Ang Cortal at Coke ba ay pampalaglag at magbibigay ng panganib sa inyong pagbubuntis? Alamin ang katotohanan tungkol sa hinuhang ito ng mga nagbubuntis. Alamin din kung paano mag-iingat para maiwasang mapahamak ang baby mo.
Pampalaglag ng bata
Image from Freepik
Maraming posibleng sanhi ang pagkalaglag ng sanggol habang ipinagbubuntis. Sa Pilipinas, naging usap-usapan ang epekto ng Cortal at Coke bilang pampalaglag di umano ng baby sa sinapupunan. Ayon sa mga sabi-sabi, ang kumbinasyon ng Cortal, na isang analgesic at gamot para sa iba’t ibang klase ng sakit, at ng inuming Coke (Coca-Cola) ay masama para sa ipinagbubuntis.
Gayunpaman, mahalagang malaman na walang mga gamot pampalaglag na nabibili sa pharmacy na ligtas at epektibo. Ang mga ganitong paniniwala na walang matibay na ebidensiya o medical at scientific study ay delikado. Para sa mga gustong pangalagaan ang kanilang pagbubuntis, nakakadagdag ito sa stress at takot. Mahalaga ring tandaan na ang mental health ng nagbubuntis ay mahalaga rin. Hindi ka dapat basta-bastang naniniwala sa mga ganitong haka-haka.
Mabisa ba ang Cortal at Coke na pampalaglag?
Image from Freepik
Ang Cortal ay isang brand ng aspirin. Ang aspirin ay karaniwang ginagamit bilang analgesic para maibsan ang pananakit ng katawan, ngipin, ulo, at iba pang bahagi ng katawan. Ito rin ay antipyretic para sa lagnat, at anti-inflammatory medication para naman sa pamamaga.
Mayron din itong anti-platelet effect na nakakapagpalabnaw sa dugo at nakakatulong laban sa blood clots. Kaya naman ito ay nakakatulong sa pagpigil ng atake sa puso, stroke, at blood clot.
Maaari ring makasama dahil puwedeng makaapekto sa maayos na pagdaloy ng dugo.
Ang Coke ay isang kilalang soft drink o carbonated drink na may sugar (sucrose o fructose), caffeine, phosphoric acid, caramel color, cocaine-free coca leaf extract at natural flavorings.
Ayon kay Dr. Dr. Arsenio B. Meru Jr., MD, ang epekto ng Cortal at Coke sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ay magkaiba.
“Matagal ng ‘urban legend’ ang paggamit ng Cortal bilang arbotifacient o pampalaglag—if you take in several more than usual (arbotifacient) pills,” kuwento ni Dr. Meru.
Pero walang patunay na ito ay may katotohanan o scientific evidence.
Ang aspirin o acetylsalycillic acid at ibuprofen ay hindi nirerekomenda para sa mga nagbubuntis, kahit pa bilang pain killer. Paliwanag ni Dr. Meru, naaapektuhan ng acetylsalycillic acid ang cyclo-oxygenase pathway ng ina.
Ang cyclo-oxygenase pathway ang tumutulong sa implantation ng fertilized egg sa uterine wall.
Kapag ito ang tinamaan dahil sa maraming dose ng Cortal, hindi kakapit ang fertilized egg, at hindi matutuloy ang pagbubuntis. Kaya hindi rin ito nirerekumenda sa mga nagpaplanong magbuntis.
Nakakapagpalabnaw din ng dugo ang aspirin kaya’t kapag ininom ito, lalo na sa ika-32 linggo ng pagbubuntis ay maaaring maging sanhi ng pagdurugo ng ina at ng fetus. Posibleng ding maging sanhi ng premature closure ng vessel sa puso ng fetus, at mapunta sa pulmonary hypertension (ng fetus).
May mga ilang medical condition na gumagamit ng low-does aspirin therapy, pero ito ay dapat na naikunsulta muna sa iyong doktor. Dapat iwasan ang pag-inom ng Cortal, o anumang gamot sa unang 6 na linggo ng pagbubuntis, para makasiguro na hindi makakaapekto sa bata at sa sariling kalusugan. Ito ang mariing payo ni Dr. Meru.
Ang OB GYNE lang ang makakapag-reseta o payo ng tamang medikasyon, kung kinakailangan.
Ang katotohanan tungkol sa “urban legend” na ito
Mabisa ba ang biogesic at coke na pampalaglag? Ang Coke ay hindi nakakapagpalaglag ng fetus habang nagbubuntis. Basta’t ang pag-inom nito ay nasa limitasyon.
“Walang pag-aaral na nagsasabing ang Coke o anumang soda ay abortifacient,” paliwanag ni Dr. Meru. Ang taglay nitong ingredients (lalo na caffeine at mataas na lebel ng sucrose o fructose), ang maaaring makasama sa pagbubuntis, lalo na kung marami o sobra. Isang komplikasyon na pwedeng maging resulta ng maraming asukal o Coke ay Gestational Diabetes.
Ang caffeine, na nasa kape, tsaa at anumang soda, at energy drink, ay may taglay ding painkillers. Kilala rin itong stimulant na nakakaapekto sa pagdaloy ng dugo ng ina at ng bata. Kaya ang kailangan lang ay iwasan ang labis na pag-inom nito o bawasan, tulad ng kape at Coke.
May mga pagsasaliksik na isinagawa ang American Journal of Obstetrics and Gynecology noong 2008 at Epidemiology ng World Health Organization tungkol dito, at may magkaibang kongklusyon ang dalawang organisasyong ito.
