TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study

4 min read
May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study

Kung buntis ka ngayon mommy, mas mabuting umiwas ka na munang ma-stress lalo na kung ayaw mong ma-CS!

Epekto ng anxiety at depression sa buntis maaring maging dahilan para manganak ng CS!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Epekto ng anxiety at depression sa buntis.
  • Paano maiiwasang ma-CS sa panganganak.

Epekto ng anxiety at depression sa buntis

epekto ng anxiety at depression sa buntis

Image by lisa runnels from Pixabay 

Ang depression at anxiety na nararanasan ng isang buntis ay maraming maaaring maging negatibong epekto. Ito ay hindi lang sa kaniyang sarili kung hindi pati na rin sa dinadala niyang sanggol.

Ilan nga sinasabing epekto ng anxiety at depression sa buntis ay ang pagpapabaya niya sa kaniyang sarili. O kaya naman ay ang paggawa ng mga bagay o bisyo na maaring makasama sa kaniyang pagdadalang-tao.

Kung ang buntis ay depress ay tumataas din ang tiyansa na maipanganak niya ang kaniyang sanggol na premature. O kaya naman ay may mababang timbang at nagtataglay ng learning, behavior at development problems o mental health condition sa kaniyang paglaki.

Mas mataas ang tiyansa ng ma-CS ang buntis na depress

Ayon sa isang bagong pag-aaral, may isa pang epekto ang anxiety at depression sa buntis na maaari sanang maiwasan. Ito ay ang panganganak ng CS na napatunayan ng mga researcher mula sa University of Michigan na mas tumataas ang tiyansang maranasan ng depressed at anxious na buntis.

Ito ay natuklasan ng mga researcher ng ginawang pag-aaral, matapos i-analyze ang data ng 360,225 na panganganak. Ang mga babaeng kabilang sa pag-aaral ay may edad na 15-44 anyos.

Doon nga natuklasan ng mga researcher na 3.5% higher ang tiyansa ng mga depressed na buntis na manganganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery. Ito ay kahit low risk naman ang kanilang pagdadalang-tao.

Pahayag ng mga researcher ng ginawang pag-aaral, ang findings ng kanilang pag-aaral ay sadyang napakahalaga. Lalo pa’t ang panganganak ng CS ay maraming kaakibat na peligro at side effects sa ina at kaniyang sanggol.

Kaya naman ang layunin nila ay ang mabigyan pansin at matulungan ang mga buntis na maiwasang ma-depress at makaranas ng anxiety. O ang mabigyan sila ng agarang lunas para hindi na ito makaapekto sa kanilang pagdadalang-tao.

“Our findings reinforce the importance of better identifying and treating perinatal depression and anxiety disorders in pregnant women.”

Ito ang pahayag ni Dr. Vanessa Dalton isang OB-Gyne mula sa University of Michigan Health Von Voigtlander Women’s Hospital at senior author ng ginawang pag-aaral.

BASAHIN:

#AskDok: Is it safe to take a bath immediately after giving birth?

10 na pagkain na dapat kinakain ng buntis para healthy si baby

REAL STORIES: “CS dapat siya pero ipinilit pa rin na ipag-normal delivery”

Paano malulunasan ang depresyon ng buntis

epekto ng anxiety at depression sa buntis

Image by Cindy Parks from Pixabay 

Sa ngayon, may mga treatment option naman na maaaring magawa para malunasan ang depression na nararanasan ng isang buntis. Tulad ng pagsailalim niya sa individual therapy o pag-inom ng mga gamot o medications na safe para sa kaniyang sanggol.

Pero pagdating sa paglaban sa depresyon ay napakahalaga kung makakakuha ang buntis ng social support. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng mga community services o parenting education na mag-i-enforce sa kaniya ng kaalaman.

Mahalaga rin ang family therapy o ang pagpaparamdam sa buntis na may kaagapay siya sa makahulugan at mahirap na parte na ito ng kaniyang buhay.

Paano maiiwasang ma-CS ang buntis?

Samantala, ayon naman sa OB-Gynecologist na si Dr. Katrina Tan ng Makati Medical Center, maliban sa pag-iwas na ma-depress ang buntis ay mahalaga na maiwasan niya ring masyadong palakihin ang kaniyang sanggol upang hindi ma-CS sa panganganak. Dahil ito ang pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang ma-CS ang isang buntis.

“When I look at all the possible indications ng cesarean section, I think ‘yong large baby lang ang puwede nating maiwasan.

If you know from the very beginning that you are diabetic and your doctor places you on a diabetic diet to prevent ‘yong big baby, I think that’s something that you can do to prevent a cesarean section.”

Ito ang pahayag ni Dr. Tan.

Bagama’t, pahabol niya may mga pagkakataon o kaso talaga na kailangang ma-CS ang buntis. Lalo na kung nakakaranas ng komplikasyon sa pagdadalang-tao ang buntis na maaring maglagay sa peligro sa buhay niya at kaniyang sanggol.

Pero sa kabuuan, para magkaroon ng malusog na pagbubuntis ay dapat maging malusog rin ang pangangatawan ng buntis. Ito ay magagawa niya sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain, pagtulog ng sapat sa oras at pag-iehersisyo.

Makakatulong din kung papalibutan niya ang kaniyang sarili ng mga taong may positibong pananaw sa buhay at magbibigay sa kaniya ng masaya at stress-free na pagdadalang-tao.

epekto ng anxiety at depression sa buntis

People photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Source:

March of Dimes, Science Daily

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko