X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sophie Albert, ibinahagi na naging fussy si Baby Avianna dahil sa GERD

7 min read
Sophie Albert, ibinahagi na naging fussy si Baby Avianna dahil sa GERD

Nahirapan raw sila sa unang buwan ng anak dahil mayroon itong GERD.

Sophie Albert, ibinahagi na nahirapan ang kaniyang anak dahil sa GERD. Ano ba ang kondisyong ito at paano ito nagagamot? Alamin rito ang tungkol sa acid reflux sa sanggol.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagkakaroon ng GERD ni Baby Avianna
  • Ano ba ang GERD?
  • Acid reflux sa sanggol
Sophie Albert, ibinahagi na naging fussy si Baby Avianna dahil sa GERD

Mula sa Instragam ni Sophie Albert

Pagkakaroon ng GERD ni baby Avianna

Ayon kay Sophie Albert, ang kaniyang anak ay nagkaroon ng  gastroesophageal reflux disease o GERD. Ikinuwento ng aktres ang detalye sa kanilang vlog ng kasintahan na si Vin Abrenica.

“If you had told me like last week or two weeks ago na we would have been able to put Avianna down kahit for like five seconds nang hindi siya umiiyak, I wouldn’t believe it. Kasi she’s a super duper fussy baby.” aniya.

Dito kaniyang ipinaliwang na ang pagkakaroon ng GERD o  gastroesophageal reflux disease ni Baby Avianna ay nagdulot sa kanya ng pagkabahala kung ano ang pwede mangyari sa kanilang anak.

Mga Epekto ng GERD kay Baby Avianna

“We found out that she has GERD. Something like her stomach isn’t as mature yet. She has a problem, I guess, digesting her milk that’s why she’s super fussy.”

Kuwento ng bagong ina, nahirapan talaga sila sa pag-aalaga sa kanilang sanggol dahil dito.

“We are having such a hard time with her,” sabi ni Sophie. “But recently, like the past four days, five days, she’s been much easier to deal with. She hasn’t been crying as much. For the past two nights, she’s been sleeping for at most two and a half hours.” dagdag niya

Masaya rin niyang ikinuwento ang mga improvements ni Baby Avianna, na nagbigay ngiti sa mga tagapanood ng kanilang vlog.

Inamin rin ni Sophie na dahil siya ay bagong ina pa lang, maraming adjustments talaga ang kaniyang ginagawa. Ngunit unti-unti na rin nilang natututunan ng partner na si Vin ang mga pangangailangan ng bata.

“She’s getting better. We are both getting better together. The three of us are starting to have a bit of a language together.” aniya.  “I’m starting to understand na rin like, her cries if she’s really hungry, or she’s just a little bit more needy, she just needs more comfort.” “Slowly, we’re getting to know each other better and we’re really enjoying it.”

acid reflux sa sanggol Larawan mula sa Instagram account ni Sophie Albert

Ano ba ang GERD?

Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay nangyayari kung ang acid sa tiyan ay madalas na umaakyat sa esophagus. Ang acid reflux na ito ay nakakairita sa lining ng iyong esophagus.

Maraming tao ang nakararanas ng acid reflux paminsan-minsan. Kung mayroong GERD, maaaring makaranas ng mild acid reflux dalawang beses isang linggo, o moderate to severe acid reflux higit isang beses kada linggo.

Depende sa sakit na nararanasan kung may GERD, maaaring humupa ang GERD sa pamamagitan ng ilang lifestyle changes at over-the-counter na gamot. Ngunit mayroong ding kailangan ng mas matapang at mataas na dosage ng gamot.

Ang acid reflux, na kilala rin bilang acid indigestion, ay nangyayari kapag gumagalaw ang tiyan acid mula sa tiyan at sa lalamunan.

Sa ilalim ng normal na pangyayari, ang mga kalamnan sa ilalim ng lalamunan – na kilala bilang mas mababang esophageal sphincter (LES) – ay nagsisilbing hadlang upang maiwasan itong mangyari.

Subalit kung ang mga kalamnan ay mahina o lundo at huwag isara ang lahat ng mga paraan, pagkatapos ay maaaring mangyari ang kati.

BASAHIN:

Acid reflux sa mga baby: Sanhi, sintomas, at lunas para dito

Lungad o Suka? Alamin ang pagkakaiba at kung kailan dapat mabahala

Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

GERD vs Acid Reflux

Ang GERD at acid reflux ay dalawang sakit na maaaring mag-trigger ng masakit na sensation mula sa tiyan hanggang sa esophagus. Kahit na ang dalawang salita ay hindi talaga magkaiba, kinakailangan pa rin kumonsulta sa doctor kapag ang iyong acid reflux ay lumala.