Coke: paraan para ‘di matuloy ang pagbubuntis
Kung nagbababalak ng paraan para ‘di matuloy ang pagbubuntis, hindi sagot ang pag-inom ng coke. Isa pa, ipinagbabawal sa batas at makukulong ang sinomang nagtatangka na mag-abort ng fetus dito sa Pilipinas.
Bagaman may mga pag-aaral na nagsasabi na ang pag-inom o in take ng maraming amount ng caffeine ay nagdudulot ng miscarriage, wala pa ring katunayan ang pag-inom ng coke bilang contraception.
Ang Coke o anumang inuming soda ay may caffeine, at sa pagbubuntis, ang sobrang caffeine ay may epekto na maging posible ang miscarriage o low birthweight, bagay na walang kinalaman sa contraception.
Naaapektuhan ng caffeine ang nervous system ng isang tao na pwedeng magbunga ng pagiging iritable, nervousness at hirap na makatulog. Sa gayon, hindi paraan ang pag-inom ng coke para di matuloy ang pagbubuntis.
Epekto ng coke at caffeine sa nagbubuntis
Kung hinahangad na hindi mabuntis, kailangang matutunan ang guided na contraception at pagpaplano kapag sexually active ang isang tao. Marami ng pag-aaral ang nagpapatunay na ang mga myth sa pag-inom ng kung ano-ano ay paraan para ‘di matuloy ang pagbubuntis tulad ng coke.
Maaari pa ngang magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng isang tao, kahit hindi nagbubuntis ang sobrang pag-inom ng caffeine, pineapple juice, herbal na walang prescription at iba pang tinuturing na pampalaglag.
Tulad din ng mga gamot na over-the-counter na nagtataglay ng caffeine, ay may epekto pa rin ito sa buntis. Kaya kailangan laging magpakonsulta sa doktor bago uminom ng gamot sa trangkaso at sipon.
Cortal at aspirin ay hindi rin paraan para matuloy ang pagbubuntis
Gaya ng coke na itinuturing na paraan para hindi matuloy ang pagbubuntis, wala ring katotohanan ang pag-inom ng cortal o anomang aspirin bilang contraception. Pero, ang maling pag-inom nito dahil sa pag-aakalang ito ay nakakapagpalaglag ay may masamang epekto sa nagbubuntis.
Ayon sa pagsisiyasat ng Mayo Clinic, ang sobrang dosage ng Cortal o aspirin sa mahabang panahon habang ikaw ay nasa early pregnancy ay nagbubunga ng high risk ng pagdurugo sa utak ng premature baby.
Kung kailangan ng gamot bilang pain reliever, itanong muna o ikonsulta muna sa OB kung aling gamot ang applicable para sa nagbubuntis.
Ang coke at cortal ay hindi paraan para di matuloy ang pagbubuntis
Ang balak na pagpapalaglag ay hindi pinahihintulutan ng anomang nasasaklawang batas dito sa ating bansa. Kung kaya, ang pag-inom ng sobrang coke at cortal ay kailangan ng matutunan na hindi tamang paraan para di matuloy ang pagbubuntis.
Sa ating bansa, ipinapanukala ang paggamit ng contraceptives tulad ng condom, at anomang surgical procedure ng contraception tulad ng vasectomy at pagpapalagay ng IUD.
May mga paraan ding itinuturo sa reproductive health upang maiwasan ang maagang pagbubuntis gaya ng calendar method at withdrawal. Kung wala pang plano na magbuntis, ugaliin na i-practice ang contraception kaysa sa pagpapa-abort.
Kumonsulta din sa mga eksperto hinggil sa mga ganitong bagay para mas magabayan ng matiwasay at tama. Ugaliin din, maliban sa contraception, ang safe sex.
Pagkonsumo ng caffeine
Sinasabing ang pag-konsumo ng caffeine na higit sa 200mg hanggang 350mg sa isang araw ang may panganib na magkaro’n ng miscarriage. Ang mga pag-aaral na ito ay hindi conclusive, bagamat nagbibigay ang American Pregnancy Association at Food Standards Agency – USA and hindi dapat hihigit sa 200mg kada araw ang pag-inom ng anumang inumin na may caffeine kapag nagbubuntis. Pero kung kayang tuluyang umiwas muna sa mga inuming may caffeine habang buntis at nagpapadede ng sanggol, mas makabubuti.
Ang isang bote ng Coca‑Cola Classic ay may 32mg ng caffeine, at isang lata ng Diet Coke ay may 42mg na caffeine. Mayron na ding caffeine-free softdrinks tulad ng Caffeine-Free Diet Coke, Fanta, Lilt, Sprite, at Iba pa.
Hindi dapat gamitin ang cortal at coke sa pampalaglag dahil walang buti na maidudulot ito sa katawan o kalusugan. Tandaan na ilegal din ang abortion o pagpapalaglag ng bata sa inyong sinapupunan sa ating bansa.
Ang dapat na iwasan ay ang paniniwala sa mga tinatawag na “urban legend” at siguraduhing kumunsulta sa OB-Gyne o doktor, lalo na kung may kinalaman sa kalusugan o kaligtasan ng katawan at ipinagbubuntis.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
American Pregnancy Association, Women Help, Choices Pregnancy, Pregnancy Birth Baby, Mayo Clinic
Dr. Arsenio B. Meru, Jr., MD, Doktor ng internal medicine at clinical assistant, Royal Alexandra Hospital, Alberta, Canada
Maternal caffeine consumption during pregnancy and the risk of miscarriage: A prospective cohort study. American Journal of Obstetrics and Gynecology, 198, e1-8.. Weng, X., Odouli, R. & Li, D.K. (2008).
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!