Ayon sa prenatal pregnancy information mula sa traditional Chinese medicine doctors, mahalagang inihahanda ang sinapupunan sa pagdadala ng sanggol. Naniniwala ang mga ito na makatutulong ang TCM techniques para mai-prepare ang matres ng babae sa pagbubuntis.
Aside from that, helpful umano ang pag-take ng ilang Chinese herbs for prenatal care. Makatutulong ito para maibsan ang stress na karaniwang nararanasan ng mga expectant mom sa first trimester ng pagbubuntis.
Prenatal care examples: TCM techniques na helpful sa pregnancy
According to Dr. Goh Chye Tee, Director ng NTU Chinese Medicine Clinic, ang mga sumusunod ay sintomas ng less than healthy womb: irregular menstruation, bad menstrual cramps, at difficulty sa pag-conceive. Aniya, ang mga ito ay maaaring magdulot ng miscarriage dahil sa kakulangan ng kakayahan ng matres na i-nurture ang fetus.
Para mapalakas ang kondisyon ng iyong sinapupunan maaaring makatulong ang TCM techniques. Narito ang prenatal care examples ng TCM techniques ayon kay Dr. Goh.
- Matapos ang menstruation ay maaaring mag-take ng tonifying herbs tulad ng angelica root (dang gui) at Chinese yam upang ma-replenish ang qi at ang dugo. Nirerekomenda niya rin ang Eight Treasure soup sa pag nurture ng sinapupunan.
- Iwasan ang cold at raw food ilang araw bago ang menstruation. This is to avoid unnecessary stress sa visceral system. Lalo na sa stomach at spleen na ang main function ay magproduce at supply ng nutrients sa uterus at fetus. In addition, umiwas din sa pagkain ng fried at spicy food.
- Dalasan ang pagkain ng home made meals. Ito ay upang maiwasan ang exposure sa BPA in plastic containers tuwing magte-take out ng food. Maaari umanong makaapekto ang BPA sa fertility.
- Iwasan din ang pagkain ng mga isda na may high mercury level tulad ng swordfish at certain species ng tuna.
- Magkaroon ng good sleeping habits. Makatutulong kung matutulog na ng 11 pm. Ito ay mahalaga sa liver detoxification, cleansing of body tissue, at enhancing of brain functions. Ang mga ito ay aktibong sinasagawa ng ating katawan between 11pm-3pm.
- Subukan ang acupuncture. Makatutulong ito sa overall health at makakapagboost ng fertility.
- Iwasang manatili sa malalamig na lugar. Keep your body warm hangga’t maaari. Makatutulong ang pagsusuot ng medyas.
- Mag-exercise regularly. Helpful ito sa improvement ng muscular at skeletal functions. Makatutulong din ito para ma-relieve ang stress at magkaroon ng maayos na oxygen flow sa blood within the body.
However, ang pagsubok ng TCM techniques ay hindi garantiya na mabubuntis ka. Mahalaga pa ring kumonsulta sa iyong gynecologist.
Things to consider sa pag-take ng Chinese herbs for prenatal care
Isa sa prenatal care examples na makatutulong sa pagbubuntis ay ang pag-take ng Chinese herbs. Narito ang mga dapat isaalang-alang bago subukan ang TCM technique na ito:
- Prescribed by TCM physician – ang bawat TCM herbal prescription ay customised for each individual. Kaya naman hindi lahat ng formulation ay suitable sa kahit na sino. It is prescribed ayon sa specific symptoms ng pasyente. That is why, mahalagang magpakonsulta sa TCM physician bago sumubok ng herbal medicine.
- Safety and side effects – Alamin sa inyong TCM physician kung ano ang dapat inuming Chinese herbs. I-check din kung ano ang mga posibleng side effects nito. May mga Chinese herbs na hindi maaaring inumin ng buntis.
- Proper combination of herbs – ang tamang kombinasyon ng herbs ay base sa natural functional properties ng mga ito. Mayroong mga Chinese herbs na mas epektibo kung pagsasamahin. However, mayroon ding ilan na nawawalan ng bisa kung isasama sa iba na ang function ay kasalungat nito.
- Price – Bumili lamang ng TCM herbs na angkop sa budget ng pamilya.
