Gamot sa hindi natunawan ba ang hanap mo? May mga maari kang inumin sa loob ng inyong bahay na hindi mo na kailangan pang bilhin sa botika. Ano nga ba ang gamot sa impatso o indigestion? Ano ang gamot sa pagtatae ng bata at matanda?
Napakasarap kumain. Lalo na kung gutom na gutom ka o kaya paborito mo ang ulam, minsan ay hindi mo mapigilan ang iyong sarili na kumain nang marami. Pero baka naman sa sobrang gana mo, hindi ka na matunawan at makaranas ng indigestion. Maging ang mga bata ay maaaring ma-impatso. Ano nga ba ang sintomas ng impatso sa bata at matanda?
Ano ang impatso o indigestion
Ang indigestion o hindi pagkatunaw ng pagkain sa tiyan ay madalas na nararanasan ng marami sa atin. Ito ay dahil napapasobra o masyadong mabilis ang ating pagkain.
Bagamat ang indigestion ay hindi isang sakit, ito ay maaaring sintomas ng gastrointestinal problems gaya ng ulcer, gastritis at acid reflux.
Impatso sintomas
Ang pangunahing sintomas ng impatso sa bata o matanda ay ang mabigat na pakiramdam sa tiyan pagkatapos kumain, pananakit ng tiyan o burning sensation sa itaas na bahagi ng tiyan.
Impatso sintomas
Narito pa ang mga karaniwang sintomas ng hindi pagkatunaw ng pagkain sa tiyan ng isang tao:
- Nasusuka
- Pakiramdam na busog at hindi na kayang kumain
- May nararamdamang sakit sa itaas na bahagi ng tiyan
- Nakakaramdam ng burning sensation sa itaas na bahagi ng tiyan
- Bloating
- Pagdighay
Impatso sa bata sintomas
Ang mga nabanggit na sintomas ng impatso ay ganoon din ang impatso sa bata sintomas. Bukod pa sa mga nabanggit, posible ring makaramdam ang bata ng pagduduwal at burning sensation sa sikmura at pagtigas ng tiyan.
Gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae | Image from Medical News Today
Sanhi ng indigestion
Ang indigestion o tinatawag rin dyspepsia ay maraming maaaring maging sanhi. Kadalasan, ang hindi pagkatunaw ng pagkain ay nauugnay sa ating lifestyle at maaaring ma-trigger ng pagkain, inumin o gamot. Kabilang sa mga karaniwang sanhi ng hindi pagkatunaw ng pagkain ay:
- Pagkain ng sobra o pagkain ng masyadong mabilis
- Pagkain ng matataba, oily at maanghang na pagkain
- Pag-inom ng masyadong maraming caffeine, alkohol, tsokolate o carbonated drinks
- Paninigarilyo
- Kapag balisa ang pakiramdam o stressed kapag kumakain
- Ang ilang mga antibiotics, pain reliever at iron supplement
Minsan ang hindi pagkatunaw ng pagkain ay dulot ng iba pang sakit at kondisyon na may kinalaman sa pagtunaw, kabilang ang:
- Pamamaga ng tiyan (gastritis)
- Peptic ulcer
- Celiac disease
- Constipation
- Pamamaga ng pancreas (pancreatitis)
- Kanser sa tiyan
- GERD
- Irritable bowel syndrome
Mas malaki rin ang posibilidad ng mga buntis na magkaroon ng indigestion.
Indigestion sa babies
Tinatawag ding acid reflux o gastroesophageal reflux (GERD) ang indigestion sa mga babies.
Mas madaling magkaroon ng acid reflux ang mga sanggol dahil mahina o underdeveloped pa ang kanilang lower esophageal sphincter (LES). Sa katunayan, halos kalahati ng populasyon ng mga sanggol ay nakakarasan nito.
Ang kondisyong ito ay kadalasang nangyayari sa edad na apat na buwan at kusang nawawala sa pagitan ng 12-18 months.
Mga sintomas ng Acid reflux sa mga baby
Hindi naman dapat ipag-alala ang pagkakaroon ng infant reflux. Kapag ang infant reflux ay tumagal ng higit sa 24 months,maaaring senyales na ito ng gastroesophageal reflux disease (GERD), mas malalang kondisyon ng acid reflux.
Ilan sa mga karaniwang sintomas nito sa mga sanggol ay:
- Pagdudura o pagsusuka
- Ayaw kumain o nahihirapang lumunok o kumain
- Pagiging irritable kapag kumakain
- Wet burps o pagsinok
- Hindi nadadagdagan o nababawasan pa ang timang
- Abnormal arching o pamimilipit ng likod, kadalasan nangyayari sa gabi o pagkatapos kumain
- Madalas na pag-ubo
- Pagbuga o parang nasasakal
- Pananakit ng dibdib o heartburn
- Hindi makatulog ng maayos
Kung sakaling makapansin ng mga sintomas na ito, magpakonsuklta agad sa inyong pediatrician.
Gamot sa sakit ng tiyan at sikmura: Mga home remedy
Narito ang mga home remedy na gamot sa sakit ng tiyan o sikmura para sa mga matatanda:
Tandaan huwag itong susubukan sa mga sanggol, lalo na sa mg newborn babies. Kapag sumasakit ang sikmura ng iyong anak mas maganda ipakonsulta siya sa doktor.
1. Peppermint tea
Maliban sa pagiging breath freshener, ang peppermint tea ay mabisa ring gamot sa hindi natunawan. Ngunit ito ay hindi dapat inumin o kainin ng may mga acid reflux, GERD at ulcer dahil mas palalalain ng peppermint ang sintomas ng indigestion.
Ang pag-inom ng isang tasang peppermint tea pagtapos kumain ay makakatulong maibsan ang sintomas ng indigestion. Magandang ideya rin ang pagtatago ng peppermint candy sa iyong bulsa na puwede mong kainin pagkatapos kumain ng iyong meal.
Larawan mula sa Freepik
2. Chamomile tea
Kilala ito bilang natural na pampakalma ngunit maliban dito, ang chamomile tea ay nakakatulong din para maibsan ang discomfort na dulot ng indigestion at gamot sa sakit ng sikmura. Ito ay sa pamamagitan ng pagbawas ng mga acid sa ating gastrointestinal tract.
Isa rin itong anti-inflammatory agent na tumutulong para mapigilan ang pagsakit ng tiyan.
Ngunit bago uminom nito ay dapat magpakonsulta sa doktor lalo na kung umiinom ng blood thinner. Dahil ang chamomile ay may taglay na ingredient na isang anticoagulant na maaring magdulot ng pagdurugo kapag naihalo sa blood thinner.
Para gawing gamot sa hindi natunawan, magpakulo lang ng isa o dalawang chamomile teabags sa loob ng sampung minuto. Ilagay sa tasa, lagyan ng honey at inumin.
3. Apple cider vinegar
Masama rin ang masyadong kaunting acid sa tiyan at maari ring magdulot ng indigestion. Ang pag-inom ng apple cider vinegar ay makakatulong para madagdagan ang produksyon nito.
Maglagay lang ng isa o dalawang kutsarita ng raw, unpasteurized apple cider vinegar sa isang tasang tubig at inumin. Maaari ring uminom ng mixture 30 minuto bago kumain para maiwasan ang indigestion. Ito ay maituturing na ring gamot sa hindi natunawan.
Ngunit kailangang tandaan na ang sobrang pag-inom ng apple cider vinegar ay maaaring magdulot ng pananakit ng ngipin, pagsusuka, pananakit ng lalamunan at pagbaba ng blood sugar.
4. Licorice root
Ang licorice root naman ay mahusay na pampakalma sa muscle spasms at pamamaga sa gastrointestinal tract na nagdudulot ng indigestion.
Ngumuya lang ng licorice root o kaya naman ay ihalo ito sa kumukulong tubig at inumin kapag bahagyang lumamig na. Gawin ito 30 minuto bago o pagkatapos kumain para maibsan ang indigestion.
Tandaan lang na hindi dapat sumobra sa 2.5 grams ng licorice root ang macoconsume sa loob ng isang araw. Dahil ito ay maaring magdulot ng sodium at potassium imbalance pati na rin ng high blood pressure.
5. Fennel seed
Ang fennel seed ay isa ring mabisang gamot sa hindi natunawan. Ginagamot rin nito ang mga gastrointestinal problems gaya ng sakit ng tiyan, pagsusuka at bloating.
Maglagay lang ng kalahating kutsarita ng fennel seed sa tubig at hayaan itong kumulo ng sampung minuto bago inumin. Maari rin itong nguyain bago kumain para makaiwas sa indigestion.
Nakakatulong naman ang baking soda para i-neutralize ang acid sa tiyan at mawala ang indigestion.
Ihalo lang ang ½ teaspoon ng baking soda sa 4 ounces ng tubig at inumin. Inumin kung kinakailangan ngunit hindi dapat bababa sa dalawang oras ang pagitan mula sa unang pag-inom.
Ang alkaline effect ng lemon water ay nagbabalanse ng acid sa tiyan para maibsan ang indigestion at posibleng gamot sa hindi natunawan.
Maghalo lang ng isang kutsarang lemon juice sa mainit o maligamgam na tubig at inumin bago kumain.
Gayunpaman, ang sobrang lemon water ay masama rin sa ating katawan dahil maaari nitong tanggalin ang mga enamel sa ngipin at nagdudulot ng madalas na pag-ihi.
Gamot sa sakit ng tiyan at pagtatae | Image from Freepik
Isa pang mabisang home remedy na gamot sa sakit ng tiyan ay ang luya dahil binabawasan din nito ang acid sa tiyan.
Uminom ng isang tasang ginger tea para maibsan ang sintomas ng indigestion. Maaari ring sumubo ng ginger candy o gumawa ng ginger water. Magpakulo lang ng isa o dalawang piraso ng luya sa apat na tasang tubig. Lagyan ng lemon o honey bago inumin.
Tandaan lang na ang sobrang consumption ng luya na lagpas sa 3-4 grams per day ay maaring magdulot ng kabag, pananakit ng lalamunan at heartburn.
Acid reflux treatment para sa mga babies
Ang pagbabago sa lifestyle at paraan pagpapakain ay maaaring makatulong sa acid reflux o GERD ng iyong baby. Ilan sa mga ito ay:
- Maglagay ng rice cereal sa bote ng formula o breastmilk ng iyong baby. Itanong sa inyong doktor kung gaano karami ang maaari mong idagdag.
- Padighayin ang iyong baby matapos uminom ng 1-2 ounces ng formula. Kung ikaw naman ay nagpapasuso, padighayin ang iyong baby matapos dumede sa isang suso.
- Iwasan ang overfeeding, bigyan lamang ng recommended na dami ng formula o breast milk.
- Hawakan patayo ang iyong baby sa loob ng 30 minuto matapos kumain.
- Kung ikaw ay gumagamit ng formula, at sa tingin ng iyong doktor ay sensitibo ang iyong baby sa milk protein, maaaring pagpalitin ka ng ibang gatas. Makipag-usap sa iyong doktor bago magpalit ng formula.
- Iangat ang ulo ng iyong baby sa crib o bassinet.
- Pakainin ng kaunti ngunit maraming beses ang iyong baby.
- Subukan ang solid food (kailangan muna nito ng go signal mula sa inyong doktor).
Kung hindi bumuti o lumala ang acid reflux ng iyong baby, magsabi agad sa inyong doktor upang mabigyan ng tamang gamot para dito.
Anong dapat gawin kapag may indigestion?
Maaaring hindi mo kailangan ng anumang paggamot. Maari namang mawala ng kusa ang sintomas ng indigestion pagkalipas ng ilang oras. Ngunit ipaalam sa iyong doktor kapag napansin mong lumala ang iyong mga sintomas.
Ang anumang paggamot na makukuha mo ay nakasalalay sa kung ano ang sanhi ng iyong hindi pagkatunaw ng pagkain. Maaari mo ring gawin ang ilang mga bagay sa iyong sarili upang mapagaan ang iyong mga sintomas:
- Iwasang ngumuya nang bukas ang iyong bibig, makipag-usap habang ngumunguya, o kumain nang masyadong mabilis. Ginagawa lang nito ay nalulunok mo ang sobrang hangin, na maaaring magdulot ng kabag at hindi pagkatunaw ng pagkain.
- Uminom ng mga inumin pagkatapos kaysa habang pagkain.
- Iwasang kumain nang masyadong gabi.
- Subukang mag-relax muna pagkatapos kumain.
- Iwasan ang pagkain ng masyadong mamantika at maaanghang na pagkain.
- Iwasan rin ang paninigarilyo at pag-inom ng alak,
Kung nakakaramdam ka pa rin ng mga sintomas ng indigestion sa kabila ng pagsunod sa mga nabanggit na paalala, kumonsulta sa iyong doktor para maresetahan ka ng tamang gamot para sa hindi natutunawan.
Samantala, kung ang indigestion ay nagpatuloy pa ng lagpas sa dalawang linggo, dapat ka nang kumonsulta sa iyong doktor, lalo na kung sinasamahan ito ng mga sumusunod na sintomas:
- pagbaba ng timbang
- matinding pananakit ng tiyan
- kawalan ng gana sa pagkain
- itim na kulay ng dumi
- hirap sa paglunok
- matinding pagod
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng indigestion?
Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang indigestion ay alamin ang mga pagkain at mga sitwasyon na nagiging dahilan nito. Maaari kang magsulat ng food diary upang malaman mo kung anong pagkain ang nagiging dahilan nito.
Ang iba pang paraan upang maiwasan ito ay:
- Kumain ng kaunti upang hindi gaanong kailangan magtrabaho ng tiyan nang matagal.
- Kumain nang mabagal.
- Umiwas sa mga pagkain na mataas sa acid, tulad ng citrus fruits at kamatis.
- Bawasan ang pagkain ng maanghang
- Bawasan ang pagkain ng mga mamantikang pagkain
- Iwasan ang pagkain ng mga pagkain o inumin na may caffeine.
- Kung isa sa trigger nito ay stress, humanap ng paraan kung paano ito i-manage, tulad ng pagre-relax at biofeedback techniques.
- Bawasan ang pag-inom ng alcoholic drinks.
- Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na damit. Nakakadagdag ito sa pressure sa iyong tiyan, na maaaring maging dahilan ng pagtaas ng pagkain saiyong esophagus.
- Huwag mag-ehersisyo nang busog. Gawin ito bago kumain o isang oras matapos kumain.
- Huwag humiga pagtapos kumain.
- Maghintay ng hanggang tatlong oras matapos ang iyong huling pagkain sa isang araw bago matulog.
Maaari mo ring iangat ang iyong ulo at dibdib nang mas mataas sa iyong paa. Ngunit huwag gumamit ng unan para maiangat ito dahil maaari lang itong magbigay ng pressure sa iyong tiyan at mapalala ang iyong heartburn.
Tandaan, ang tamang ugali sa pagkain ay nakakatulong sa magandang digestion at para makaiwas sa mga sakit. Kumain nang sapat lang, mahinahon at i-enjoy ang iyong pagkain.
Diarrhea o pagtatae ng bata
Larawan mula sa Freepik
Bukod sa impatso, karaniwan din sa mga bata ang pagkakaroon ng diarrhea o pagtatae. Ang diarrhea ay ang pagdumi ng malambot at matubig na stool. Maya’t maya o pabalik-balik din sa pagdumi kapag may diarrhea.
Kusa namang gumagaling sa pagtatae ang bata sa loob ng isa hanggang dalawang araw. Kaya lamang, kung hindi gumaling ang pagtatae nang higit dalawang araw, makabubuting patingnan sa doktor ang iyong anak dahil baka senyales ito nang mas seryosong problemang pagkalusugan.
Ayon sa Hopkins Medicine, ilan sa mga maaaring sanhi ng diarrhea sa bata ay ang mga sumusunod:
- Impeksyon dulot ng bacteria
- Viral infection
- Food intolerance o hirap sa pagtunaw ng ilang pagkain
- Allergy sa pagkain
- Parasites na nakapasok sa katawan mula sa pagkain at inumin
- Reaksyon ng katawan sa gamot
- Sakit sa bituka tulad ng inflammatory bowel disease
- Functional bowel disorder
Kapag matindi rin ang dinaranas na pagtatae ng bata ay mahalagang dalahin agad ito sa doktor para malapatan ng tamang lunas at maiwasan ang lubhang paglala pa nito.
Sintomas ng pagtatae sa bata
Maaaring makaranas ng mga sumusunod na sintomas ang iyong anak kung ito ay may diarrhea.
- Stomach cramps
- Pagsakit ng tiyan
- Pagduduwal
- Pananakit ng puson
- Pabalik-balik na pakiramdam na natatae
- Paninigas ng tiyan o bloating
- Lagnat
- Dugo sa dumi
- Dehydration
Gamot sa pagtatae ng bata
Ang gamot sa pagtatae ng bata ay nakadepende sa sintomas, eedad, at kabuuang lagay ng kalusugan ng iyong anak. Nakadepende rin ito kung gaano kalala o katindi ang diarrhea na dinaranas ng bata.
Sa maraming kaso ng diarrhea sa bata, ang pangunahing concern ay ang mapanatiling hydrated ang bata. Kaya naman ang isa sa mga gamot sa pagtatae ng bata ay kailangang ma-replace o mapalitan ang mga nawalang fluid sa katawan. Kung bacterial infection ang sanhi ng pagtatae, antibiotics ang irerekomenda ng doktor.
Kailangang painumin ng maraming fluid ang bata para maiwasan ang dehydration.
Narito ang mga maaari mong gawin para matulungan ang iyong anak na may diarrhea:
- Bigyan ito ng glucose-electrolyte solutions na nabibili sa mga botika. May roon itong balanseng tubig, asukal, at asin na makatutulong para maiwasan ang dehydration.
- Iwasan ang pagpapainom ng juice o soda dahil palalalain lang nito ang pagtatae.
- Huwag bibigyan ang sanggol ng plain water.
- Iwasan din ang pagbibigay ng maraming plain na tubig sa mga bata ano man ang edad.
- Kung pinapasuso pa ang anak, ipagpatuloy lamang ang pagbibigay ng breastmilk dito. Maaari ding padedehin ang bata ng formula milk.
Para maiwasan ang diarrhea o pagtatae ng bata ugaliin ang paghuhugas ng kamay para mabawasan ang pagkalat ng bacteria. Tiyakin ding ligtas at malinis ang mga kinakain at iniinom ng mga bata. Huwag painumin ito ng tap water at unpasteurized milk. Bukod pa rito, tiyaking hugasan muna ang mga prutas bago kainin at iwasan ang pagkain ng mga hindi gaanong luto na karne o isda.
Karagdagang ulat mula kay Shena Macapañas at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!