-Pagkain ang pangunahing dahilan ng mga nangyayari sa physical health ng tao pero alam mo bang malaki rin ang epekto nito sa mental health natin? Alamin ‘yan sa artikulong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- How eating habits affect the mental health of a person
Paano nakaapekto ang pagkain sa inyong mental health
Paano nakaapekto ang pagkain sa inyong mental health | Larawan mula sa Pexels
Malaking factor ang ginagampanan ng food sa overall health ng isang tao. Ito ang pangunahing dahilan kasi kung bakit malakas ang immune system o kaya naman madaling madapuan ng sakit. Alam mo ba, na ayon sa eksperto hindi lang daw sa physical health malaki ang role ng pagkain? Maging sa mental health din daw ng tao ay may epekto ito.
Madalas na tinitignang dahilan sa mental health problem ang toxic environment, relationship with parents and friends, childhood trauma, and problematic personalities. Lingid sa kaalaman ng lahat, dapat makita rin ang lifestyle at kinakain ng mga tao upang matukoy kung ano ang nakapagpapalala ng kanyang mental health condition.
May mga pag-aaral kung saan nakita na malaki ang ang dahilan ng pagkain sa utak. Una ay ang social isolation at pangalawa ay ang extreme healthy eating.
Social Isolation
Social Isolation | Larawan mula sa Pexels
“We found that food restrictions predict loneliness. People who are unable to eat what others eat, to some extent, are less able to bond with others over the meal.”
Pagpapaliwanag ng mga researcher na sina Kaitlin Woolley, Rongham Wang, at Ayelet Fishbach, may pagkakataon daw na makaaapekto ang social isolation na dulot ng pagkain. Sa pag-usad kasi ng modernisasyon, marami na rin ang tipo ng diet at food restrictions. Ilan sa halimbawa na diyana ang veganism, pescatarianism, dairy-free, gluten-free, vegetarianism, at marami pang iba.
“Both food restrictions and loneliness are societal problems on the rise; this research found that they may be related epidemics,”
Ang mga diet na raw ito na nagdudulot ng matinding restriction ay maaaring mauwi sa social isolation. Maaaring maramdaman ng isang tao na hindi siya belong dahil hindi niya kayang kainin ang kayang kainin ng ibang tao sa paligid niya.
Napag-alaman nila na ang lungkot na dala ng food restrictions na ito ay katumbas halos ng pagiging mag-isa o kaya naman ay walang partner in life. Kung ganito na raw ang nararamdaman narito ang ilang bagay na maaaring i-request sa pamilya o kasama sa bahay upang hindi makaapekto sa iyong mental health:
- Magsabi na maglaan ng stock na pagkain na para sa iyo sa tuwing mamimili.
- Kung sakaling kakain naman sa labas, mahalagang pumili sila ng kainang mayroong options para sa iyong diet.
- I-open up sa mga taong parati mong nakakasama na nakararamdam ka ng isolation sa tuwing kumakain kayo.
Extreme healthy eating
Extreme healthy eating | Larawan mula sa Pexels
Nauuwi rin daw sa pagiging unhealthy na ang pagkakaroon ng mindset ng extreme healthy eating. Ito raw ang tinatawag na orthorexia at isa raw itong uri ng eating disorder. Sa pagpapaliwanag ni Dr. Wendy Oliver-Pyatt, isang chief medical officer ng Within Health,
“Orthorexia nervosa is a type of eating disorder that can easily hide behind the premise of clean eating or healthy eating.”
Ito raw ay isang kondisyon kung saan nasobrahan na sa pagbabantay ng eating habit ang isang tao. Ang mga tao raw na may ganito ay hindi nagko-consume ng pagkain na pinaniniwalaan nialng sumailalim sa proseso ng herbicides, pesticides, o artificial substances.
“The hyper-focus on the ingredients in foods devoids the person from the very real human, lived, and joyful experience of eating.”
Kung ganito na raw ang nangyayari, nawawala na raw ang enjoyment ng tao sa pagkain. Imbes na namnamin lang ang pagkain ang nangyayari ay naii-stress lang sila tungkol sa kanilang kino-consume.
“When our eating becomes internally regulated, which we call mindful eating, our eating patterns shift in such a way that we are neither over- nor under-eating,”
“The orchestra of neurotransmitters and hormones that connect the brain and gut, and body, can all interact and guide us toward eating according to our biological and even, yes, our psychological needs.”
Dagdag pa ni Dr. Wendy.
Kung naoobserbahan mo na ganito na ang iyong kundisyon, narito ang ilan sa maaaring gawin:
- Magplano ng diet meal every week upang may partikular na kakainin ka na per day.
- Iwasang ma-concious from time to time sa kino-consume na pagkain. Mas maganda kung bumili na lang ng fresh foods upang hindi bothered sa naka-pack or processed.
- Kumonsulta sa iyong doktor o dietician tungkol dito. At ibukas kung ano ang maaaring gawin mo upang hindi masobrahan sa pagiging conscious sa mga kinakaing araw-araw.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!