Sex at coronavirus, naiihawa ba ang sakit sa pakikipagtalik?
Pahayag ng mga eksperto tungkol sa sex at coronavirus
Sa mabilis na pagkalat ng virus, malamang isa ito sa katanungan mo. Pero ayon sa mga eksperto ang coronavirus ay hindi sexually transmitted disease. Samakatuwid ito ay hindi naihahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Maliban nalang kung infected nito ang partner mo at siya ay umubo o umatsing habang nagtatalik kayo.
“COVID-19 is not a sexually transmitted disease. However, the virus being present in the respiratory secretions and being able to be transmitted by direct contact of person to person, sexual intercourse is favorable to a transmission of the virus, if one of the partners is infected.”
Ang pahayag na ito ay nailathala sa website ng Ministry of Health ng Luxembourg.
Hindi ito naihahawa sa pamamagitan ng sexual transmission
Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Dr. Jessica Justman na isang professor at attending physician sa Division of Infectious Diseases ng Columbia University Irving Medical Center.
Ayon sa kaniya ay wala pa silang nakikitang patterns na nakakapagsabi na maaring maihawa ang sakit sa pamamagitan ng sexual transmission. Sa ngayon ang napatunayan lang nila ay maari itong maihawa sa pamamagitan ng respiratory droplets. At paghawak sa mga contaminated surfaces na kinapitan ng droplets na galing sa ubo o atsing ng taong infected nito.
“We’re not seeing patterns that indicate sexual transmission. It’s primarily spread through respiratory droplets. And touching contaminated surfaces is thought to be the secondary mode of transmission.”
Ito ang pahayag ni Dr. Justman.
Ngunit may mga practice sa pakikipagtalik na maaring maging paraan para maihawa ang sakit.
Habang ayon naman kay Dr Carlos Rodríguez-Díaz, isang professor sa George Washington University’s Milken Institute School of Public Health, ay may mga practice sa pakikipagtalik na maaring maging dahilan ng pagkakahawa sa virus. Ito ay ang pakikipaghalikan at ang analingus o ang oral-to-anal contact. Dahil napatunayang ang coronavirus ay maaring maihawa sa pamamagitan ng oral-fecal transmission o sa pamamagitan ng dumi ng taong infected nito. Ang sumusunod ang pahayag ni Dr. Diaz.
“There is no evidence that the Covid-19 can be transmitted via either vaginal or anal intercourse. However, kissing is a very common practice during sexual intercourse, and the virus can be transmitted via saliva. Therefore, the virus can be transmitted by kissing. There is also evidence of oral-fecal transmission of the Covid-19 and that implies that analingus may represent a risk for infection.”
OK lang ba ang makipag-sex sa gitna ng coronavirus outbreak?
Kaya naman bagamat hindi naihahawa ang coronavirus sa pakikipagtalik ay ipinapayo ng mga eksperto na mabuting iwasan nalang muna ito lalo na kung nagpapakita ng sintomas ng sakit ang partner mo. At ugaliing i-praktis ang safe sex sa lahat ng oras, hindi lang upang makaiwas sa sexually transmitted disease. Kung hindi upang maiwasan rin ang accidental pregnancies.
“While there isn’t any evidence that bodily fluids like sperm and vaginal secretion can pass on coronavirus, it’s always a good idea to practice safe sex and use a condom, to help protect from sexually transmitted infections as well as accidental pregnancy.”
Ito naman ang pahayag ni Dr. Simran Deo isang general practitioner at dermatologist mula sa University of London.
Maaring i-enjoy ang sex at coronavirus ng mag-partner na healthy.
Habang ayon naman sa celebrity doctor na si Dr. Mehmet Oz, ang sex at coronavirus ay maari namang mai-enjoy ng isang mag-partner. Ito ay kapag pareho silang positibo sa virus at kailangang parehong sumailalim sa quarantine. Ngunit sila ay dapat parehong healthy o kaya ng katawan nilang labanan ang virus ng hindi nagpapa-confine sa ospital. Dahil imbis umano na ma-depress sila kakaisip sa kanilang sakit ay puwede nilang pagaanin ang sitwasyon ng magkasama sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
“The best solution if you’re holed up with your significant other is having sex. You’ll live longer, get rid of the tension. Certainly, get some stories. Maybe you’ll make some babies. It’s certainly better than staring at each other and getting on each other’s nerves,” pahayag ni Dr. Oz.
Gumamit ng ibang sexual expression para maging ligtas sa virus.
Ayon naman sa sex psychologist na si Dr Justin Lehmiller ay kailangang mag-isip ng alternative forms of sexual expression ang isang mag-partner kung mayroong isa sa kanila ang nagpapakita ng sintomas. Tulad ng sexting, cybersex at sex on phone.
“Sexting, cybersex, and phone sex are all ways of sexually engaging with a partner without posing any risk of infection from coronavirus (and STDs, too, obviously).”
Ito ang pahayag ni Dr. Lehmiller sa kung paano makakaiwas sa coronavirus habang nanatiling sexually engaged sa partner mong infected ng sakit.
Source: Daily News, Straight, The Guardian, Mirror
BASAHIN: “Matatanda lang ang apektado” at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!