X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mister nagdesisyon na magpa-vasectomy para "mai-save ko ang asawa ko sa mga sakripisyo ng pagiging ina"

6 min read

Ano ang vasectomy at paano ito makakatulong sa pagplano ng iyong pamilya?

Mister na nagpa-vasectomy

ano ang vasectomy

Image from Facebook

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan tungkol sa vasectomy.

Kuwento ng mister na netizen, naka-schedule na sana for ligation ang kaniyang misis. Ito ay dahil ayaw na nilang masundan ang tatlo nilang anak at gusto nilang mag-concentrate na maibigay ang pangangailangan nila.

Ngunit nang malaman nilang kailangan siyang i-confine ay hindi muna nila ito itinuloy. At sa halip ay dumalo nalang muna sila sa isang family planning orientation. Ito ay isang paghahanda din sa gagawin sanang ligation sa kaniyang misis.

Dito na nalaman ng mister ang ideya ng vasectomy. At dito siya naliwanagan na mali ang una niyang paniniwala tungkol dito.

“During the orientation, na-open ang VASECTOMY. Nalaman ko na may ibang way pala na mai-save ko ang asawa ko sa mga sakripisyo ng pagiging ina (3 na po babies namin kaya marami-rami na rin syang hirap ☺️)”

“First impression syempre gagalawin si junjun mabuti kung si misis ang gagawa 🤣 Sa atin mga lalaki tuli lang usual operation na i-undergo natin sa buong buhay natin tapos yung misconceptions na ka-kapunin (Parang aso lang) 😂 Pero, pinaliwanag na lahat ng “Akala” natin sa VASECTOMY ay mali.”

Ito ang pahayag ng mister sa kaniyang Facebook post.

Vasectomy bilang paraan ng family planning

Dito na kinonsider ng mister na gawin ang vasectomy bilang paraan ng pagpaplano ng kanilang pamilya. Dahil awang-awa na daw siya sa kaniyang misis na marami ng isinakripisyo para sa kanila.

“Pero sa totoo lang awang awa ako sa mga misis sobrang dami ng sakripisyo nila yung buwanang dalaw palang mahirap na eh manganganak pa ng ilang beses jusme malolosyang pa wawa naman.”

Ang desisyon na ginawa ng mister ay lingid sa kaalaman ng kaniyang misis at ito ay pinag-isipan niyang mabuti. Pero bilang isang ama na may malasakit sa kaniyang asawa at pamilya, ay hinanda ng mister ang kaniyang sarili na ito ay maisagawa na.

“So ayun na umuwi muna kami at pinayuhan na pag isipang mabuti dahil mga bata pa kame at ang aming mga anak pero para samin okay na ang aming tatlo anghel at sympre para mabuhos namin sa kanila ang atensyon at mabigay namin lahat ng kanilang pangangailangan.”

“Buong akala ng asawa ko hindi ko kino-consider ang vasectomy hindi niya alam iniisip ko na ako naman ang magssakripisyo instead siya hindi ko rin sinasabi sa kanya at baka kulitin ako ng kulitin alam mo naman ang misis paulit-ulit na nga ang kulit pa 😅.”

ano ang vasectomy

Photo by Thomas Curryer on Unsplash

Pagsasagawa ng vasectomy

Laking gulat nga daw ng kaniyang misis ng sabihin nito ang kaniyang plano noong scheduled ligation niya na sana. Ngunit buo ang loob ng nasabing mister at itinuloy ang pagpapa-vasectomy para sa kaniyang misis at pamilya.

“During assessment kabado na rin ako para akong bata na hinatid ni nanay para magpatuli natatakot na ako. Pero sabi ko kaya ko to. Para sa asawa ko at sa pamilya namin.”

“After 30 mins, sumalang na ako at 15 mins lang tapos na mga dre wala akong naramdaman except sa parang nabayagan ng walang sakit. Pina-video ko kay esposa yung buong operation, walang tinanggal, walang nilagay in short buo parin po ako at ang BUONG PAGKALALAKI KO. Pinutol lang yung way na dinadaananan ng sperm. So, may lalabas parin pero wala ng mga swimmers 🙂 Yung sugat napakaliit lang, sinungkit lang yung tube then tsaka pinutol. Mas masakit pa ang maipitan ng zipper.”

“Kung si Esposa ang nagpa-ligate malamang naka-wheelchair to palabas ng OR, at buong linggo na mag a-aray 😂 ako lumabas ng wala lang, buong-buo parin parang walang nangyari.”

