X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

10 apps na makakatulong mag-track ng period at fertile days

5 min read

Buwan buwan ay dinadatnan ang mga kababaihan ng kanilang buwanang dalaw. Pero syempre, iba-iba pa rin ito sa bawat babae. Kaya't mahalaga ang paggamit ng app for tracking period cycles upang mas malaman kung kailan sila magkakaroon ng period, kung irregular ba ang period nila atbp.

Bukod dito, malaki rin ang tulong nito sa mga babaeng nagnanais na magkaanak, dahil malalaman nila kung kailan ang kanilang fertility period, o ang panahon na pinakamainam na makipagtalik upang mabuntis.

Kaya't heto ang 10 apps na makakatulong sa pag track ng inyong mga period.

Heto ang pinakamainam na mga app for tracking period cycles!

1. Period Calendar

Ang Period Calendar ay isang libreng app na tumutulong alamin ang iyong period, pati na rin ang iyong fertility window, at kung kailan ang iyong ovulation.

Bukod dito, mayroon ding features ang app para i-track ang paggamit ng birth control, kailan ka huling nakipagtalik, at napakarami pang ibang features.

Ang maganda rin sa Period Calendar na app ay libre lang ito, at ito rin ang may pinakamataas na ratings na period tracker app sa iTunes at Google Play!

2. Clue

Ang Clue naman na app ay inirerekomenda ng Obstetrics & Gynecology journal, kaya't magtitiwala ka talaga dito. Ang kinaganda ng app na ito ay ito ang pinaka-accurate na period tracking app.

Gumagamit ito ng iba't-ibang mga algorithm at technique upang mag-adjust sa pabago-bagong cycle ng mga babae upang ibigay ang pinakatamang calendar para sa iyong menstrual cycle. Mas nagiging accurate din ito kapag mas lalong ginagamit.

Mayroon din itong period tracker, multiple mood trackers, health logs, at exercise trackers.

Heto ang link para sa Android, at sa iPhone users.

3. Flo Period Tracker

Tulad ng Clue na app, gumagamit rin ng espesyal na mga technique at algorithm ang Flo Period Tracker upang masiguradong tama ang pag-track ng iyong period.

Ang maganda sa Flo Period Tracker ay simple lang ito, at napakadaling gamitin. Puwede rin itong gamitin na sleep tracker, tracker ng physical activity, at sa water consumption, kaya makakatulong ito sa kalusugan mo.

Heto ang link para sa Android, at sa iPhone users.

4. Glow

Ang Glow na app ay tumutulong upang ma-track hindi lang ang iyong menstrual cycle, ngunit pati na rin ang mga sintomas, mood, medication, at sexual activity.

Tulad ng ibang apps, maganda ang prediction nito sa iyong monthly cycle, at fertility period. Kapag mas madalas mo itong gamitin ay mas nagiging accurate din ito.

Libre na app ang Glow, pero puwede ka din magsubscribe upang makakakuha ng dagdag na features tulad ng iba't-ibang magandang articles, private messaging, at support para sa app.

Heto ang link para sa Android, at ito naman ang para sa iPhone users.

5. My Calendar

Tulad ng ibang mga apps, hindi lang menstrual tracker ang My Calendar ngunit tracker din ito ng ovulation, paggamit ng birth control, atbp.

Ngunit ang pinakamagandang mga feature ng app na ito ay ang simpleng design na kahit isang tingin mo lang, kitang-kita mo na agad ang cycle mo. Bukod dito, mayroon din itong password protection feature para pribado ang impormasyon mo sa app.

Puwede ka ding maglagay ng mga reminders para sa paparating na period, at sa ovulation o fertility days para sa mga gustong magkaanak!

Heto ang link para sa Android, at para sa iPhone.

6. Period Plus

Ang Period Plus na app naman ay gumagamit ng mga reminders upang paalalahanan ka kung kailan ang sunod mong period, at kung gaano ito katagal.

Ito ay magandang app for tracking period cycles dahil hindi mo kailangan buksan ang app para gamitin ito. Kailangan mo lang mag-set ng mga reminders, at wala ka nang aalalahanin!

Yun nga lang, para lang sa iPhone ang app na ito.

7. Eve

Sa Eve na app naman, makikita mo ang iyong paparating na mga period, at ang posibilidad na ikaw ay mabuntis. Bukod dito, gumagamit din ang Eve ng mga magagandang charts at ang kanilang 'interactive staircase' upang magkaroon ng visualization ang iyong cycle.

Dito ay may community rin ng ibang gumagamit ng app kung saan puwede niyong pag-usapan ang inyong mga period, tungkol sa sex, at kalusugan.

Heto ang link sa Android, at sa iPhone

8. Period Tracker Lite

Ang kinaganda ng Period Tracker Lite na app ay ang pagiging simple lang nito.

Isang pindot lang ay puwede mo na agad i-track ang iyong cycle, at kaya din nitong i-predict ang iyong susunod na cycle.

Kaya ito magandang app for tracking period cycles ay dahil isang tingin lang, kita mo na agad ang lahat ng impormasyon na kailangan mo. Ang iyong cycle, ovulation period, mga mood, pati ang pagbago ng iyong timbang ay puwede mong i-track gamit ang app na ito.

Heto ang link para sa Android, at sa iPhone.

9. My Cycles

Hindi lang ang iyong menstrual cycle ang puwedeng i-track sa app na My Cycles. Kasama na rito ang iyong ovulation cycle, kaya't maganda ito para sa mga nagnanais na magkaanak.

Bukod dito, kaya din nitong i-predict ang iyong mga menstrual cycle hanggang sa 12 buwan, at tulad ng ibang apps, mas nagiging accurate ito kapag mas madalas na ginagamit.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

Heto ang link para sa Android, at sa iPhone.

10. Cycles

Ang kinaganda ng Cycles na app ay kailangan mo lang i-set ng isang beses ang app, at automatic na itong mag-aadjust sa iyong period, regular man o irregular.

Bukod dito, puwede mo din ibahagi sa partner mo ang app na ito, at malalaman niya kung paparating na ang iyong period. Sa ganitong paraan, parehas niyong alam kung fertile ka na ba, o kung magsisimula na ang iyong menstrual cycle.

Bukod dito, may password protection din ang Cycles na app.

Heto ang para sa iPhone.

Source: Medical News Today

Basahin: Paano malalalaman kung buntis ang babaeng may irregular period?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • 10 apps na makakatulong mag-track ng period at fertile days
Share:
  • Blood loss during period: Gaano karami ba ang normal?

    Blood loss during period: Gaano karami ba ang normal?

  • Breastfeeding while on your period: Everything you need to know

    Breastfeeding while on your period: Everything you need to know

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Blood loss during period: Gaano karami ba ang normal?

    Blood loss during period: Gaano karami ba ang normal?

  • Breastfeeding while on your period: Everything you need to know

    Breastfeeding while on your period: Everything you need to know

  • Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

    Unique baby boy names: 35 unique baby boy names with biblical meanings

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.