Narinig niyo na ba ang injectable contraceptive? Isa ito sa mga uri ng mga family planning na maaari niyong pagpilian. Alamin kung ano ito at mga benepisyo nito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano ang bisa injectable contraceptive?
- Mga side effects injectable contraceptive
- Saan ka pwedeng magpa-inject?
- Sino ang hindi pwede sa injectable contraceptive?
Ano ang injectable contraceptive?
Ang injectable contraceptive ay isang uri ng contraceptive na nagtataglay ng hormones, maaaring ito’y progestin lamang o progrestin at estrogen. Pinapahinto nito ang katawan ng babae sa paglabas o pag-release ng egg cell at pinakapal nito ang mucus sa cervis.
Maaaring kinakailangan mo ng isang inject kada buwan o isang beses kada tatlong buwan mula sa iyong healthcare provider. Subalit ang injectable contraceptive hindi katulad ng iba pang uri ng conrtaceptive katulad ng pills hindi ito mapapahinto agad, gayundin ang mga side effects nito.
Ang bisa nito’y katulad din sa mga pills subalit hindi katulad ng mga ito, ang injectable contraceptive ay hindi mo na kinakailangan na alalahanin ang pag-inom araw-araw ng contraceptives. Subalit maaaring hindi ito best choice para sa ‘yo kung ika’y takot sa karayom.
Alamin ang iba pang uri ng contraceptive sa theAsianparent Philippines Facebook live. Panoorin ito at alamin din ang masasabi ng eksperto patungkol sa injectable contraceptive bilang family planning.
Paano ito ipa-inject at saan?
Para makapagpa-inject nito kinakailangan munang kausapin ang inyong mga doktor o healthcare provider. Upang malaman kung bagay ba ang injectable contraceptive sa iyo o kung pwede ito sa ‘yo.
Maaari kang magpa-inject nito sa mga health center na nag-ooffer ng family planning at sa iba pang clinic. Libre ito kadalasan sa mga public health center sa bansa. Subalit kinakailangan munang masigurado na maa-assess kayo upang matiyak na maaari ang injectable contraceptive para sa ‘yo.
Kapag nagdesisyon ka subakan at magpaturok ng injectable contraceptive, sasabihan ka kung kailan ka babalik ulit para sa muli mong turok. Maaaring kada buwan o kada tatlong buwan.
Siguradong magiging protektado ka na at maiiwasan ang pagbubuntis sa mga panahong ika’y naturukan nito. Tandaan lamang na hindi ka dapat na lumagpas sa araw na muli mong turok dahil may posibilidad na ika’y mabuntis. Kaya naman sumunod sa sinabing schedule ng iyong healthcare provider.
Larawan mula sa iStock
Depo-Provera shot
Kilala rin ito sa tawag na DMPA o Depo shot, brand name ito ng medroxyprogesterone acetate. Kabilang ito sa grupo ng gamot na mayroong progestine isang synthetic version ng female hormone na progesterone. Ito lamang ang injectable na available sa ating bansa.
Ang progestins ay nagwo-work para mapanatiling stable ang progesterone levels. Dahil rito, hindi mati-trigger ang menstrual cycle ng babae at walang mangyayaring ovulation. 99% ang bisa nito upang maiwasan ang pagbubuntis. Subalit ang real-world efficacy nito ay nasa 94%.
Mainam na magpa-inject nito pagsapit ng ika-5 araw ng iyong menstrual cycle, dahil mas mabisa ito at mapoprotektahan ka agad mula sa hindi inaasahang pagbubuntis. Subalit maaari kang pagturok nito kahit anong araw basta mag-iintay ka lamang 7-10 araw bago makipagtalik. Maaari hindi pa kasi umeepekto ang gamot at mabuntis ng hindi inaasahan.
Bukod sa contraception, ginagamit din ang Depo-Provera upang gamutin ang endometriosis at abnormal uterine bleeding.
Ito ang kadalasang ibinibigay na libreng shot mula sa mga health center sa bansa. Kung sa private clinic naman umaabot ang presyo nito ng 300-400 kada turok.
Larawan mula sa iStock
BASAHIN:
#AskDok: Paano ang tamang pag-inom ng contraceptive pills?
IUD: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa contraceptive na ito
Iba’t ibang uri ng family planning method at gaano ka-epektibo ang mga ito
Benepisyo ng injectable contraceptive
Marami ang benepisyo nito para sa mga babae, lalo sa mga hindi nais magkaanak agad. Narito ang ilang benepisyo nito sa babae:
- Hindi mo na kailangang umiinom araw-araw kaya naman hindi mo na ito maaaring makalimutan. Useful ito para sa mga babaeng madaling makalimot ng sa pag-inom ng pills araw-araw.
- Tumatagal ang epekto nito ng 13 linggo
- 99% percent ang sinasabing bisa nito para maiwasan ang pagbubuntis.
- Safe o ligtas ito sa mga nanay na mga nagbe-breastfeeding. Subalit kung ika’y kakapanganak pa lamang mag-intay muna ng 6 weeks para magpaturok nito. Maghintay rin 7-10 araw matapos maturukan bago makipagtalik.
- Hindi nito naapektuhan ang iba pang medication
- Maaaring mabawasan ang malalakas at masasakit na menstruation at premenstrual symptom para sa mga ibang babae.
Side effect ng injectable contraceptive
Larawan mula sa iStock
- Pagbigat ng timbang o pababa ng timbang
- Pananakit ng ulo
- Mood swings
- Breast tenderness
- Paglalagas ng buhok
- Pagbaba ng sex drive
- Irregular bleeding (maaaring malakas o mahina)
- Pagkawala ng regla
- Maaaring umabot ng 1 taon matapos mong huminto bago bumalik sa normal na fertilization ang iyong reproductive system.
- Hindi ka nito mapoprotektahan sa mga sexually transmitted disease, katulad ng chlymdia at HIV.
Ang mga side effects ay maaaring magpatuloy hanggang may bisa pa ang turok na aabot sa 13 weeks.
Sino ang HINDI PWEDE sa injectable contraceptive?
Halos lahat ng babae ay pwede rito subalit narito ang mga kundisyon at pagkakataon kung saan hindi pwede ang injectable contraceptive na ito:
- Kung tingin mo’y ika’y buntis
- Sa mga hindi gustong mabago ang kanilang menstrual cycle
- Gustong magkaanak sa susunod na taon
- Mayroon hindi maipaliwanag na pagdurugo sa pagitan ng kanilang menstrual cycle at pagkatapos magtalik
- Mayroong arterial disease o histroy ng heart disease o stroke
- May liver disease
- Mga babaeng may breast cancer
- May mataas na sa osteoporosis
Source:
nhs, mayoclinic
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!