Pwede ba ang kape sa buntis? Malamang marami sa mga babaeng nagdadalang-tao sa ngayon ay ito ang katanungan. Mula sa pinagsama-samang resulta ng mga pag-aaral tungkol sa kape at pagbubuntis ng mga nagdaang taon, narito ang naging konklusyon ng dalawang bagong pag-aaral.
Photo by Hoàng Chương from Pexels
Kape para sa mga buntis
Marami sa atin ang mahilig uminom ng kape. Nakasanayan na nga natin itong ka-partner ng mainit na tinapay sa umaga. Minsan nga kahit walang pinipiling oras ay marami sa atin na hinahanap ang lasa nito. Pero pagdating sa mga babaeng nagdadalang-tao, payo ng isang bagong pag-aaral ay mabuting iwasan na muna ang pag-inom nito. Kahit na ang iba pang produkto tulad ng soda at energy drink na nagtataglay ng caffeine na main component ng kape. Ang rekumendasyong ito ng bagong pag-aaral ay nabuo matapos i-analyze ang higit sa 1,200 na pag-aaral tungkol sa epekto ng pag-inom ng kape sa pagdadalang-tao nitong mga nakaraang taon.
Base sa ginawang analysis na nailathala sa BMJ Evidence-Based Medicine journal nitong Agosto, may hindi bababa sa limang major negative pregnancy outcomes ang maaring maranasan ng buntis na umiinom ng kape. Ito ay ang miscarriage at stillbirth para sa babaeng nagdadalang-tao. Habang ang kaniyang ipapanganak na sanggol naman ay maaring makaranas ng low birth weight.. Pati na childhood acute leukemia, at childhood overweight at obesity. At ang tanging paraan lang upang maiwasan ito ay ang tuluyang itigil ng buntis ang kaniyang caffeine-intake.
Pwede ba ang kape sa buntis? Sagot ng dalawang pag-aaral ay hindi
Ganito rin ang rekumendasyon ng isang bagong pag-aaral na nakatakdang mailathala sa susunod na buwan sa European Journal of Obstetrics, Gynaecology and Reproductive Biology. Ayon sa pag-aaral sa bawat 100mg of caffeine o isang tasa ng kape na naiinom ng isang buntis ay tumataas ang risk niya na makaranas ng stillbirth ng hanggang sa 27 percent. Kaya naman rekumendasyon ng author ng pag-aaral na si Professor Alexander Heazell ay mabuting tigilan nalang ng isang buntis ang pag-inom ng kape. Ito ay para tuluyan ng mawala ang tiyansa niyang makaranas ng sinasabing komplikasyon sa pagdadalang-tao.
Ang rekumendasyon ng dalawang bagong pag-aaral ay taliwas sa kasalukuyang rekumendasyon ng mga health authority sa buong mundo. Gaya nalang ng rekumendasyon ng WHO o World Health Organization na maaari pa ring uminom ng kape ang isang buntis. Basta’t ito’y hindi lalampas sa 300mg sa isang araw. Dahil base sa kanilang ginawang pagsusuri, ang 15% ng mga babaeng buntis na umiinom ng kape ng higit sa 300mg sa isang araw ay nakaranas ng stillbirth.
Photo by freestocks.org from Pexels
Reaksyon ng mga eksperto
Kaya naman, suggestion rin ng bagong pag-aaral ay dapat baguhin ang existing recommendation tungkol sa kape at pagbubuntis. Lalo pa’t hindi naman aware sa lahat ng oras ang isang buntis na may caffeine na pala ang kaniyang inumin o pagkain.
“Anyone planning to have a baby needs to know that consuming caffeine during pregnancy can raise the risk of stillbirth and other pregnancy complications. So it’s important to cut down as much as you can. The national guidelines should be the limit, not the goal. And the more you can cut down beyond that the better.”
Ito ang payo ni Professor Heazell na research center director at professor ng obstetrics sa University of Manchester sa England.
BASAHIN:
STUDY: Ito ang epekto ng MUSIC sa brain ng bata
Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
13 beauty products na bawal sa buntis
Ganito rin ang paniniwala ni Dr. Jo Mountfield, isang consultant obstetrician at Vice President ng Royal College of Obstetricians and Gynaecologists o RCOG. Dagdag pa niya, maliban sa agad na pagtigil sa pag-inom ng kape ay dapat ring magpa-konsulta agad sa doktor o midwife ang isang buntis kung siya ay may concern o katanungan sa kaniyang lumalaking sanggol.
“Any women who have concerns or worries about their or their baby’s health – including the baby’s movements – should seek medical advice from their midwife or hospital immediately.”
Ito ang pahayag ni Dr. Mountfield.
Food photo created by user18526052 – www.freepik.com
Mga pagkain at inumin na bawal sa buntis
Samantala, maliban sa kape ay ipinapayo rin ng mga eksperto na dapat ay iwasan muna ng isang buntis ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Dahil ang mga ito ay nagpapataas rin ng tiyansa ng miscarriage at stillbirth sa pagbubuntis.
Bawal din ang mga pagkaing hindi maayos na naluto. Lalo na ang mga isda, itlog o karne. Dahil ang mga ito ay maaring infected ng parasite, virus o bacteria. Ang mga ito kapag nakain ng buntis ay maaring magdulot sa kaniya ng sakit at makasama sa kaniyang sanggol. Ganito rin ang maaring maging epekto ng mga unpasteurized cheese, juice at milk sa kaniya.
Dapat ding iwasan ng buntis ang pagkain ng mga isda na tinatawag na high mercury fish. Tulad ng pating, swordfish, king mackerel, tuna at marlin. Dahil kung ang buntis ay makakakain ng pagkain may high mercury level ay maaring maging toxic ito sa kaniyang nervous at immune system. At maaring magdulot ng seryosong developmental problems sa kaniyang sanggol.
Source:
Healthline, Yahoo, The Guardian
Photo:
Coffee photo created by senivpetro – www.freepik.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!