Paano malalaman kung buntis kapag irregular ang period ng isang babae? Alamin dito.
Isa sa mga pangunahing pangarap ng mga mag-asawa ay ang magkaroon ng anak at bumuo ng isang pamilya. Para sa iba, madali lamang itong matupad. Ito ay kung walang problema ang parehong babae at lalaki para makabuo ng isang sanggol.
Ngunit paano kung ang isa sa kanila ay may problema? Paano malalaman kung buntis ang isang babaeng may irregular monthly period? Ano ang mga sintomas ng isang buntis kapag irregular ang regla?
Paano malalaman kung buntis ang irregular na babae? | Image from Freepik
Ang pangunahing sintomas ng pagbubuntis ay ang pagkawala o hindi pagdating ng monthly period ng isang babae. Subalit para sa mga babae na sanay na hindi dinadatnan buwan-buwan o hindi bumabase sa kanilang ovulation calendar, nagiging isang palaisipan kung sila ay buntis, at mahihirapan rin silang alamin kung paano sila makakabuo.
Ayon kay Dr. Gergen Dizon, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, mas madaling malaman ng babae na siya ay fertile kapag regular ang kaniyang monthly period. Narito ang kaniyang paliwanag:
“Number one para masabi natin na ibabase sa calendar, dapat regular ang menstrual cycle o ‘yong regla ng isang babae. Dapat very regular. That’s the only time na masasabi mo na mabe-base mo sa kalendaryo ang fertile period.
Ang usual fertile period nagsisimula kung 30 days ang cycle mo, nagsisimula ‘yong fertile period mga day 12 to day 18 ng cycle.
Ang first day o ‘yong day 1, iyon ang 1st day of the period. Kung magbibilang ka, day 12, doon magsisimula. Tapos doon kayo mag-iintercourse ng madalas, doon sa time frame na iyon.
Ngayon kung hindi regular, iyon ang magiging problema. Papaano mo made-detect?”
Talaan ng Nilalaman
Sintomas ng irregular na regla
Paano malalaman kung buntis ang irregular na babae? Image from Freepik
Karaniwang tumatagal ng 25 to 45 days ang kabuuan ng isang regular cycle. Sa loob ng menstrual period, makararanas ang babae ng 3 to 7 na araw ng pagdurugo.
Isa sa mga pangunahing sintomas ng irregular na regla ang hindi pagkakatugma ng schedule ng kaniyang cycle. Minsan masyadong maaga nag-uumpisa ang menstrual period o kaya naman ay masyadong late o delayed.
Maaari ring maging basehan ng pagkakaroon ng irregular na pagreregla ang dami ng dugo. Sa panahon ng pagreregla, may pagkakataon na sobrang dami ang daloy ng dugo. Mayroon rin namang kakaunti na parang spotting lang.
Madalas din sa mga babaeng may irregular na regla ang paglalaktaw ng panahon ng pagregla o skipped period. May pagkakataong umaabot sa halos tatlong buwan ito. Minsan kasi ay naaapektuhan ng lifestyle, trabaho, at kahit ng panahon ang hormones ng isang babae. Kaya nag-iiba-iba ang kaniyang menstrual period.
Gayunpaman, hindi dahil irregular ang pagreregla ay hindi na posibleng mabuntis ang isang babae.
Paano malalaman kung buntis kapag irregular ang period?
Paano malalaman kung buntis ang irregular na babae? | Image from Freepik
Kapag regular ang menstrual cycle ng isang babae, ang unang senyales ng pagbubuntis ay ang missed period. O ang paglaktaw sa dapat sanang araw na magkakaroon ng regla.
Ngunit paano nga kung irregular ang period? Sadyang lumalaktaw lang ba ng araw bago magkaroon ng regla? Paano malalaman ang sintomas ng delayed menstruation na normal sa delayed dahil buntis?
Paano malalaman kung buntis kapag irregular ang period ng isang babae? At higit sa lahat, paano malalaman kung ilang linggo na ang iyong ipinagbubuntis?
Narito ang ilang maagang senyales na buntis ang isang babaeng may irregular na regla:
1. Maaaring makaramdam ng breast tenderness.
Bagamat ang pananakit ng mga dede ay isang rin sintomas na parating na ang iyong monthly period, maari rin na senyales ito ng pagbubuntis.
Anong pagkakaiba? Kapag nararamdaman mo na bumibigat at lumalaki ang iyong dibdib at nagiging mas sensitibo ito. Maaari rin mapansin na nagiging mas maitim ang areola.
Kadalasan nagsisimula ito isa hanggang dalawang linggo matapos mong mag-conceive, at nagtatagal dahil sa pagtaas ng iyong progesterone levels habang nagbubuntis.
2. Pagkaramdam ng matinding pagod at laging inaantok.
Maaring maramdaman na mabilis kang mapagod at laging inaantok, lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis.
Puwedeng maranasan ito isang linggo matapos ang conception, at ang pagtaas rin ng hormones na progesterone ang sanhi. Posible rin na ang pagod na iyong nararamdaman ay dahil sa isa pang sintomas ng pagbubuntis – ang morning sickness.
Isa ito sa mga pinakakilalang senyales ng pagbubuntis. Maaring makaramdam ng madalas na pagkahilo o pagsusuka, isang buwan matapos mong mag-conceive.
Mas madalas itong mangyari sa umaga, kaya ito tinawag na morning sickness, subalit maaari ring maramdaman ito sa kahit anong oras.
May mga babaeng nakakaras ng matinding pagsusuka kasabay ng kanilang pagbubuntis (tinatawag itong hyperemesis gravidarum), pero hindi naman lahat ng buntis ay nararanasan ang morning sickness.