Prenatal pregnancy information: Chinese herbs choices para sa pregnancy at postpartum
Narito ang buying guide para tulungan ka sa pagpili ng best Chinese herbs for your prenatal development stages:
|
Brand |
Category |
Premium Sibot (Si Wu Tang) |
Best overall |
Chinese Angelica Root (Dang Gui) |
Best for relieving abdominal pain |
Huang Lian Su (Coptis Rhizome) |
Best antibiotic |
Ba Zhen Tang Decoction |
Best for nourishing blood in the body |
Chinese Ginseng |
Best for restoring energy level |
Chinese herbs choices para sa pregnancy at postpartum
| Premium Sibot (Si Wu Tang) Best overall | | View Details | Buy From Shopee |
| Chinese Angelica Root (Dang Gui) Best for relieving abdominal pain | | View Details | Buy From Lazada |
| Huang Lian Su (Coptis Rhizome) Best antibiotic | | View Details | Buy From Shopee |
| Ba Zhen Tang Decoction Best for nourishing blood in the body | | View Details | Buy From Shopee |
| Chinese Ginseng Best for restoring energy level | | View Details | Buy From Shopee |
Best overall
Ang Si Wu Tang o Premium Sibot ay isa sa most common formulas in TCM. Kadalasang ginagamit itong gamot para sa trauma na nakaaapekto sa fetus. Ito ay herbal combination ng angelica root, rehmannia, white peony root, at Sichuan lovage root.
Ang angelica root content nito ay tumutulong sa pag-nourish ng reproductive organs, pag-regulate ng menstruation, at alleviate ng period pains. Ang rehmannia naman ay beneficial sa pag-increase ng fertility at sex drive. In addition, pinalalakas nito ang tendons, bones, at bone marrow. Furthermore, ang white peony root ay helpful para mabawasan ang painful menstruation dahil may analgesic at spasmolytic actions ito. Lastly, ang Sichuan lovage root ay essential sa pag-unblock ng blood vessels at pag-regulate ng menstruation.
Best of all, makatutulong ang Si Wu Tang sa pag-replenish ng dugo, para magkaroon ng maayos na blood circulation. Madalas itong lutuin kasama ng meat soup sa Chinese cuisine at mayroong strong medicinal taste.
Dapat tandaan sa pag-take ng Si Wu Tang:
- Do not consume Si Wu Tang kapag ikaw ay may regla or may serious bleeding, cold, flu o fever. Nakatutulong ito sa pag-replenish ng dugo sa katawan kaya maaaring magdulot ng blood loss during episode of bleeding. Kumain lang ng soup na ito kapag tapos na ang menstrual period.
- Kumonsulta sa TCM practitioner bago i-consume ang soup na ito kung ikaw ay buntis.
Best for relieving abdominal pain
Importante ang Chinese Angelica Root o Dang Gui during pregnancy at postpartum period. Makatutulong ito para magkaroon ng increase sa blood production at ma-revive ang weakened blood circulation dulot ng panganganak. Safe ang Chinese Angelica Root para sa mga buntis. However, wala mang major side effects ang oral administration nito, best na magpakonsulta pa rin sa iyong TCM doctor.
Madalas gamitin ang Dang Gui bilang pain reliever sa sakit na dulot ng blood stagnation, abdominal pains, at traumatic injuries. Karaniwan din itong ginagamit sa paggamot sa iba pang gynecological problems tulad ng irregular menstruation, painful menstruation at infertility. Best of all, efficient din ang Chinese herbs na ito sa paggamot ng anemic conditions.
Dapat tandaan sa pag-take ng Dang Gui:
- Magpakonsulta muna sa TCM physician bago ito gamiting gamot kung ikaw ay buntis. Dahil ito ay maaaring magdulot ng uterine contractions.
- Maaaring magkaroon ng adverse effects sa blood pressure, heart action, at respiration.
- Hindi suitable sa mga babaeng nakararanas ng excessive menstrual flow. Dahil ito ay nakatutulong sa better blood circulation and production.
Best antibiotic
Ayon sa SMG Women’s Health, isa ang Huang Lian Su o Coptis Rhizome sa common TCM herbs for pregnancy. Isa itong anti-microbial herb ng Traditional Chinese Medicine. Ginagamit itong gamot sa recent food poisoning at infections. Makatutulong din ito upang maiwasan na makakuha ng food borne illness.
Ang bawat kahon ng Huang Lian Su ay mayroong 12 tablets. Ginagamit ito bilang natural antibiotic at pamatay ng rod-shaped bacteria na madalas makuha sa contaminated food and water. In addition, maaari rin itong gamiting gamot sa acute watery stool o brief bloody diarrhea. Helpful ang TCM herb na ito to relieve stomach pain.
