Mahalaga ang pagkain ng masustansyang pagkain para sa buntis. Maaaring madalas mo itong naririnig ngunit ito talaga ang totoo.
Mababasa sa artikulong ito:
- 10 na masustansyang pagkain para sa buntis
- Kahalagahan ng masustansyang pagkain sa kalusugan ni baby
- Epekto ng masustansyang pagkain sa health ni baby
Ang mga masustansyang pagkain na kinakain mo ay makaka apekto hindi lamang sa iyong kalusugan kundi pati na rin sa kalusugan ni baby.
10 na masustansyang pagkain para sa buntis
Sa iyong pagbubuntis, hindi lahat ng pagkain ay mabuti sayo kaya’t narito ang mga masustansyang pagkain para sa buntis.
1. Itlog
Ang itlog ay isa sa mga ultimate health food dahil nagtataglay ito ng nutrients na kailangan ng ating katawan sa araw-araw. Ang isang malaking itlog ay nagtataglay ng 80 calories, mataas na lebel ng protein, fat at minerals.
Ito rin ay isang pangunahing source ng choline, ang choline ay isa sa mga nutrients na kailangan ng isang buntis. Mahalaga ang choline sa brain development ni baby at nakakatulong ito upang maiwasan ang iba pang komplikasyon sa kaniyang utak at spine.
Ayon sa mga eksperto, ang mga buntis ay kailangang magkaroon ng 450 mg intake ng choline araw araw. Ang isang itlog ay nagtataglay ng mahigit kumulang na 147 milligrams ng choline.
2. Avocado
Ang avocado ay nagtataglay ng mataas na lebel ng fiber, B vitamins, vitamin K, potassium,copper, vitamin E at vitamin C. Dahil sa maraming vitamins na taglay ng prutas na ito, angkop ang pagkain ng avocado para sa buntis.
Ang mga healthy fats na naidudulot ng prutas na ito ay nakakatulong sa pagbuo ng utak, tissues at pagkinis ng balat ni baby.
Nagtataglay rin ito ng folate na nakakatulong upang maiwasan ang neural tube defects pati na rin ang komplikasyon sa development ng spine at utak ni baby tulad ng spina bifida.
Samantala, ang potassium ay nakakatulong upang maiwasan ang pamamanhid ng iyong mga hita na isa sa mga sintomas habang ikaw ay buntis. Alam mo ba na mas maraming potassium ang taglay ng avocado kaysa sa saging? Kaya’t subukan ang pagkain ng prutas na ito habang buntis.
Maaari mo itong ihalo sa iyong salad, gawing smoothie upang mainom o ipalaman sa tinapay. Pwede rin itong magsilbing replacement ng mayonnaise at sour cream.
3. Patatas
Hindi lamang masarap sa panlasa, maaari mo rin itong iluto sa maraming paraan ang patatas. Ang patatas ay nagtataglay ng beta carotene, ito’y isang plant compound at pangunahing source ng vitamin A, na mahalaga sa development ni baby.
Nagtataglay rin ang patatas ng fiber na siyang nakakatulong sa pagbaba ng blood sugar. Nakakatulong din ito sa digestive health na siyang kailangan ng mga buntis dahil nakakaranas sila ng constipation bilang isa sa mga sintomas.
4. Mga pagkaing gawa sa gatas
Habang ikaw ay buntis, mahalaga sa iyo ang pagkain ng mga pagkain na sagana sa protein at calcium upang maibigay ang mga nutrients na kailangan ni baby.
Ang mga dairy products tulad ng gatas, cheese at yogurt ay nagtataglay ng dalawang klase ng high-quality protein: casein at whey. Ito ay pangunahing source ng calcium, phosphorus, B vitamins, magnesium at zinc.
Ang yogurt naman, lalong lalo na ang greek yogurt, ay nagtataglay ng mataas na lebel ng calcium kumpara sa ibang dairy products. Mag taglay rin itong probiotic bacteria na sumusuporta sa digestive health.
Kung ikaw ay lactose tolerant, maaari kang kumain ng yogurt. Sumangguni sa iyong doktor bago subukan ang pagkain nito araw araw.
5. Legumes
Kabilang sa grupo ng legumes ang lentils, peas, beans, chickpeas, soybeans, at peanuts.
Ang legumes ay plant based at pangunahing source ng fiber, protein, iron, folate at calcium. Nakaaktulong ang mga vitamins na ito sa iyong pagbubuntis.
Ang folate ay isa sa mga mahalagang uri ng B vitamins (B9). Ito ay importante sa iyong baby lalong lalo na sa mga unang trimester.
Ang iyong katawan ay nangangailangan ng 600 micrograms ng folate araw araw na siyang imposibleng makuha kung sa pagkain lamang. Ngunit ang pagkain ng legumes ay makakatulong sayo kasabay ng supplements na irerekumenda sa iyong ng iyong doktor.
Ang legumes ay nagtataglay rin ng fiber. Ang ibang klase ng legumes ay mataas sa iron, magnesium, at potassium.
BASAHIN:
9 na prutas na dapat kainin ng mga pregnant mommies
Pagkain para sa buntis upang maging maganda o guwapo si baby
#Askdok: 5 pagkain na bawal sa buntis
6. Salmon
Isa ang salmon sa sagana sa omega-3 fatty acids na nagtataglay ng maraming benepisyo para sa katawan. Ang mga benepisyo na ito ay matatagpuan sa seafoods na siyang nakakatulong sa development ng utak at sa mga mata ni baby.
Nakakapag pataas ng gestational length.Ngunit limitahan lamang ang pagkain nito dahil ang sobrang pagkain ng seafood ay nakakasama sa kalusugan dahil sa taglay nitong mercury at iba pang contaminants.
