X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

#AskDok: Can drinking Paracetamol and Coke prevent pregnancy?

7 min read
#AskDok: Can drinking Paracetamol and Coke prevent pregnancy?#AskDok: Can drinking Paracetamol and Coke prevent pregnancy?

Ano nga ba ang sinasabi ng mga eksperto at inilalahad ng mga pag-aaral hinggil sa paniniwalang paracetamol and coke can prevent pregnancy? Halina at alamin.

Ayon sa mga pinagpasa-pasahang sabi-sabi o haka-haka, sapagkat walang mga sapat na patunay sa katiyakan nito, ang Paracetamol and Coke can prevent pregnancy raw.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paracetamol and coke can prevent pregnancy, totoo o hindi?
  • Paracetamol and coke side effects
  • Mga subok nang pamamaraan ng reproductive planning

Sa kabila ng mga taliwas na paliwanag dito ng mga alagad ng siyensiya, magpahanggang ngayon ay patuloy na naipapasa ang paniniwalang ito sa bagong henerasyon.

Paracetamol and coke can prevent pregnancy, totoo o hindi?

Mabisa ba ang biogesic at coke na pampalaglag? Ayon sa eksperto, “Urban legend” lamang umano ang paniniwalang paracetamol and coke can prevent pregnancy. Ito ang turing ng mga eksperto mula sa iba’t ibang larangan ng medisina, agham, negosyo, at marketing.

Dito sa atin sa Pilipinas, isa sa mga pinaka-accessible na gamot ang Paracetamol, branded man o generic. At ang sabi-sabing nakapagpapadugo ito, o kaya’y nakapipigil sa pagbubuntis ng isang babae, kung iinumin matapos ang pakikipagtalik, ay patuloy na naipapasa at pinaniniwalaan ng iba.

paracetamol-and-coke-can-prevent-pregnancy

Paracetamol and coke side effects | Image from Freepik

Ayon kay Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, na may specialization sa Obstetrics and Gynecology, ang paracetamol ay isang uri ng gamot na painkiller at maaaring ituring na safe for intake ng mga babaeng nagdadalang-tao. Ito ay basta hindi magkakaroon ng insidente ng pagka-overdose.

Ngunit kung ang layon ng pag-inom ay pangontra sa pagbubuntis, aniya, ay walang anumang ebidensiya ng pag-aaral o napatunayang kaso na makapagsasabing totoo ito. Dagdag pa niya, hindi basta-bastang nakapagpapalaglag ng baby sa sinapupunan ang mga gamot, liban na lamang kung may specified content ang mga ito na makapagdudulot ng labis-labis na pagpapadugo sa isang tao.

“Too much of non-steroidal anti-inflammatory drugs or NSAIDs na gamot, iyong mga ‘yon, masama ‘yon sa pregnancy. Puwede ‘yung mag-cause ng abortion. So, if too much of that… sa first trimester.”

Samantala, gaya ng hinihinalang Paracetamol can prevent pregnancy, ganito rin ang puna ng mga eksperto sa pag-inom ng Coke.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng isang grupo ng mga researcher at doktor sa Harvard Medical School, pinabulaanan nila ang paniniwalang nakapapatay ng sperm cells ang labis na pag-inom ng Coke matapos ang pagtatalik ng isang magkapareha. Anila, walang “sperm-killing ability” ang Coke kaya naman hindi ito maaaring gamitin bilang “contraceptive douche.”

Batay naman sa pahayag ng The Coca-Cola Company, hindi sila kailanman naglabas ng anumang branding o advertisement ng alinman sa kanilang mga produkto na naglalayong mag-promote bilang contraceptive, panggamot, o anumang katulad na gamit.

Nang tanungin hinggil sa patuloy na pagsasagawa ng Harvard Medical School ng mga pag-aaral, “our position is we do not promote any of our products for any medical use” ang pahayag ng mismong kinatawan ng kompanya.

paracetamol-and-coke-can-prevent-pregnancy

Paracetamol and coke side effects | Image from Freepik

Paracetamol and coke side effects

Ipinaaalala ni Dr. Esquivias-Chua na bagaman, ligtas ang pag-inom ng paracetamol para sa full trimester ng pregnancy, mahalagang bantayan at tiyaking hindi mao-overdose ang pasyente, lalo na ang buntis.

“Pero oo, for a short period of time, puwede namang mag-take for every four hours ang pregnant patient ng paracetamol. This is safe,” pahayag ng doktor.

Napakaraming masamang dulot ang pagdaloy ng sobra-sobrang paracetamol sa loob ng katawan ng isang tao. Taliwas pa sa paniniwalang nakapipigil ito ng pagbubuntis ng mga babae, ilan sa mga mapanganib nitong epekto ang sumusunod sa ibaba.

  • pagkasira ng atay
  • paghina ng bato
  • matinding pagkalito at panghihina
  • labis na pagpapawis

Gayundin, isang paalala ang kaniyang ibinahagi para sa mga buntis na umiinom ng Coke. Para kay dok, walang kaso ang pag-inom ng Coke dahil hindi ito nakaaapekto sa abnormality ng baby ngunit sa pangkabuoan ay hindi ito healthy.

“Hindi kasi healthy ang soda sa buntis. Kasi masyado itong matamis, puwedeng mag-cause ng gestational diabetes sa pregnant. Pag pina-check naming at tumaas ang blood sugar ng pregnant, maggagamot pa siya, mag-insulin pa. So, ang daming puwedeng maging problema pag merong gestational diabetes ang mother which can be caused by taking too much Coke.”

Sa madaling sabi, bukod sa wala na ngang katotohanan ang paniniwalang Paracetamol and Coke can prevent pregnancy ay nakasasama pa ang maling pagsubok gawin ito sa kalusugan at pangangatawan ng isang babae.

BASAHIN:

Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

#AskDok: Nakakapagpalaglag ba ng baby ang painkiller?

#AskDok: Totoo ba na malalaglag ang baby kapag uminom ng cortal at coke?

paracetamol-and-coke-can-prevent-pregnancy

Paracetamol and coke can prevent pregnancy? | Image from Freepik

Mga subok nang pamamaraan ng reproductive planning

Takot ka bang magbuntis? O kinakabahan, at maaaring hindi pa handa? ‘Wag agad maniwala sa mga sabi-sabi na ang biogesic at coke ay mabisang pampalaglag. Pakiusap, ‘wag na ‘wag itong gagawin.

Sa ganitong pagkakataon, ang pag-iwas sa pakikipagtalik lamang ang maaaring ituring na pinakatiyak at pinakamabisang paraan upang hindi magbuntis.

Ngunit paano kung aktibo sa pakikipagtalik ang isang babae sa kaniyang partner? May iba’t ibang pamamaraang maaaring gamitin upang mapigilan o makaiwas sa pagbubuntis ang isang babae. Ang sumusunod ay mga natural na pamamaraang maaaring gawing gabay ng magkapareha:

Partner Stories
#SalamatSaAlaga: Lactum 3+ pays tribute to a mother’s love and sacrifice during difficult times
#SalamatSaAlaga: Lactum 3+ pays tribute to a mother’s love and sacrifice during difficult times
Become a PayMaya Verified Seller now and let your customers know you're legit!
Become a PayMaya Verified Seller now and let your customers know you're legit!
Kotex supports women amidst COVID-19 with 200,000 sanitary product donations
Kotex supports women amidst COVID-19 with 200,000 sanitary product donations
Here’s a toddler play idea to last you beyond quarantine restrictions
Here’s a toddler play idea to last you beyond quarantine restrictions
  • Pagpaplano ng fertility ng isang babae gamit ang Standard Days Method (SDM)
  • Lactational Amenorrhea Method (LAM)
  • Basal Body Temperature (BBT)
  • Billing Ovulation/Cervical Mucus Method
  • Sympto-Thermal Method

Mga family planning method na available sa Pilipinas

Narito ang paunang ulat ni Irish Manlapaz patungkol sa family planning, maaari niyong subukan na family planning na available sa ating bansa, upang makaiwas sa hindi inaasahang pagbubuntis. Ito ay ang mga sumusunod:

Condom

  • Ang tamang paggamit ng condom ay tinatayang 98% effective para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Ang maling paggamit nito ang kadalasang nagiging dahilan upang bumaba ang effectivity nito. Maliban sa pagbibigay proteksyon sa hindi inaasahang pagbubuntis ito din ay ang pikamagandang proteksyon para makaiwas sa mga sexually transmitted disease o STD.

Birth control pills

  • Ang birth control pills ay 99% effective kung tama ang paggamit at pare-parehong oras ang pag-inom. Isa ito sa pinakamabisang paraan ng family planning at ang ginagamit ng karamihang kababaihan. Ngunit hindi katulad ng condom, ito ay hindi nagbibigay proteksyon sa STD at nagdudulot ng mga positive at negative side effects ayon sa mga pag-aaral.

IUD o Intra-uterine device

  • Samantala ang isa sa uri ng birth control na may 99% at pinakamatagal na effectivity sa isang babae ay ang IUD. Ito ay isang maliit ng T-shaped metal na nilalagay sa uterus ng isang babae. Ito ay nilalagay upang hindi makapasok ang sperm sa loob ng vagina ng babae at maabot ang mga egg cells. Iniiwasan din nito na makabuo ang uterus ng lining na pagdidikitan ng isang fertilized egg.

Implant

  • Ang implant ay isang maliit na tube na nilalagay sa braso ng isang babae. Ito ay nagrerelease ng etonogestrel isang uri ng progesterone na nakakatulong para makaiwas sa pagbubuntis. Ang isang implant ay maaring tumagal ang effectivity ng hanggang tatlong-taon na maaring mag-dugo kung hindi maiingatan.

Injectable

  • Isa pang uri ng birth control method na ginagamit sa Pilipinas ay ang injectable o Depo-Provera. Ang injectable ay nagtataglay ng progestin na itinuturok sa braso ng isang babae isang beses kada tatlong buwan. Ito ay 93% effective na mayroong nakatalang side effects tulad ng weight gain, irregular period at pagkahilo.

Sources:

Los Angeles Times, Independent, Beforeplay.org, Department of Health-Philippines, KalusuganPH

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ana Isabel Manalang

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Can drinking Paracetamol and Coke prevent pregnancy?
Share:
  • #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

    #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

  • Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

    Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

app info
get app banner
  • #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

    #AskDok: Totoo bang malalaglag si baby pag uminom ng cortal at coke?

  • Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

    Pag-inom ng paracetamol, dapat bang iwasan ng mga nagbubuntis?

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.