Isang nanay na may dalawang anak ang napag-alamang namatay matapos ma overdose sa ininom na paracetamol. Ang gamot na ito ay binigay ng hospital na siyang nagsilbing treatment para sa kanyang suspected pneumonia.
Ang hospital na tinutukoy ay ang Whiston Hospital sa Merseyside, United Kingdom na nasa ilalim rin ng National Health Service (NHS).
Ina, patay matapos ma-overdose sa paracetamol na binigay ng ospital
Hindi nagawang makaligtas ng isang 30 years old na si Laura Higginson nang ito ay namatay sa kanyang treatment para sa suspected pneumonia. Ang nasabing sakit ay nagsimula noong April 2017.
Nadidiin naman sa nangyari ang mga doctor sa NHS hospital. Dahil ayon sa suspetya ng pamilya ng biktima, ito ay na overdose sa pinainom na paracetamol na hindi sa kanila sinasabi.
Paracetamol Overdose | Image from Unsplash
Ayon naman sa asawa ni Laura na si Antony, saka lang niya nalaman mula sa kanyang General Practitioner ang pagka-overdose ng biktima nang ito ay kasalukuyang ginagamot na. Naniniwala ang pamilya ng biktima na ito ay na-overdose sa binigay na paracetamol dahilan para magkaroon ng multi-organ failure at liver cirrhosis si Laura at tuluyang namatay.
Naglabas naman ng saloobin ang kanyang asawa sa sinapit ni Laura.
“I was apoplectic. How had the hospital not told me? The fact is it wasn’t Laura’s time to die… The children and I would give anything to have another hour with her.”
Dagdag pa nito na sinubukan pang pagtakpan ng ospital ang pagkamatay ng kanyang asawa. Traumatic experience ring maituturing ang kaniyang inabot sa nangyaring insidente.
Hindi niya lubos maisip na kailangan nang magpaalam sa huling pagkakataon ang kanyang dalawang maliliit na anak sa kanilang nanay.
“That image of seeing the children on the bed crying and making promises to her… My daughter holding Laura’s hand trying to stroke her own face haunts me. I will never recover from seeing the three most precious things in my life in such pain.” dagdag pa ni Antony
Paracetamol Overdose | Image from Freepik
Si Laura ay mayroong kondisyon na tinatawag na Gitelman Syndrome. Napagalaman na ito rin ay underweight nang ma-admit sa ospital noong April 5 2017.
Ayon sa pulisya, dinidiin ng pamilya ang mga doctor sa nasabing ospital dahil sa pagbibigay ng paracetamol kay Laura nang hindi nagbibigay ng konsiderasyon sa maliit na pangangatawan ng pasyente. Saka lang nila ito na-realize pagkatapos ng 2 araw nang makitang lumala ang kondisyon ni Laura.
Kahit na binigyan ng anti-toxicity drugs si Laura para rito, hindi pa rin bumuti ang kalagayan nito at tuluyang namatay sa intensive care.
Paracetamol Overdose | Image from Unsplash
Samantala, tinanggihan naman ng hospital ang allegation sa kanila patungkol sa pagbibigay ng paracetamol at pagka overdose ni Laura. Ayon sa kanila, ang pasyente ay namatay dahil sa tinamong komplikasyon sa kidney na dati pang nararanasan.
Dagdag pa ng ospital na sila ay nakikiramay sa pagkawala ni Laura.
“The trust offers its sincere condolences to the family of the late Mrs Higginson. Following her death, an immediate and thorough investigation was carried out,”
Ayon naman sa family lawyer, patuloy pa rin ang pagtanggi ng ospital tungkol sa pagkamatay ni Laura na may kaugnayan sa paracetamol overdose.
“The trust offers its sincere condolences to the family of the late Mrs Higginson. Following her death, an immediate and thorough investigation was carried out,”
Translated by Mach Marciano
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
#AskDok: Can drinking Paracetamol and Coke prevent pregnancy?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!