Pinapayuhan na ng Department of Health (DOH) ang bawat mamamayang Pilipino na kumuha na ng kanilang sariling vaccination certificate. Narito ang paraan kung bakit at paano kumuha ng vaccination certificate online.
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 steps para makakuha ng VaxCertPH online
- Saan maaaring magamit ang VaxCertPH?
- Ano ang pagkakaiba ng BOQ yellow card at VaxCertPH?
Ano ang VaxCertPH?
Ang VaxCertPH ay ang opisyal na Digital Vaccination Certification (DVC) para sa mga taong bakunado ng COVID vaccine sa bansa. Ito ay maaaring gamitin ng bawat indibidwal, lokal mano internasyonal na biyahe.
Libre lamang ang pagkuha ng certificate na ito. Isang paraan din ito ng pagsunod sa alituntuning ibinaba ng World Health Organization (WHO) Digital Documentation of COVID-19 Certificates (DDCC).
Ang VaxCertPH ay maaaring makuha ng bawat indibidwal na nabakunahan sa bansang Pilipinas. Bawat tao na nakatanggap na ng bakuna laban sa COVID ay kinakailangan kumuha nito.
Bago kumuha nito, siguraduhing ikaw ay nabakunahan na at 48 oras na ang nakakalipas. Ito ay dahil ang VaxCertPH ay kasalukuyang nasa soft launch phase at maaaring inu-upload pa lamang ng LCU ang vaccination record mo sa VaxCertPH central database.
5 na steps para makakuha ng VaxCertPH online
Narito ang 5 na simple at madaling steps na maaari mong sundin upang makakuha ng vaccination certificate online.
- I-scan lamang ang QR code o kaya naman ay magtungo sa link na ito: https://vaxcert.doh.gov.ph
- I-review ang data privacy upang malaman ang patakaran sa privacy ng VaxCertPH. Matapos itong basahin at intindihin, maaari mo nang i-check ang maliit na box tanda ng pagsang-ayon at upang makapag-proceed sa susunod na step.
- Ilagay ang iyong personal details Katulad na lamang ng iyong last name, first name, middle name, at birthdate.
Bukod sa mga ito, kailangan mo rin ilagay ang ilang mga impormasyon ukol sa iyong mga nakaraan bakuna. Gaya na lamang ng lugar at petsa kung kailan ito naganap.
- I-review ang mga impormasyon na iyong inilagay sa 3rd step Siguraduhing tama ang bawat detalye na iyong inilagay upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema.
- Kuhanin ang iyong certificate. Maaari mong nang i-download ang iyong VaxCertPH o COVID-19 vaccination certificate. Maaarin mo din itong i-print o i-screenshot.
BASAHIN:
Got COVID from work? 10 steps to claim up to P30,000 from SSS
Need to apply or renew your passport? DFA has opened slots in 8 locations
Step-by-step guide sa pag-apply para makakuha ng PhilHealth
Saan maaaring magamit ang VaxCertPH?
Domestic use
Hindi nire-require o labis na kinakailangan ang vaccination certificate kapag ikaw ay bibiyahe lamang sa loob ng bansa. Subalit kakailanganin pa rin ng bawat indibidwal ang pagkakaroon nito bilang patunay na ikaw ay bakunado na.
Bukod pa rito, ito rin ang magsisilbing patunay ng iyong kasalukuyang status ng pagpapabakuna laban sa COVID kapag ikaw ay bumibiyahe sa loob ng bansa.
International travel
Sa kasalukuyang, may ilang mga bansa sa buong mundo ang kumikilala sa VaxCertPH bilang opisyal na digital vaccination certificate ng Pilipinas. Maaari mo itong gamitin kung ikaw ay pupunta sa mga sumusunod na bansa:
- Armenia
- Australia
- France
- India
- Kuwait
- Samoa
- Thailand
- UAE
- Colombia
- Italy
- Canada
- Georgia
- Japan
- New Zealand
- Singapore
- Netherlands
- UK
- Iraq
- Tunisia
- Austria
- Czech Republic
- Germany
- Kazakhstan
- Oman
- Sri Lanka
- Turkey
- USA
- Monaco
- Vietnam
Larawan mula sa Shutterstock
Ano ang pagkakaiba ng BOQ yellow card at VaxCertPH?
BOQ yellow card. Ito ay nagbibigay ngg impormasyon sa status ng pagpapabakuna ng tao laban sa mga sakit bukod sa COVID.
VaxCertPH. Ito ay digital vaccination certificate na nagpapatunay ng status sa bakuna laban sa COVID-19.
Bawat bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ay may kani-kaniya ring requirements bago ito magpapasok. Hindi malabong ang destinasyon na iyong pupuntahan ay may partikulay na pangangailangan bago magpapasok.
Tandaan na importanteng tiyakin muna ang partikular na requirement ng isang bansa upang maging maayos at tuloy-tuloy ang iyong pagbiyahe.
POEA Advisory para sa mga OFW
Pinapayuhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko, partikular na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na mag-request ng kanilang vaccination certificate.
Ang pagkuha ng vaccination certificate sa pamamagitan ng VaxCertPH ay kinakailangang gawin (2) dalawang linggo bago ang kanilang naka-schedule na pag-uwi sa bansa.
Ito ay dahil napansin ng VaxCertPH Contact Center na dumarami ang nagre-request ng vaccination certificates at ito ay nagsasabay-sabay.
Kaya naman pinapayuhan ang ating mga kababayan na mag-request nang mas maaga upang magkaroon ng sapat na oras upang i-proseso ito. Lalo’t higit kung magkaroon man ng problema sa mga impormasyon isinumite ay magawan ng paraan.
Ang VaxCertPH ay libre lamang, self-service ng portal, at maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na ito: https://vaxcert.doh.gov.ph. Makakapag-generate din ito ng vaccination certificate para sa mga indibidwal na nabakunahan sa Pilipinas.
Ang vaccination certificate na ito ay magagamit base sa kanilang pangangailangan, kung sila man ay magta-travel sa loob o labas ng bansa o OFW na babalik sa Pilipinas.
Para sa mas marami pang impormasyon, magtungo lamang sa website ng Department of Health (DOH).
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!