Dati pa lamang ay usap-usapan na kapag nag masturbate ang isang lalaki sa swimming pool at nagkataong may babae dito, ito ay maaaring mabuntis kapag pumasok ang sperm ng lalaki sa ari ng babae. Marami ang naniwala sa rumor na ito. Ngunit para bigyang linaw ito, can sperm survive in chlorine water? At maaari bang makabuntis ang sperm ng lalaki na nasa tubig ng swimming pool?
‘Strong sperm’ maaaring makabuntis sa swimming pool | Image from Lefteris Kallergis on Unsplash
‘Strong sperm’ maaaring makabuntis sa swimming pool
Pinapababa sa kanyang posiyon ang isang opisyal ng Child Protection Commission sa Singapore. Ito ay matapos magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa konseptong maaring mabuntis ang isang babae sa sperm ng lalaki na nasa tubig ng swimming pool.
“There is an especially strong type of male sperm that may cause pregnancy in a swimming pool. Even without penetration, men may become sexually excited [by women in the pool] and ejaculate, therefore causing a pregnancy.
Ito ang sinabi ni Sitti Hikmawatty, isang commissioner sa Child Protection Commission sa bansang Indonesia.
Dagdag pa niya, kapag ang babae ay masasabing sexually active, hindi na makakalkula ang kayang gawin ng isang lalaki.
Dahil dito, hindi na rin napigil magbigay ng komento ng mga opisyal ng medisina. Ayon sa Indonesian Doctors Association (IDI) executive na si Nazar, sobrang imposibleng bagay ang konseptong mabubuntis ang babae dahil sa sperm ng lalaki na nasa tubig ng swimming pool. Naglalaman kasi ito ng matatapang ng kemikal katulad ng chlorine kaya imposibleng mabuhay ang sperm sa tubig na may kemikal.
‘Strong sperm’ maaaring makabuntis sa swimming pool | Image from Barbara Montavon on Unsplash
Dahil sa pangyayaring ito, humingi ng apology sa madla si Sitti Hikmawatty patungkol sa mga sinabi nito.
“I apologise to the public for giving an incorrect statement. It was a personal statement and not from KPAI. I hereby revoke the statement, I plead with all parties not to disseminate it further or even make it available.”
Ayon sa kanya, pangsariling statement ang kanyang mga sinabi at walang kinalaman ang KPAI.
Ngunit may ibang netizens na sinasabing siya ay bumaba na lamang sa pwesto sahil sa kahihiyang ginawa niya. Narito ang ilan:
“Now that this story has gone viral all over the world, Sitti should indeed step down,”
“If you don’t step down, the whole world will think all KPAI members are stupid.”
<iframe src=”//cdn.jwplayer.com/players/2ozQOSl8-XLzx33eA.html” width=”480″ height=”270″ frameborder=”0″ scrolling=”auto”></iframe>
Can sperm survive in chlorine water?
‘Strong sperm’ maaaring makabuntis sa swimming pool
HINDI. Walang katotohanan ang pagkalat ng balitang mabubuntis ang isang babae sa swimming pool na may sperm ng lalaki. Ang sperm ay tunay na aktibo ngunit sa loob lamang ng katawan ng lalaki. Nasa 200-500 million na sperm ang nilalabas bawat ejaculation. At kapag lumabas ang sperm ng lalaki sa kanyang katawan, kaya lang nitong mabuhay sa labas ng ilang mga minuto lamang. Paaano pa kaya kung nahaluan pa ito ng kemikal na mayroon ang tubig ng swimming pool? Panigurado, ito agad ay mamamatay.
Ngunit ibang usapan na kung ikaw ay nakipagtalik sa swimming pool. Dahil posible ka nang mabuntis dito.
Source: Independent
BASAHIN: Swallowing sperm has serious health benefits, studies say
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!