Ayon sa study na pinublish ng National Library of Medicine, USA, walang adverse effect sa fetal growth ang Huang Lian. That is why, safe itong gamitin during pregnancy kung nirekomenda ng iyong doktor bilang gamot sa stomach pain. Best of all, bukod sa ginagamit na panggamot sa acute infections, makatutulong din ito na mapababa ang blood sugar.
Dapat tandaan sa pag-take ng Coptis Rhizome:
- Ang too much intake ng gamot na ito ay maaaring mag cause ng digestive upset.
- Tiyaking magpakonsulta sa inyong doktor para sa tamang dosage.
Best for nourishing blood in the body
Excellent tonic para sa dugo ang Ba Zhen Tang. Maaari itong i-take ng lalaki pero mas kilala ito bilang female tonic para sa healthy menstrual cycle. Partikular na nirerekomenda ito para sa mga babaeng nakararanas ng monthly discomfort, cold feet, at cold hands. In addition, perfect nourishing soup din ito para sa mga may mapuputlang kutis.
Beneficial ito para mapalakas ang stomach at spleen at maiwasan ang blood deficiency. Makatutulong din ito to avoid anorexia, diarrhea, vomiting, abdominal distention, at fatigue. Mabisa rin itong relief sa dysmenorrhea at pagkahilo.
Ang Ba Zhen Tang Decoction ay inihahalo sa meat soup. Kilala rin ito sa tawag na Eight Treasure Decoction, Dang Gui and Ginseng Eight Combination, at Eight Jewel Decoction.
Dapat tandaan sa pag-take ng Coptis Rhizome:
- Hindi ito safe i-take during pregnancy lalo na kung nagsisimula pa lang ang fetal growth.
- Makatutulong ito to relieve pain matapos manganak.
Best for restoring energy level
Kung TCM herbs na makatutulong sa iyong postpartum journey ang hanap mo, best pick ang Chinese Ginseng. Beneficial ito para manumbalik ang lakas at energy level matapos manganak. In addition, helpful ito para ma-improve ang blood circulation matapos ang severe loss of blood due to delivery.
Furthermore, makatutulong ito para magkaroon ng healthy digestion at ma-improve ang appetite ng mommy. Mahalaga ito para makapagproduce ng sapat na breastmilk para sa iyong new born baby.
Moreover, tumutulong ito sa recovery process from serious illness o major operations sa pamamagitan ng pag-boost ng immune system.
Dapat tandaan sa pag-take ng Chinese Ginseng:
- Bawal sa buntis. Maaari lang uminom nito kung ikaw ay nakapanganak na.
- Hindi lahat ng age group ay maaaring uminom nito
- Magpakonsulta sa doktor bago uminom nito lalo na kung ikaw ay may certain medical condition.
Price Comparison
Narito ang price list ng mga Chinese herbs na available online na makatutulong sa iyong prenatal development stages.
|
Product |
Price |
Premium Sibot (Si Wu Tang) |
Php 60.00 |
Chinese Angelica Root (Dang Gui) (80g) |
Php 258.00 |
Huang Lian Su (Coptis Rhizome) (47 tabs) |
Php 47.00 |
Ba Zhen Tang Decoction (1 small bag) |
Php 633.00 |
Chinese Ginseng (20g) |
Php 140.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Chinese herbs na dapat iwasan kung ikaw ay pregnant
Maraming TCM formulations ang beneficial sa prenatal development stages ng expectant moms. Napatunayan na ang karamihan dito bilang epektibong prenatal care examples. Kabilang sa prenatal pregnancy information na dapat malaman ay ang mga herbs na dapat iwasan kung ikaw ay buntis.
Narito ang Chinese herbs na mahigpit na ipinagbabawal sa pregnant women:
- Xiong Huang
- Ban Mao
- Wu Gong
- Ma Qian Zi
- Chan Su
- Chuan Wu
- Cao Wu
- Li Lu
- Dan Fan
- Gua Di
- Ba Dou
- Gan Sui
- Da Ji
- Yuan Hua
- Qian Niu Zi
- Shang Lu
- She Xiang
- Shui Zhi
- Meng Chong
- San Leng
- E Zhu
Tandaan na ang mga nabanggit na Chinese herbs ay makasasama sa pagbubuntis. Ang mga ito ay toxic at uterotonic kaya strictly prohibited na gamitin during pregnancy. Keep in mind din na mahalagang kumonsulta muna sa TCM physician bago isagawa ang anomang TCM technique as prenatal care.
Gustong mag-try ng iba pang herbal tea habang buntis? Basahin: A Pregnancy Must-have: Best Herbal Tea for Morning Sickness