4. Pagiging mapili sa pagkain o paglilihi
Kapag mayroon kang pre-menstrual syndrome o PMS, napapansin mo na parang nagkakaroon ka ng gana sa pagkain. Maari kang mag-crave sa matatamis o maaalat na pagkain, o kaya naman nagiging mas matakaw ka.
Pero kung napapansin mong mas magana ka kaysa dati, pero mayroon ring mga pagkakataon na nagiging mapili ka o maselan sa pagkain, maaaring senyales ito na buntis ka.
Isang karaniwang sintomas kasi ng pagbubuntis ay paglilihi o pagiging mapili sa pagkain. ‘Yong tipong paborito mo dati ang burger, pero ngayon, maamoy mo lang ito ay nasusuka ka na.
5. Madalas na pag-ihi.
Hindi naman nagbabago ang dalas ng pag-ihi ng isang babae kapag paparating na ang kaniyang monthly period. Pero ito ay isa sa mga maagang sintomas ng pagbubuntis. Kadalasan ay nagsisimula na ito sa unang trimester o 4 na linggo pagkatapos mabuo si baby. Nagtatagal ito at lalong tumitindi pagdating ng ikatlong trimester.
6. Spotting
Maaaring magkaroon ng spotting o kaunting pagdurugo ilang araw matapos magtalik. Ito ang tinatawag na implantation bleeding.
Tandaan na may mga ibang babae na nagkakaroon pa rin ng bleeding kahit buntis. Kaya napagkakamalan itong regla. Kaya importante na pakiramdaman ang katawan. Obersabahan kung nakakaramdam ng mga sintomas na nabanggit sa itaas. Tandaan rin ang mga detalye para matukoy paano malalaman kung ilang weeks na ang pagbubuntis.
Kapag maramdaman ang mga sintomas na ito, gumamit ng at-home pregnancy test para malaman kung positibo ang pagbubuntis. Kung negatibo ang resulta, subukan ulit mag-test matapos ang ilang araw. Kapag positive naman, kumonsulta na agad sa isang OB-GYN.
Paano mabuntis agad ang irregular na babae
Mahirap mabuntis kapag irregular ang period, pero hindi naman imposible.
Paano ba malalaman kung fertile o maaring magbuntis ang isang babaeng may irregular period? Narito ang pahayag ni Dr. Dizon:
“Iyon nga, mahirap kasi alangan namang everyday na lang gagawin mo ‘yog mga (pregnancy) test ‘di ba? May mga commercially available (ovulation) kits naman na they can use, medyo pricey din iyon.
Gagawin mo siya every day, eh kung ang cycle mo two month, two months ka magaganoon to detect. Medyo hindi siya efficient. Alam mo ‘yong parang how many months mo gagawin iyon diba?”
Ayon sa doktora, mas maigi pa rin talaga na magpakonsulta sa isang doktor upang matulungan ang babaeng may irregular period na mabuntis at matukoy ang problema sa kaniyang monthly cycle.
“The best rin talaga pag ganoong sobrang irregular, magpakonsulta kasi baka nga hindi siya nag-o-ovulate so the chances of getting pregnant mas mababa.
And also kapag iyong mga ganung cases, kailangan mo i-investigate. Bakit hindi nag-oovulate ang isang babae? Baka may ibang dahilan na need to correct.” aniya.
Maaaring hindi ganoon ka-effective ang calendar method para sa inyo dahil hindi mo mababase ng tama sa iyong monthly cycle ang araw na ikaw ay fertile o nag-oovulate.
Kaya narito ang ilang mga paraan na pwede subukan para mabuntis agad ang isang babaeng may irregular period.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang healthy diet ay nakakatulong rin para bumalik sa normal ang iyong period.
- Mag-ehersisyo. Kakailanganin mo ito para dumaloy nang mas maayos ang iyong dugo.
- Subukan ang mga sex positions na ito na mas nakakapagpataas ng tyansa na makabuo.
- Gumamit pa rin ng period tracker para mapansin ang mga sintomas ng delayed menstruation.
Tandaan, hindi dahil irregular ang iyong period ay hindi ka na magkaka-anak. Ang irregular period ay karaniwan at maaring maayos kapag gagamutin. Kung mayroon kang pag-aalangan o may katanungan tungkol sa iyong monthly period, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor para sa mas tiyak na resulta.
Paano malalaman kung buntis kahit may regla? Posible ba ito?
Paano malalaman kung buntis kahit may regla? Hindi man pangkaraniwan pero posible ito!
Posible bang maging buntis kahit may regla? Oo, posible ito, lalo na sa mga kababaihan na may irregular na menstruation. Ang pagkakaroon ng irregular na cycle ay maaaring magpahirap sa pagtukoy kung kailan ka ovulating at kung kailan dapat dumating ang iyong regla. Sa ganitong mga kaso, maaaring hindi mo mapansin ang mga senyales ng pagbubuntis.
Isang dahilan kung bakit maaaring makaranas ng pagdurugo habang buntis ay ang tinatawag na “implantation bleeding,” na maaaring magmukhang regla. Kung ang iyong daloy ay mas maikli o mas magaan kaysa sa normal, ito ay maaaring senyales ng pagbubuntis.
Bilang karagdagan, ang mga sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagduduwal, pagkapagod, at pananakit ng suso ay maaari ring lumitaw. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga ito, mahalagang gumamit ng pregnancy test, na mas tumpak kung isasagawa isang linggo pagkatapos ng iyong nakatakdang regla. Kung positibo ang resulta, o kung may pagdududa ka, kumonsulta sa iyong doktor para sa mas detalyadong impormasyon. Ang pagiging maalam sa mga senyales ng pagbubuntis, kahit na may irregular na regla, ay mahalaga upang makakuha ng tamang tulong at impormasyon.
Karagdagang ulat ni Camille Eusebio at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!