Epekto ng usok ng sigarilyo sa buntis, maaring magdulot ng cancer at developmental disorders sa sanggol, ayon sa pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang epekto ng secondhand smoke sa ipinagbubuntis na sanggol.
- Paano maiiwasan ang epekto ng usok ng sigarilyo sa buntis at kaniyang sanggol.
Epekto ng usok ng sigarilyo sa buntis
Maraming pag-aaral na ang nakapagpatunay na delikado ang usok ng sigarilyo o secondhand smoke sa buntis at kaniyang sanggol. Ito ay sinasabing nagdudulot ng low birthweight at birth defects sa mga sanggol.
Maaari ring magdulot ng SIDS o sudden infant death syndrome kung magpapatuloy na ma-expose ang sanggol sa usok ng sigarilyo sa oras na siya ay maipanganak.
Kaya paulit-ulit na paalala ng mga pag-aaral, huwag manigarilyo habang buntis. Dapat ding iwasan na ma-expose sa sinumang naninigarilyo para makaiwas sa secondhand smoke.
Ang mga paalalang ito ay dapat mas mahigpit na sundin pa lalo sa ngayon ng mga buntis. Sapagkat ayon sa isang bagong pag-aaral, kahit ang maikling panahon ng pagkaka-expose sa usok ng sigarilyo ay maaari pa ring magdulot ng epekto sa kalusugan ng ipinagbubuntis na sanggol.
Pinapataas umano ng usok ng sigarilyo ang tiyansa ng isang sanggol na makaranas ng developmental disorders. Pati na ang pagkakaroon ng mga sakit tulad ng diabetes at cancer sa kaniyang pagtanda.
Mas matagal umano ang pagkaka-expose ng buntis sa secondhand smoke, mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng mga nabanggit na kondisyon ang ipinagbubuntis niyang sanggol.
Ang nabanggit na findings ay natuklasan ng mga researchers mula sa Virginia Commonwealth University Massey Cancer Center sa Virginia, USA. At ang kanilang ginawang pag-aaral ay nailathala sa journal na Environmental Health Perspectives.
Photo by Anastasiia Chepinska on Unsplash
Findings ng pag-aaral
Ayon sa ginawang pag-aaral, walang level ng secondhand smoke exposure ang ligtas sa ipinagbubuntis na sanggol. Dahil ayon sa lead author ng pag-aaral na si Bernard Fuemmeler, kahit ang low-levels ng secondhand smoke exposure ay natuklasan nilang may epekto sa disease related pathways ng mga babies.
Bagama’t nilinaw niya na hindi naman ibig sabihin nito na ang isang sanggol na na-expose sa secondhand smoke ay agad na magkakasakit na. Pero mas tumataas umano ang tiyansa niyang makaranas ng mga sakit habang mas tumatagal rin ang exposure ng kaniyang ina sa secondhand smoke.
“What we recommend to mothers in general is that no level of smoke exposure is safe. Even low levels of smoke from secondhand exposure affect epigenetic marks in disease-related pathways. That doesn’t mean everyone who is exposed will have a child with some disease outcome, but it contributes to a heightened risk.”
Ito ang pahayag ni Fuemmeler, associate director for population science and interim co-leader ng Cancer Prevention and Control program sa VCU Massey Cancer Center.
BASAHIN:
Daddy, wag kang manigarilyo malapit kay mommy! 6 epekto ng secondhand smoke sa buntis
Amoy ng sigarilyo sa kamay, masama para sa kalusugan ng bata
Bagong silang na baby namatay dahil sa usok ng sigarilyo
Pagsasagawa ng pag-aaral
Ang findings na ito ng pag-aaral na ginawa nila Fuemmeler ay natuklasan nila matapos i-analyzed ang data ng 79 na buntis na mga babae.
Ito ay mga nag-enroll sa kanilang ginawang pag-aaral na tinawag nilang Newborn Epigenetics Study (NEST) mula noong 2005 hanggang 2011.
Sila rin ay na-expose sa secondhand smoke at nakitang lahat ay may concentration ng cotinine, o byproduct ng nicotine sa kanilang dugo.
Ang tumawag nga ng pansin ng mga researchers ay tumutugma ang level ng cotinine na nakita sa kanilang dugo sa level ng exposure nila sa usok ng sigarilyo.
Nagpatuloy nga ang pagsubaybay ng mga researchers sa mga buntis na bahagi ng pag-aaral hanggang sila ay makapanganak na.
Matapos isilang ang kanilang mga sanggol ay kinukunan nila ang mga ito ng blood sample mula sa kanilang umbilical cord. Saka ito isinasailalim sa tinatawag nilang epigenome-wide association study o EWAS.
Ito ang tumutukoy sa relasyon ng cotinine levels sa dugo ng mga sanggol sa epigenetic patterns ng kanilang katawan. Natuklasan nga ng pag-aaral na mas mataas ang cotinine level ng sanggol.
Mas mataas din ang tiyansa niyang magkaroon ng epigenetic marks sa mga genes na nagkokontrol sa development ng utak. Pati sa mga genes na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mga sakit na diabetes at cancer.
Rekumendasyon ng pag-aaral
Photo by fotografierende on Unsplash
Pahayag ni Fuemmeler, na lead author ng pag-aaral, patunay lang ang kanilang findings na napaka-halaga ng malinis na hangin. Hindi lang para sa atin na nabubuhay na sa mundo, kung hindi pati narin sa mga ipinagbubuntis palang na mga sanggol.
“It highlights the importance of clean air. It’s important not only for our homes but also in the environment. Clean air policies limit smoke in public, and for pregnant women that may have long-term effects on offspring.”
Ito ang pahayag pa ni Fuemmeler.
Ang pag-aaral na ginawa nila Fuemmeler ay isa ring sinasabing patunay na ang mga adult diseases tulad ng diabetes ay may kaugnayan hindi lang sa stress, poor nutrition at pollution. Kung hindi pati narin sa early development o habang ipinagbubuntis palang ang isang tao.
Paano maiiwasan na makalanghap ng second hand smoke?
Banner photo created by freepik – www.freepik.com
Ang unang paraan na dapat mong isagawa upang makaiwas sa epekto ng second hand smoke sa buntis ay ang ipaalam sa mga taong naninigarilyo sa paligid mo ang panganib nito sa iyong sanggol.
Mas mabuting patigilin sila o kaya naman ay palayuin sayo sa oras na sila ay naninigarilyo. Ang iba pang maaari mong gawin para makaiwas sa second hand smoke ay ang sumusunod:
- Iwasang pumunta sa mga lugar na may mga taong naninigarilyo.
- Makiusap sa mga driver ng sinasakyang pampublikong transportasyon na huwag manigarilyo. O kaya naman ay lumipat at maghanap ng ibang sasakyan.
- Kung may bisita sa bahay na naninigarilyo, maayos na kausapin sila na gawin ito sa labas ng bahay. Siguraduhing kung gagawin ito ay sarado ang bintana at pinto.
- Mabuti ring maglagay ng payong o raincoat sa labas ng pinto sa tuwing umuulan. Ito ay upang hindi maging dahilan ang ulan para manigarilyo sila sa loob ng bahay.
Mahalaga rin na tandaan na ang third hand smoke ay mapanganib rin. Ito ang mga toxins o chemicals na naiiwan sa damit o gamit ng naninigarilyo. Kaya matapos manigarilyo si mister o taong malapit sayo ay mabuting pagpalitin sila ng damit at paghugasin ng kamay.
Source:
Science Daily, March of Dimes, CDC
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!