TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto

5 min read
6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto

Pagdating sa nutrisyon ng iyong anak, mahalaga na dapat laging maging maingat. Kaya siguraduhin na iwasang bigyan ang iyong anak ng kahit ano sa 6 na uri ng mga pagkaing ito! | Larawan mula sa Freepik

Ang pagkain ay isa sa mga pinakamalaking bagay na maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang tao – kaya kailangan nating maging maingat at alamin kung ano ang mga pumapasok sa ating mga katawan, lalo na sa katawan ng ating mga anak.

Upang lumaking malusog, kailangang pakainin ng mga magulang ang kanilang mga sanggol ng mga tamang uwi ng pagkain na makapagbibigay sa kanila ng sustansiya na kailangan ng kanilang mga katawan.

Ngunit, maaaring hindi alam ng ilang magulang ang mga dapat at hindi dapat ibigay sa kanilang mga anak.

Huwag mag-alala mommies at daddies! Narito ang listahan ng mga pagkain na inirerekomenda ng mga eksperto na bawal na pagkain sa baby.

Bawal na pagkain sa baby

1. Hilaw na pagkain

Ang ilan sa atin ay maaaring mas gusto kumain ng pagkain na hilaw tulad ng sushi. Ngunit, masarap man ang mga ito, hindi maganda na bigyan mo ang iyong sanggol ng kahit anong pagkain na hilaw, lalo na ang mga may naglalamang itlog at manok.

Siguraduhin na ang karne na kinakain ng iyong anak ay luto dahil ang pagkain ng hilaw na karne ay maaaring maging sanhi ng maraming sakit, at maaaring bigyan ang iyong mga anak ng salmonella na siyang isang nakamamatay na sakit.

2. Pagkain na may maraming asin

Sa unang taon ng iyong anak, dapat mas mababa pa sa isang gram bawat araw ang nakakain niyang asin – na siyang sapat na para sa kaniyang araw-araw na pangangailangan. Para sa mga batang 1-3 taong gulang, 2 grams o mas mababa pa rito ang kanilang kailangan pagdating sa pagkain ng asin.

Ito ay dahil ang kanilang mga kidneys ay hindi pa handa sa sodium, kaya ang pagbibigay sa kanila ng maaalat na pagkain ay maaaring makahamak sa kanilang mga bato.

Siguraduhin na suriin ang asin na nilalaman ng mga pagkain kapag ikaw ay namimili para sa iyong sanggol, at sa tuwing nagluluto ka ng kanilang pagkain ay panatilihing kaunti lamang ang ilalagay na asin.

3. Maasukal na pagkain

Ang matatamis na pagkain ay higit na ipinagbabawal sa mga sanggol at bata. Ang masyadong maraming asukal para sa mga bata’t sanggol ay pinaniniwalaang nagdudulot ng cardiovascular disease, at saka mga problema sa timbang kapag sila’y tumanda.

Kaya ang dahilan kung bakit, pagdating sa matatamis na pagkain, mas mabuting iwasang bigyan ang iyong mga anak hangga’t hindi pa sila mas matanda sa 2 taong gulang. Imbis na kendi, o matatamis na inumin, puwede mo silang bigyan ng fruit juice, o fresh fruit.

4. Honey

bawal na pagkain sa baby - honey

Larawan mula sa Freepik

Nakakalusog man ang pagkain ng honey, mas maganda kung iwasan mo munang ibigay ito sa iyong sanggol kapag below 1 year old.

Maaaring naglalaman ito ng bacteria spores galing sa Clostridium botulinum, na maaaring manatili sa tiyan ng iyong anak at maging sanhi ng infant botulism na isang nakamamatay na sakit.

Pagdating sa pagkain ng honey, mas mabuti na maghintay hanggang ang iyong anak ay mas matanda sa isang taong gulang. Ito ay upang matiyak na ang kanilang immune system at ang kanilang tiyan ay kakayanin na ang iba’t ibang uri ng bacterial infections.

5. Gatas ng baka

Ayon sa American Academy of Pediatrics, sa unang taon ng mga sanggol, ang mga uri ng gatas na dapat nilang iniinom ay breastmilk at baby formula lamang. Ang rason kung bakit ang gatas ng baka ay hindi dapat ibigay sa isang sanggol ay dahil ito ay kulang sa sustansiya na kailangan ng katawan ng isang lumalaking sanggol.

