Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Mahalagang factor na kailangang tandaan ang sleeping position ng isang buntis dahil makakatulong ito upang maiwasan ang stillbirth. Alamin kung bakit!

Mahalagang factor na kailangang tandaan ang sleeping position ng isang buntis dahil makakatulong ito upang maiwasan ang stillbirth. Ang pagtulog ng isang tao ay isang mahalagang parte ng buhay. Pero hindi lahat ng tao ay nakakatulog ng maayos lalo ang ibang buntis. Sa pagbubuntis ng isang babae, marami ang nagbabago lalo na sa pangagatawan nila. Ito ay dahil may isang buhay ang unti-unting nabubuo sa tyan ng isang ina. Kaya naman ang pagtulog ay nagiging isang gawain na para sa kanila. Lalo na dahil may tamang pagtulog ang mga buntis na nirerekomenda ng mga doktor para maging komportable sa gabi.

Malamang mommy, narinig mo na ang balitang mas maganda ang matulog patagilid sa kama diba? Pero despite sa lahat ng narinig nating benepisyo ng pagtulog patagilid o ‘sleep on side’ ng mga buntis, mas maganda kung sinasanay ng mga pregnant moms ang kanilang sarili sa ganitong posisyon. Makakatulong kasi ito na mapadali ang kanilang pagtulog lalo na sa mga preggy moms na hirap na hirap makatulog sa gabi. Ang tanong, malaking factor ba ang sleeping position ng buntis o ‘sleep on side’ kung tawagin? At masama ba maipit ang tiyan ng buntis?

Sleep on side: sleeping position ng buntis

SOS – Sleep On Side: Save our souls

Ang Sleep on side ay mas kilala bilang SOS. Sikat rin itong acronym para sa salitang Save Our Souls.

Ang sleep on side ay maaaring paraan upang maligtas ang iyong baby at makakapagpababa ng risk ng pagkalaglag. Dahil may mga naitalang stillbirth case at napagalamang natutulog sila ng supine position habang nagbubuntis.

sleeping-position-ng-buntis

Sleep on side: sleeping position ng buntis | Image from Dreamstime

Ayon sa pag-aaral tungkol sa maternal sleep position at risk of stillbirth ng BJOG: An International Journal of Obstetrics and Gynaecology, napag-alaman na ang mga babaeng nakakaranas ng stillbirth pagkatapos ng 28 weeks gestation ay 2.3 times more likely na natutulog pahiga kesa patagilid.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa 291 pregnancy na pagkatapos ay nagkaroon ng stillbirth. Habang 735 na kababaihan naman ay live birth.

Ayon rin sa isa pang pag-aaral, ang pagtulog pahiga ng mga buntis ay 3.7 times na mataas ng risk factor sa stillbirth.

Sa kabila ng hindi malinaw na dahilan kung bakit ito nangyayari, may ilang teorya ang mga eksperto.

Sa paglaki ng fetus sa sinapupunan, ang mga pregnant mom na nakahiga sa kanilang third trimester ay may combined weight ng baby at ng uterus nito. Kaya naman ito ay naitutulak pababa at nagkakaroon ng pressure sa main blood vessels na nagsusupply sa uterus. Ito ang nagdudulot para sa baby na hindi magkaroon ng sapat na blood flow at oxygen.

May iba ring dahilan katulad ng pre-existing conditions such as sleep apnea. Ito ay isang kondisyon kung saan tumitigil ang paghinga sa gabi) Isa pa ay ang asthma. Sa ganitong kaso mahihirapan ang ina na magpadala ng optimal amount ng oxygen sa sariling katawan at sa dinadalang bata.

sleeping-position-ng-buntis

Sleep on side: sleeping position ng buntis | Image from Freepik

Kaya naman mahalaga ang sleeping position ng buntis sa sleep on side o SOS sa kanilang 3rd trimester kasama na ang:

  • Kapag matutulog sa gabi, ugaliin ang sleeping position ng buntis na sleep on side
  • Matulog ulit matapos magising sa pagkakatulog sa gabi
  • Lahat ng pag-idlip sa umaga

Sleeping position ng buntis na SOS, makakaiwas sa mga fetus na maging low birth-weight

Napag-alaman rin sa ibang pag-aaral na ang sleeping position ng buntis na sleep on side ay nakakapagpababa ng tyansang maging low birth weight ang bata sa loob ng third trimester.

Kung sasanaying isang buntis ang sleeping position na pahiga imbes na patagilid, magdudulot ito ng pag compress ng daloy ng dugo sa katawan at magpapababa ng supply ng oxygen at nutrients na makakatulong sa pagpapalaki ng fetus. Kaya naman malaki ang nagiging epekto nito sa lumalaking fetus sa loob ng sinapupunan ng isang ina at nagreresulta sa low birth-weight ng mga bata. Ito ay nagdudulot ng health problems at komplikasyon bago at pagkatapos silang ipanganak.

Ayon sa may akda ng pag-aaral na si Dr. Ngaire Anderson, “this reduction in birth weight with back sleeping could partly explain the relationship we have seen between back sleeping and elevated risk of stillbirth”.

Sleeping position ng buntis na sleep on side, kailangan bang gawin?

Kung pagsasama samahin ang mga pag-aaral, ang isa sa pinaka magandang gawin ng isang buntis ay ang matulog patagilid lalo na kung nakakaranas ng pananakit ng balakang. Malaki ang maitutulong nito para sa kaligtasan ng iyong anak na nasa sinapupunan mo. Ang sleep on side o SOS ay makakatulong rin upang maging maganda ang daloy ng dugo at nutrients sa placenta patungo sa iyong baby.

Ang sleep on side ay nirerekomenda rin ng mga doktor sa mga buntis.

sleeping-position-ng-buntis

Sleep on side: sleeping position ng buntis | Image from Freepik

Dagdag pa para rito, ang pagtulog patagilid ng mga buntis ay makakatulong para sa optimal blood flow na nanggagaling sa vena cava (IVC). Ito ay ang large vein mula sa iyong spine. Ang vein na ito ay ang responsable para sa dugo mula sa puso at sa iyong baby.

Isa pang magandang dahilan ng sleeping position ng buntis na sleep on side, ay nababawasan nito ang matinding pressure ng kidney at liver. Ito ay makapagdudulot sa kanila na mag function ng maayos. Makakaiwas rin ito sa pamamaga ng iyong kamay, bukon-bukong at paa.

Ayon kay Dr. Grace Pien, assistant professor of medicine ng Johns Hopkins University School of Medicine, “research suggests that pregnant women who are not getting enough sleep — less than 5 or 6 hours of sleep a night — probably are at increased risk for things like gestational diabetes, and potentially for things like preeclampsia.”

“I don’t think there’s clear evidence that sleeping on your right is worse than sleeping on your left. If there’s a reason somebody is sleeping on their right because they’re more uncomfortable sleeping on their left. I don’t think there’s a reason not to do it.”

 

Para sa lahat ng preggy mom, happy side-snoozing! Batid namin ang komportable at payapang pagtulog mo sa gabi. Kaya mo ‘yan mommy!

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN: Pelvic Pain: Bakit sumasakit ang tagiliran ng buntis?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner