X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

7 min read
Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

Alamin kung paano itigil ang pag inom ng birth control pills at ang mga effects na dapat mong malaman at paghandaan para dito.

Paano kapag handa kayo ni mister o ng iyong partner magkaroon ng baby at bumuo ng pamilya? Paano nga ba ang tamang pagtigil sa inom ng pills at ano ang magiging epekto nito sa ‘yo at mga kailangan mong malaman.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paano itigil ang pag inom ng pills?
  • Ang mga dapat mong paghandaan
  • Paano mo ibabalanse ang iyong hormones kapag tumigil ka sa pag-inom ng pills

Paano itigil ang pag inom ng pills?

Kung ang tanong mo ay paano itigil ang pag inom ng pills, ang una mong kailangan malaman ay hindi ito magiging madali. Kailangan mong ihanda ang iyong sarili dahil talagang makararanas ka ng mga pagbabago sa iyong katawan.

Mayroong mga babae na mabilis makapag-adjust matapos tumigil sa birth control pills. Mayroon din namang inaabot ng ilang buwan bago bumalik sa dati.

Ayon kay Dr. Gergen Marie Lazaro-Dizon, isang OB-gynecologist at eksperto sa Infertility mula sa Makati Medical Center, hindi naman kaagad nabubuntis ang isang babae kapag tumigil siya bigla sa pag-inom ng pills. Paliwanag niya,

“When you stop the pill in the middle of the cycle, kunyare hindi mo tinapos naisipan mo ayaw mo na siya, magugulo ‘yung cycle mo. Kaya advisable talaga tapusin mo muna ‘yung isang pack kung talagang intensyon mo mag-stop. Now ‘yung pag-induce ng fertility after ‘di naman ganun. Siguro talagang nag-o-ovulate ka on your own kaya ka nagbuntis if ever naman natapat lang na pagkatapos lang na mag-intake ka ng pill.”

Kaya sa mga babaeng nais magbuntis ni Dr. Dizon ay tapusin muna o ubusin muna ang pills na iniinom upang masiguro na ikaw ang makakapag-ovulate at mabubuntis.

Dagdag pa ni Dr. Dizon asahan na raw na hihina ang flow o daloy ng regla o menstruation. Paliwanag niya,

“Kasi mababa ang estrogen o hormone content ng pill. Iyon yung actions niya talaga. In some cases talaga may mga patients na hindi nagkaka-withdrawal bleeding with the pill kaya na-tetense sila na bakit hindi ako nagka-dugo? Ngayon kung very regular naman ang intake, kung wala ka namang nami-miss at regular ang intake mo at sure ka na hindi ka pregnant hintayin mo na ‘yung next mens mo to count.”

Alamin pa ang mga dapat mong paghandaan at mararanasan kapag tumigil ka sa pag-inom ng pills.

Ang mga dapat mong paghandaan

Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

1. Maaari kang mabuntis kaagad

Sa oras na ikaw ay tumigil sa pag-inom ng birth control pills, ang iyong ovulation process ay magsisimulang muli. Pagkatapos ng isang linggo, magpo-produce na muli ang iyong katawan ng egg cell. Dahilan para maging posible na ikaw ay mabuntis kung makikipagtalik na walang proteksyon.

Pero kagaya nga ng sinabi ng Dr. Dizon, hindi naman ito sa lahat ng pagkakataon lalo na kung huminto ka sa pag-inom nito sa kalagitnaan. Mabubuntis ka lamang agad kapag huminto ka sa pag-inom ng pills kung ito’y ubos na at natapos mo ang pag-inom ng isang pakete.

2. Makararanas ka rin ng mood swings

Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito

Sanhi ng birth control pills ay may synthetic female hormones, nababalanse nito ang iyong hormones kaya naman karamihan sa mga tumitigil sa pag-inom ng pills ay nakararanas ng matitinding mood swings. Maaaring maging iritable ka at mainitin ang ulo.

3. Muli kang makakaramdam ng menstrual cramps

Kung nakararanas ka ng matinding menstrual cramps noon, maaari itong lumala sa oras na ikaw ay tumigil sa pag-inom ng pills. Kung hindi ka naman madalas na nagkaka-dysmenorrhea, walang kang dapat ikabahala dahil may tiyansang ganito pa rin ang iyong maranasan.

Para naman sa mga nakakaranas ng menstrual cramps upang maibsan ang sakit maaaring gumamit ng hot compress at ipatong ito sa inyong puson.

BASAHIN:

Depo-Provera Injection: Is This the Suitable Birth Control Method For You?

#AskDok: Paano mabuntis ang mataba? Alamin kung ano ang epekto ng timbang sa pagbubuntis

Gusto mo ba mabuntis? Mag-take ka ng mga vitamins na ito!

4. Maaaring lumakas o humina ang iyong menstrual flow

Ang iyong unang period pagkatapos mong tumigil sa pag-inom ng pills ay kadalasang malakas kumpara sa iyong usual. Ang birth control pills ay nagpapatigil ng pagkapal ng iyong uterus lining at ayon kay Dr. Sherry Ross na isang OB-Gyn,

“The lining of the uterus can be thin, where you may only have light vaginal spotting, or thick, which would cause heavier bleeding.”

Nakararanas ng “withdrawal” period ang mga babaeng tumitigil sa pills dahil babalik ka sa dati mong cycle at muling magbi-build up ang iyong uterus lining.

Pero sa ilang mga kaso kagaya ng pagpapaliwanag ni Dr. Dizon maaari naman din itong humina o minsan ay hindi nagkakaroon agad ng menstruation.

5. Madalas kang makakaramdam ng sakit sa iyong breast area

Ito ay depende sa birth control pills na iyong tine-take, pero karamihan sa mga ito ay mayroong high dosage ng estrogen at progestin. Dahil magsisimulang bumalik sa dati ang iyong katawan at magpo-produce din ito ng hormones naturally.

Maaaring makaranas ka ng pagsakit sa iyong breast area. Mayroon namang iba na nagsasabi na mas naging komportable ang pakiramdam ng kanilang breasts noong tumigil sa pills, kaya sinasabi pa rin na ito ay depende talaga sa pag-adapt ng katawan ng isang babae.

6. Bababa ang iyong iron levels

Dahil kadalasang naglalaman ng iron ang mga birth control pills, nagiging regular lamang ang flow ng period ng babae na nagte-take nito. Kaya naman kapag ikaw ay off the pill na, maaari kang makaranas ng iron deficiency. May mga kaso pa nga na naglalagas ang buhok hanggang sa makalbo, ngunit hindi naman ito dapat ikabahala dahil ito lamang ay worst case scenario.

7. Low libido

Dahil nga sa hormones na napakaloob sa birth control pills, mawawala ang lahat ng tulong nito sa oras na ito ay itigil mong inumin. Karamihan sa mga babae na nakaranas nito ang nagsabing hindi na raw nila na-eenjoy ang sex katulad noong sila ay naka-pills dahil ang kanilang sex drive ay babalik din sa normal.

Mayroon namang mga paraan upang bumalik sa dati ang iyong katawan. Maaari mong i-balanse ang iyong hormones kung iyong nanaisin.

Paano mo ibabalanse ang iyong hormones kapag tumigil ka sa pag-inom ng pills?

Woman hand holding a contraceptive panel prevent pregnancy Free Photo

1. Iwasan ang excess estrogen

Ang mga cosmetic products at body care products na iyong ginagamit ay maaring maging source ng excess estrogen. Siguraduhing gumamit ng mga paraben-free products at kumain din ng mga pagkaing may soy, sesame at flax seeds para ma-regulate ang iyong estrogen levels. Kapag ito ay iyong nagawa, isa lang sa maraming benefits na iyong mararanasan ay pagkawala ng mood swings at acne.

Partner Stories
Moving your family to a condo? Here are 7 family-friendly features to watch out for
Moving your family to a condo? Here are 7 family-friendly features to watch out for
Bored sa Merienda? Here are Some Fluffylicious Snacks to Create at Home!
Bored sa Merienda? Here are Some Fluffylicious Snacks to Create at Home!
#MiniIsPowerful: realme Pad Mini launches  with up to P2,000 OFF on Lazada starting April 5
#MiniIsPowerful: realme Pad Mini launches with up to P2,000 OFF on Lazada starting April 5
5 reasons to fall in love in BGC this Valentines
5 reasons to fall in love in BGC this Valentines

2. Kumain ng masusustansyang pagkain

Tandaan na kailangan mong i-boost ang iyong iron kaya naman kumain ng mga pagkain na nutrient-rich at panatilihin ito. Maigi rin kung susubukan mong kumain ng mga pagkain na walang masyadong preservatives.

Ang pagkakaroon ng balanced diet at healthy lifestyle ay tiyak na makatutulong sa iyo upang hindi mo maranasan ang mga nabanggit. Hindi magiging madali ang iyong pagta-transition, ngunit sigurado naman na ito ay iyong makakaya.

 

SOURCES:

PopSugar, Empowered Sustenance, WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Birth Control Pills: Ang mga epekto kapag tumigil kang uminom nito
Share:
  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

    Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • What happens to your body when you stop birth control pills?

    What happens to your body when you stop birth control pills?

  • Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

    Anu-anong mga gamot ang nakakawala ng bisa ng birth control pills?

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.