Para sa mga mas matandang bata,  mas makakabuti na bigyan sila ng whole milk imbis na reduced fat milk dahil kailangan ng mga katawan nila ng maraming sustansya habang nalaki.

6. Mga pagkain na maaaring maging Choking Hazard

Isa sa mga bawal na pagkain sa baby ay kahit anong uri ng pagkain na maaaring mabulunan ng mga bata. Kabilang dito ang:

  • mga maliliit na kendi
  • popcorn
  • chewing gum
  • tiny slices of raw veggies
  • hard candies
  • sticky peanut butter

Dapat mo ring iwasan na bigyan ang iyong mga anak ng pagkain na mas maliit sa half an inch. Kapag maliit ang pagkain maaaring lunukin nila at at maging sanhi ng pag-choke.

bawal na pagkain sa baby

Larawan mula sa Freepik

Karagdagang ulat: Paalala sa pagpapakain kay baby

Ang unang taon ni baby ay napakahalaga—dito nagsisimula ang kanyang foundation para sa isang malusog na kalusugan. Kaya bukod sa pag-iwas sa mga bawal na pagkain, may ilang importanteng paalala rin para sa mga magulang:

1. Huwag biglain ang solid food

Ayon sa World Health Organization (WHO), exclusive breastfeeding o formula feeding lang ang dapat ibinibigay kay baby sa unang 6 na buwan. Kapag mag-i-introduce na ng solid food, gawin ito nang dahan-dahan at isang pagkain lang kada linggo para makita kung may allergic reaction.

2. Alamin ang hunger at fullness cues ni baby

Iwasang pilitin si baby na kumain kung busog na siya. Makikita ito sa mga senyales tulad ng pagtalikod ng ulo, pagsasara ng bibig, o pagtulak sa kutsara. Mahalaga na matutunan ni baby na makinig sa sarili niyang katawan.

bawal na pagkain sa baby

Larawan mula sa Freepik

3. Limitahan ang fruit juice

Oo, mas healthy ito kaysa soda, pero kapag nasobrahan, nagiging cause din ito ng diarrhea at tooth decay. Iwasan din ang paghalo ng asukal sa juice. Mas okay pa ring bigyan si baby ng fresh fruit slices kaysa juice.

4. Bawal ang “timplang panlasa ng matanda”

Maaaring masarap sa atin ang maanghang, maalat, o ma-oily na pagkain. Pero kay baby, dapat mild at natural lang. Less is best pagdating sa seasoning!

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
The Red Ribbon Classic White Bread is the newest household favorite that families will enjoy
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!

5. Gumamit ng baby-friendly utensils

Magsimula sa maliliit na kutsara at plato para hindi matakot si baby sa pagkain. Mas safe din ito at hindi nakakasugat sa gilagid nila, lalo na kung nagsisimula pa lang mag-solid.

Importante na laging bantayan ang iyong anak, lalo na kapag sila ay nakain, para tiyak na maiwasan ang choking incidents.

 

Inedit at isinalin mula sa orihinal na Ingles ni Nikki Camarce.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • 6 na pagkain na hindi dapat ibigay sa baby, ayon sa mga eksperto
Share:
  • Good News, Parents: Mega Sardines Is Now a Certified Superfood!

    Good News, Parents: Mega Sardines Is Now a Certified Superfood!

  • STUDY: Pagkain ng Isda May Epekto sa Ugali ng Bata?

    STUDY: Pagkain ng Isda May Epekto sa Ugali ng Bata?

  • Ayaw dumede ni baby? 5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

    Ayaw dumede ni baby? 5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

  • Good News, Parents: Mega Sardines Is Now a Certified Superfood!

    Good News, Parents: Mega Sardines Is Now a Certified Superfood!

  • STUDY: Pagkain ng Isda May Epekto sa Ugali ng Bata?

    STUDY: Pagkain ng Isda May Epekto sa Ugali ng Bata?

  • Ayaw dumede ni baby? 5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

    Ayaw dumede ni baby? 5 dahilan kung bakit ayaw dumede ni baby

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko