Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang side effect ng IUD?
- Sino ang hindi at inirerekumendang gumamit nito?
- Paano inilalagay at iniaalis ang IUD?
Ano ang IUD?
Ang IUD o intrauterine device ay isang maliit na T-shaped device na inilalagay sa loob ng uterus bilang contraceptive. Ayon kay Dr. Arlene Ricarte Bravo, active consultant OB-GYN sa Makati Medical Center may dalawang uri nito. Ito ay ang hormone secreting IUD at copper IUD na ang parehong layunin ay mapigilan ang pagdadalang-tao.
Pagpapaliwanag ni Dr. Bravo,
“Dalawang klase yung IUD in terms of ano ang content niya. So ‘yung pinaka-popular is ‘yung copper containing IUD. And then the other one is medicated IUD o ‘yung tinatawag na Levonorgestrel containing IUD brand name Mirena.”
“Sa copper containing IUD, kapag nilagay mo siya sa loob ng bahay-bata dini-disturb niya ‘yung environment na in such a way e na toxic siya sa sperm. So ‘yung sperm hindi makaka-swim towards the fallopian tube para ma-meet ‘yung egg during ovulation.”
“Yung medicated IUD belongs to ‘yung tinatawag na mga long-acting because it will last in your body for 5 years. And so is the copper three to five years, sometimes 10 years ‘yung ibang brand. Itong medicated IUD, effect niya is it’s a rod na nilalagay sa loob ng matris but the technology of that LNg (Levonorgestrel) IUD is that nag-i-emit siya ng gamot every day, microgram of levonorgestrel every day for the next five years.”
Photo by Reproductive Health Supplies Coalition on Unsplash
Benepisyo ng paggamit ng IUD sa mga babae
Maliban sa napipigilan ng IUD ang pagbubuntis, may iba pa itong naibibigay na benepisyo sa mga babae. Ayon sa health website na WebMD, ang mga ito ay ang sumusunod:
- Long-lasting na uri ito ng contraception.
- Hassle-free ito na uri ng contraception. Once na mayroon na nito ang isang babae, siya at ang kaniyang ka-partner ay wala ng aalalahanin pa.
- Safe ito sa mga babaeng nagpapasuso.
Nakakatulong ang IUD para ma-regulate ang heavy menstrual bleeding
Dagdag pa sa mga nasabing benepisyo, ayon kay Dr. Bravo, nakakatulong din umano ang IUD na ma-regulate ang menstrual bleeding ng isang babae. Pahayag ni Dr. Bravo,
“Ang kagandahan nito since it’s medicated hindi ka masyadong ma-discharge. Pinapahina niya yung menstruation so gamot din siya sa mga heavy menstrual bleeder na babae. And then long acting, wala ka ng iisipin pa na iinumin nandun lang siya. So, for the women and for those na nagreregla sila ng malakas, this is best.”
Dagdag pa niya, bagama’t may kamahalan, worth it naman ang paggamit ng IUD. One time big time ito na proteksyon, ibig sabihin pangmatagalan ito sa mga babaeng hindi planong magbuntis.
Dito sa Pilipinas, hindi rin naman problema ang pagbili ng IUD, dahil ito ay libreng ibininigay at inilalagay sa mga public health centers at ospital.
“May kamahalan lang but that’s one-time big time kasi lalabas na mura. Mahal siya pero pag-kinompyut mo, di ba 5 years divided by 12 months lalabas lang siya na halos 230 pesos per month ang magagastos mo. Yung copper IUD naman sobrang mura niyan so hindi siya problema,” ani Dr. Bravo.
BASAHIN:
May epekto ba sa sex life ang paggamit ng IUD?
Baby ipinanganak na hawak hawak ang IUD ng kanyang ina
11 madalas na side effects ng paggamit ng contraceptive pills
Sino ang maaaring gumamit ng IUD?
Woman photo created by tirachardz – www.freepik.com
Pero hindi lahat ng babae ay maaaring gumamit ng IUD. Sapagkat imbes na makatulong ito ay maaari pa itong makasama at malagay sa peligro ang matris ng isang babae.
Mga hindi inirerekumendang gumamit ng IUD ang mga babaeng nakaranas o mayroon ng mga sumusunod:
- Nakararanas ng pelvic infection tulad ng STD o nagkaroon nito kamakailan lang.
- May cancer sa uterus o cervix.
- Nakararanas ng hindi maipaliwanag na vaginal bleeding.
- May abnormal o distorted uterine anatomy.
- Allergic sa copper o may Wilson’s disease para sa gagamit ng copper containing IUD.
- Kasalukuyang nagdadalang-tao.
Bagama’t napipigilan ito ang pagbubuntis, hindi naman ito inirerekumendang gamitin ng mga babaeng may multiple partners o sexually promiscuous. Hindi rin ito nagbibigay proteksyon mula sa sexually transmitted disease o STD.
Ayon kay Dr. Bravo, ang IUD ay hindi ring inirerekumendang contraception sa mga babaeng may multiple sex partners o sexually promiscuous. Ito ang kaniyang paliwanag kung bakit.
“Ang isang contraindication nito is kung halimbawa yung babaeng nilagyan mo is sexually promiscuous. Remember that you are inserting a foreign body inside the uterus ok.”
“Tapos meron siyang string na right after the dulo ng matris, ‘yung cervix nandoon ‘yung string na ‘yun. Kung halimbawa multiple sexual partners siya, it can be a conduit of the infection na papunta sa taas papunta sa loob ng matris, papunta sa fallopian tube causing infection na tinatawag na pelvic inflammatory disease.”
“Kapag nagkaroon ka ng pelvic inflammatory disease worst case scenario magkaroon ka ng sepsis. Puwede kang mamatay.
“And then kung multiple sexual partners at promiscous ka, paulit ulit na cervicovaginitis mararanasan mo niyan. Masakit ang puson, abnormal vaginal discharge, infected parati e. Pero kung halimbawa, monogamous naman yung relationship dalawa lang kayo ng mag asawa na nagtatalik so maganda ‘yun.”
Paano inilalagay ang IUD?
Karamihan ng mga babae ay maaari namang gumamit ng IUD bilang contraceptive. Ang kailangan lang ay magpakonsulta sa isang doktor upang hingin ang payo at go signal nito. Siya’y sasailalim din sa pelvic exam bago malagyan nito ng isang medical professional o health care practitioner.
Sa oras na malagyan nito ay maaari ng mapigilan ang pagbubuntis ng isang babae. Lalo na kung ito ay ilalagay sa loob ng pitong araw bago matapos ang kaniyang menstrual period.
Pero kung ang IUD ay inilagay sa ibang araw sa loob ng kaniyang menstrual cycle ay dapat siyang gumamit muna ng iba pang birth control method sa loob ng isang linggo para makasigurado.
Mula sa araw na malagyan ng IUD hanggang sa sampung taon ay maaari ng maproteksyonan ang isang babae mula sa hindi planadong pagdadalang-tao.
Asahang ang procedure ng paglalagay ng IUD ay uncomfortable. Maaari ka ring makaranas ng cramps o bleeding sa loob ng ilang araw. May ilang babae ang naiulat na nakaranas ng pagkahilo matapos malagyan ng IUD.
Side effect ng IUD
Hand photo created by jcomp – www.freepik.com
Tulad ng iba pang contraception method, maaari ring makaranas ng side effect ang babaeng malalagyan ng IUD. Ang mga common side effect ng IUD ay ang sumusunod:
- Irregular bleeding o spotting sa loob ng ilang buwan.
- Lighter o shorter periods o kaya naman ay tuluyang pagtigil ng regla.
- Symptoms ng premenstrual syndrome tulad ng pananakit ng ulo, nausea, breast tenderness, at skin blemishes.
Samantala ang iba pang side effect ng IUD na bibihira ay ang sumusunod:
- Expulsion o aksidenteng pagkakaalis ng IUD sa uterus. Ito ay maaari namang mailagay muli ng isang doktor.
- Uterine perforation o ang pagkakatusok ng IUD sa uterine wall na maaaring magdulot ng severe bleeding na maaaring mauwi rin sa impeksyon.
- Pelvic inflammatory disease na nangyayari kapag ang nilagay na IUD sa loob ng matris ay contaminated pala ng bacteria.
- Pagkakaroon ng ovarian cyst na naitalang nararanasan ng isa sa kada 10 babaeng nagpalagay ng IUD makalipas ang isang taon. Ang cyst ay kusa namang nawawala sa loob ng 3 buwan.
Kailan dapat magpunta sa doktor?
Samantala, ang mga palatandaan naman na nakakaranas na ng komplikasyon dahil sa IUD ay ang sumusunod. Ito rin ang mga palatandaan na dapat ka ng magpunta sa doktor.
- Pananakit ng tiyan.
- Matinding pagdurugo.
- Abnormal spotting o bleeding
- Mabahong vaginal discharge.
Kung matapos malagyan ng IUD at nakaranas ng nabanggit ay kontakin agad ang doktor mo. Kung sakali namang naisip mo na ang IUD bilang contraceptive ay hindi para sa ‘yo, huwag subukang alisin ito ng mag-isa.
Bumalik sa iyong doktor o health care provider. Sila lamang ang maaaring maglagay at mag-alis ng IUD para sa kaligtasan mo.
Mararamdaman ba ni mister ang IUD sa tuwing nagtatalik?
Wala ring dapat ipag-alala sa kung magiging hadlang ba ang IUD sa pakikipagtalik. Sapagkat hindi naman ito mararamdaman ng iyong mister o partner.
Kung sakali mang maramdaman niya ito ay wala namang problema. Sapagkat sa pagdaan ng mga buwan habang tumatagal ang paggamit nito ay lumalambot ito.
Maaari rin namang i-trim para umikli kung kinakailangan. Pero kung pakiramdam mo ay nagdudulot ng discomfort o sakit sa ‘yo ang IUD sa oras na kayo ay nagtatalik ni mister ay mabuting ipaalam ito sa iyong doktor.
Source:
Medicine Net, WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!