7. Kamote
Ang kamote ay mayaman sa beta-carotene, isang uri ng plant-based pigment na nagiging vitamin A kapag naiproseso sa loob ng katawan.
Mahalaga ang vitamin A sa paglaki ng sanggol sa iyong sinapupunan, lalo na sa paglaki ng kanyang cells at tissues. Kaya naman, pinapayuhan ang mga babaeng buntis na dagdagan ng 10 hanggang 40% ang kanilang kinakaing vitamin A bawat araw.
Ngunit, kailangan eing iwasan ang labis na pagkain ng animal-based na vitamin A upang maiwasan ang toxicity. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang beta-carotene bilang mapagkukunan ng vitamin A para sa mga babaeng buntis.
Ang kamote ay mayaman sa beta-carotene. 3.5 hanggang 5.3oz o 100 hanggang 150gm lamang ng lutong kamote ay mabubuo na ang Reference Daily Intake ng beta-carotene.
Dagdag pa rito, ang kamote sa buntis ay pagkain na mayaman din sa fiber, na siyang nakatutulong upang makaramdam ng kabusugan at mabawasan ang pagtaas ng blood sugar.
8. Karne
Ang karne ng baka, baboy at manok ay pangunahing source ng protein. Dagdag pa, ang karneng baka at baboy ay mayayaman din sa iron, choline at iba pang bitamina sa B-complex, na siyang mga sustansyang kinakailangang dagdagan sa panahon ng pagbubuntis.
Ang iron ay isang mahalagang mineral na ginagamit ng red blood cells at bahagi ng hemoglobin. Ito ay tumutulong sa pagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang mga babaeng buntis ay nangangailangan ng mas maraming iron dahil sa pagdami ng kanilang dugo. Ito ay mahalaga lalo na sa ikatlong trimester.
Ang kakulangan sa iron sa una at gitnang bahagi ng pagbubuntis ay maaaring maging sanhi ng iron deficiency anemia. Ito ay nagdadagdag sa banta ng panganganak ng kulang sa buwan, o ng pagiging kulang sa timbang ng sanggol.
Mahirap nga lang punan ang pangangailangan sa iron ng katawan sa pamamagitan ng pagkain lamang, lalo na’t ang ibang buntis ay nagkakaroon ng hindi pagkagusto sa karne.
Ang karne ay masustansyang pagkain para sa buntis, Pero sa mga nakakakain ng pulang karne, ito ay nakatutulong upang mapunan ang kinakailangang iron ng katawan.
Ang pagkonsumo rin ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C, kagaya ng orange at siling atsal, ay maaari ring makatulong upang mas madaling makakuha ang katawan ng iron.
9. Fish oil
Ang fish liver oil ay ginagawa mula sa mamantikang atay ng mga isda kagaya ng sa bakalaw. Napakayaman nito sa Omega-3 Fatty Acid na EPA at DHA, na parehong mahahalaga para sa pagbuo ng utak at mata ng sanggol sa sinapupunan.
Ito rin ay mayaman sa vitamin D, na isang sustansyang hindi nakukuha nang sapat nang karamihan. Kaya naman, ang fish liver oil ay nakatutulong para sa mga taong hindi gaanong kumakain ng pagkaing-dagat, o hindi umiinom ng supplement na may vitamin D.
Ang kakulangan sa vitamin D ay nagiging sanhi ng preeclampsia. Isa itong mapanganib na komplikasyon, kung saan ang mga sintomas ay pagtaas ng presyon ng dugo, pamamaga ng mga kamay at paa, at pagkakaroon ng protein sa ihi.
Ang pagkonsumo ng liver oil ng bakalaw sa unang bahagi ng pagbubuntis ay nakatutulong upang magkaroon ng sapat na timbang ang sanggol pagkapanganak, maging sa pag-iwas nnito sa mga sakit habang lumalaki.
Isang kutsara lamang ng fish liver oil sa isang araw ay may sapat nang dami ng Omega-3, bitamina D at bitamina A. Gayunpaman, hindi rin mabuting kumonsumo ng higit sa isang kutsarang fish liver oil sa isang araw. Sapagkat nakasasama para sa sanggol sa iyong sinapupunan ang labis na vitamin A.
Nagdudulot din ng pagnipis ng dugo ang labis na Omega-3.
10. Whole grain
Ang pagkain ng mga whole grain ay nakatutulong upang mapunan ng isang babaeng buntis ang kaniyang kinakailangang dagdag na calorie, lalo na sa ikalawa at ikatlong trimester.
Kumpleto pa sa fiber ang mga whole grains. Gayundin sa mga vitamins at iba pang plant compounds. Ang mga oat at quinoa ay nagtataglay rin ng protina na mahalaga para sa pagbubuntis. Ito ay isang pagkain para sa
Mayaman din ito sa mga vitamin B, fiber at magnesium. Ito ay kadalasang nagkukulang mula sa pangaraw-araw na pagkain ng isang buntis.
Ang mga kinakain mo sa panahon ng pagbubuntis ay direktang nakakaapekto sa iyong lakas at kalusugan. Ito rin ay nakakaapekto sa kalusugan at pagkabuo ng sanggol sa iyong sinapupunan.
Dahil nadaragdagan ang iyong pangangailangan ng calorie at iba pang sustansya, mahalagang piliing kainin ang mga pagkaing puno ng sustansya.
Ang pagtaas ng timbang habang nagbubuntis ay normal, pero kailangang tumaas ang iyong timbang sa tamang paraan. Ito ay nakatutulong sa kalusugan mo at ng iyong sanggol pagkatapos ng pagbubuntis.
Ang talang ito ay malaki ang maitutulong upang makapagsimula ng isang malusog na pagbubuntis.
Source:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!