Tuwing halalan, hindi lang tayo bumoboto para sa sarili natin, kundi para sa pag-asa para sa sa kapakanan ng ating pamilya. Sa gitna ng mataas na bilihin, kakulangan sa serbisyong medikal, at mga hamon ng pagiging magulang, ang tanong ng maraming Pilipino ay: Kakampi ba ng bawat pamilya ang mga Senador?
Ngayong 2025, may 12 na bagong pag-asa ang uupo sa Senado. Pero ang tanong ng maraming magulang ay ito ay sino sa kanila ang may konkretong nagawa o isinusulong para sa mga nanay, tatay, anak at pati na rin kay lolo’t lola.
Tara, kilalanin natin ang mga bagong halal na senador na may tunay na malasakit sa bawat tahanan.
12 Bagong Halal na Senador
12 Bagong Halal na Senador at Mga Panukala Para sa Pamilya | Image from Inyong Maaasahan FB
Narito ang ilang batas at panukalang direktang sumasagot sa mga isyung mahalaga sa pamilya mula sa kalusugan at edukasyon hanggang sa kabuhayan at karapatan.
|
Senador |
Batas/House Bill/Advocacy |
Benepisyo para sa Pamilyang Pilipino |
Senator Bong Go |
RA 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act |
Monthly subsidy, scholarships, at priority services para sa solo parents. |
Senator Bato dela Rosa |
RA 11463 – Malasakit Centers Act |
Isang tanggapan para sa medical financial assistance. |
Senator Erwin Tulfo |
Social Welfare and Family Protection |
Panukala para sa ahensya para sa OFW families at ayusin ang child custody system. |
Senator Rodante Marcoleta |
HB 8400 – Trabaho Para sa Pilipino Act |
Layuning gawing accessible ang employment sa lahat ng Pilipino households. |
Senator Bam Aquino |
RA 10931 – Free College Law |
Libreng tuition sa SUCs, LUCs, at TESDA schools. |
Senator Kiko Pangilinan |
RA 11321 – Sagip Saka Act |
Suporta sa magsasaka at mangingisda para sa mas matatag na food security.
|
Senator Pia Cayetano |
RA 10028 – Expanded Breastfeeding Promotion Act |
Lactation rooms at breastfeeding support sa workplaces. |
Senator Camille Villar |
HB 9810 – Women’s Business Enterprise Act |
Access to funding at training para sa mompreneurs. |
Senator Ping Lacson |
RA 11509 – Doktor Para sa Bayan Act |
Libreng medical education kapalit ng serbisyo sa underserved communities. |
Senator Tito Sotto |
RA 11037 – Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act |
Libreng meals sa public daycare at elementary schools. |
Senator Lito Lapid |
RA 10157 – Kindergarten Education Act |
Ginawang bahagi ng basic education ang kinder. |
Senator Imee Marcos |
RA 11982 – Expanded Centenarians Act |
Cash gifts para sa seniors aged 80-100 bilang pagkilala at suporta. |
Bagong Pag-asa, Bagong Bukas
Ang mga batas at panukalang ito ay paalala na may mga lider pa ring tunay na tumutugon sa hinaing ng bawat pamilya. Hindi man perpekto ang sistema, may puwang pa rin para sa pag-asa. Ganoon din para sa mga solo parent, mga batang nangangarap, at mga magulang na gustong bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang anak.
Nawa’y hindi mabigo ang bawat pamilyang Pilipino. Patuloy tayong umasa, magbantay, at makialam. Ang tunay na pagbabago ay para sa bawat tahanan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!