Unang araw ng iyong huling period: Karaniwan, tumatagal ang pagbubuntis ng 40 weeks. Kaya naman upang makalkula ang iyong estimated due date, magbilang ng 40 weeks (280 days) mula sa unang araw ng iyong huling menstrual period.
Petsa ng conception: Ang last menstrual period method ay maaaring hindi gumana sa'yo lalo na kung irregular ka. Sa kasong ito, maaari mong makalkula ang iyong estimated due date sa pamamagitan ng pagbibilang ng 38 weeks (266 days) mula sa petsa ng iyong conception.