Ito ang pagkukwento ng mister na netizen ng gawin sa kaniya ang vasectomy. At dahil sa kaniyang karanasan, hinihikayat niya ang iba pang ama ng tahanan na subukan rin ang vasectomy. Dahil isa ito sa pinakamabisang paraan sa pagplaplano ng pamilya.

ano ang vasectomy

Photo by Sandy Millar on Unsplash

Mensahe para sa iba pang mga mister

“Le’ts make a change mga dre let’s step forward alisin natin ang stigma na kaylangan babae lang ang mag sasakripisyo, from pregnancy to giving birth tapos hanggang family planning sila parin? Tayo naman 😊”

“Hindi nakakabawas ng pagkalalaki ang sakripisyong gagawin mo bagkus nakakadagdag pa. Para sa pinaka mamahal mong asawa isipin mo nalang ang pinaka mahalagang regalong binigay niya sayo ang iyong mga anak. Let that sink in.”

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

“Matapang tayo sa maraming bagay sana kasama rin dito ang katapangan tanggapin ang sakripisyo para sa ating mga mahal na asawa. Tayo naman ang mag-adjust para sa pamilya natin. Huwag matakot gasino lang to kapatid sa mga pinagdaanan ng nga asawa natin.”

Ano ang vasectomy?

Ano ang vasectomy? Ito ay isa sa pinaka-effective na uri ng family planning method. Taliwas sa kaalaman ng iba kung paano ito ginagawa at kung ano ang vasectomy, ito ay isang simpleng procedure lamang.

Sa tulong ng isang doktor ay gugupitin ang small tube sa scrotum ng lalaki na kung tawagin ay vas deferens. Ito ay ang dinadaluyan ng sperm ng lalaki palabas sa kaniyang ari. Kaya naman sa oras na ito ay putol na ay wala ng sperm ang hahalo sa semen ng lalaki na kaniyang inilalabas kapag nakikipagtalik. At ang resulta nito ay walang pagbubuntis na mangyayari sa asawang babae.

Ang procedure ay ginagawa sa loob ng hindi bababa sa 15 minuto lamang. Hindi rin ito magdudulot ng matinding sakit sa isang lalaki at mabilis lang ang recovery time mula rito.

Maliban sa walang sperm na lalabas sa lalaki, walang magbabago sa ari o kakayahan ng lalaki sa pakikipagtalik matapos siyang sumailalim sa vasectomy. At ang semen o ang fluid na lumalabas sa kaniya ay pareho parin ang itsura, dami o lasa.

Ngunit ang vasectomy ay panghabang-buhay na at hindi na maaring maibalik sa dati. Kaya naman bago gawin ito ay dapat buo muna ang desisyon ng lalaking sasailalim dito.

ano ang vasectomy

Photo by Adhy Savala on Unsplash

Libreng vasectomy sa bansa

Ang isa pang dapat isaalang-alang ng lalaking sasailalim sa vasectomy ay ang presyo nito. Dahil kung sa pribadong ospital ito gagawin ay magkakahalaga ito ng higit sa sampung libong piso. Mabuti na lamang at ang ibang health insurance ay covered na ang procedure.

Ang mga walang health insurance naman ay hindi rin dapat mag-aalala dahil sa pagtutulungan ng POPCOM o Commission on Population at NVSI, isang international organization, maaring sumailalim sa vasectomy ang isang lalaki ng libre. Magtanong lamang sa mga health centers at pampublikong ospital sa inyong lugar para sa kailangang impormasyon kung interesadong subukan at sumailalim rito.

Source: Planned Parenthood, ABS-CBN News, The Philippine Star, Business World

Photo: Freepik

Basahin: Tubal ligation at Vasectomy: Mga importanteng malaman

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mister nagdesisyon na magpa-vasectomy para "mai-save ko ang asawa ko sa mga sakripisyo ng pagiging ina"
Share:
  • Tubal ligation at Vasectomy: Mga importanteng malaman

    Tubal ligation at Vasectomy: Mga importanteng malaman

  • Ano ang lupus: Mga sintomas, mabisang gamot, at paano maiiwasan ang sakit na ito

    Ano ang lupus: Mga sintomas, mabisang gamot, at paano maiiwasan ang sakit na ito

  • 6 Things you should never force your child to do

    6 Things you should never force your child to do

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Tubal ligation at Vasectomy: Mga importanteng malaman

    Tubal ligation at Vasectomy: Mga importanteng malaman

  • Ano ang lupus: Mga sintomas, mabisang gamot, at paano maiiwasan ang sakit na ito

    Ano ang lupus: Mga sintomas, mabisang gamot, at paano maiiwasan ang sakit na ito

  • 6 Things you should never force your child to do

    6 Things you should never force your child to do

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.