigang posisyon habang nagbubuntis.
Ayon sa pag-aaral tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth ng BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakakaranas ng stillbirth pagkatapos ng 28 weeks gestation ay 2.3 times more likely na natutulog pahiga kesa patagilid.
Kaya naman mahalaga sa isang buntis ang magkaroon ng komportable at safe na pagtulog. Isa sa factor na kailangang bigyang pansin rin ni mommy ay ang tamang pagpili ng unan para sa kanila.