Kilala rin ang GERD bilang Gastroesophageal Reflux Disease, isa itong abnormal na kondisyon kung saan ang acid sa tiyan ay umakyat hanggang esophagus.

Maaaring mangyari sa lahat ang pagkakaroon ng GERD at acid reflux. Posibleng makaranas ng acid reflux ang isang tao ng dalawang beses sa isang linggo.

Subalit kung ito ay higit pa sa nangyari, asahan mo na ikaw ay may GERD. Ang acid reflux kasi ay nangyayari dahil sa isang abnormality sa esophageal sphincter kung saan dapat na i-block ang mga nilalaman na acid pataas mula sa tiyan. Dahil hindi nito ma-block ang acid, kaya’t ito ay umakyat hanggang sa dibdib at esophagus na nag-iiwan ng damdamin ng heartburn.

Ano ang sanhi ng GERD sa mga sanggol at bata?

acid reflux sa sanggol

Larawan mula sa People photo created by jcomp – www.freepik.com

Karamihan,  ang acid reflux sa mga sanggol ay sanhi ng isang hindi maayos na ugnayang gastrointestinal tract. Maraming mga sanggol na may GERD ay malusog; gayunpaman, ang ilang mga sanggol ay maaaring magkaroon ng mga problema na nakakaapekto sa kanilang mga nerves, brain at muscles.

Ayon sa National Digestive Diseases Information Clearinghouse, ang immature digestive system ng bata ay karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon nito. Kadalasan, ito ay nangyayari bago pa sila mag-isang taong gulang. 

Sa mas matatandang bata, ang mga sanhi ng GERD ay madalas na kapareho ng nakikita sa mga matatanda.  Anumang bagay na sanhi ng muscular valve sa pagitan ng tiyan at lalamunan (ang mas mababang esophageal sphincter, LES) upang makapagpahinga, o anumang bagay na nagdaragdag ng presyon sa ibaba ng LES, ay maaaring maging sanhi ng GERD.

Ang ilang mga kadahilanan ay maaari ring mag-ambag sa GERD, kabilang ang labis na timbang, labis na pagkain, pagkain ng maanghang o pritong pagkain, pag-inom ng caffeine, carbonation, at mga tukoy na gamot. At meron ding ibang kaso na dahil sa genes kaya sila nagkakaroon ng GERD. 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Sintomas ng acid reflux sa mga sanggol

acid reflux sa sanggol

Larawan mula sa Baby photo created by jcomp – www.freepik.com

Gaya ng kuwento ni Sophie, maaring mas fussy o iritable ang isang sanggol kapag nakakaranas siya ng acid reflux. Ito ay dahil maaring nakakaramdam siya ng sakit sa kaniyang tiyan o discomfort kapag bumabalik ang gatas na kaniyang iniinom sa kaniyang espohagus.

Narito ang ilang senyales na mayroong acid reflux o GERD ang iyong baby:

  • madalas na paglungad at pagsusuka
  • mahinang magdede o kumain
  • balisa at iritable habang at pagkatapos dumede o kumain
  • sinisinok
  • hindi nadaragdagan ng timbang
  • laging nag-uunat ng kaniyang likod o nakaliyad
  • madalas na inuubo
  • choking o parang nabubulunan pagkatapos magdede
  • hindi nakakatulog nang matagal

Kailan dapat pumunta sa doktor

Bagamat habang lumalaki siya ay nagdedevelop rin ang kaniyang digestive tract kaya posibleng kusang mawala ang sintomas ng GERD o acid reflux sa sanggol. Subalit mayroon namang mga kaso na senyales ito ng mas matinding karamdaman na pwedeng agapan.

Ipakonsulta agad si baby sa kaniyang pediatrician kapag napansin ang mga sumusunod:

  • Hindi nadadagdagan ng timbang
  • Madalas ang kaniyang pagsuka
  • Kulay green o yellow ang kaniyang suka o lungad
  • May kulay itim o dugo sa kaniyang suka
  • Ayaw kumain o dumede
  • Mayroong maitim o dugo sa kaniyang dumi
  • Nahihirapang huminga o matagal na ubo
  • Nagsisimulang maglungad sa edad na 6 na buwan pataas
  • Madalas na iritable pagkatapos kumain o dumede

Tandaan, natural sa mga sanggol ang umiyak nang madalas, subalit kung mayroon kang napapansin na kakaiba sa iyong anak, huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor.

 

Sources:

WebMD Mayo Clinic, Medical News Today,

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

reginedy

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sophie Albert, ibinahagi na naging fussy si Baby Avianna dahil sa GERD
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.