Gusto niyo na bang magka-baby? Subukan niyo na ni mister ang mga posisyon na makakatulong raw para mabuntis ang isang babae.
Mababasa sa artikulong ito:
- Gaano kadalas dapat mag-sex para mabuntis?
- Iba’t ibang posisyon para mabuntis na pwede niyong subukan
- Tips para mas mabilis mabuntis
Para sa mga mag-asawang gusto nang magka-anak, ang pagtatalik ay hindi lang para mag-enjoy o mapagtibay ang kanilang pagsasama. Gusto mo ring masiguro na sa tuwing nagtatalik kayo ng iyong asawa, ay tumataas ang posibilidad na makabuo na kayo at magka-baby.
Bagama’t walang eksaktong formula o paraan para mabuntis agad ang isang babae, mayroon namang mga bagay na maaring makatulong gaya ng pag-alam ng fertile period, o pagsubok ng ilang sections na sinasabing makakatulong para mas mabilis mabuntis.
Gaano kadalas dapat mag-sex para mas mabilis mabuntis?
Paniniwala ng ilan, dapat gawing araw-araw ng mag-asawa ang pagtatalik para lumaki ang tsansa na mabuntis. “More chances of winning,” ika nga. Subalit ayon kay Dr. Gergen Dizon, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center, hindi naman kailangang araw-arawin ito.
Ang mahalaga ay malaman ng babae ang kaniyang fertile window, at dalasan ang pagtatalik sa loob ng panahong iyon para tumaas ang posibilidad na makabuo.
“Siguro every other day naman, maski every other day. Para naman meron pang reserve dun sa mga last part of the interval, the window,” ani Dr. Dizon.
Tandaan na ang fertile window o ovulation period ng isang babae ay tumatagal ng 5 hanggang 6 na araw lamang. Samantala, ayon kay Dr. Dizon, ang sperm naman ng lalaki ay kayang magtagal sa ovaries ng isang babae ng 2 araw. Gamit ang mga impormasyong ito, subukan i-timing ang inyong pagtatalik sa loob ng panahong ito kung gusto niyo nang makabuo.
Subalit para malaman ang iyong ovulation period at matulungan kayo sa inyong planong magbuntis, mas mabuting kumonsulta kayo sa isang OB-Gynecologist para malaman kung gaano kalaki ang tsansa niyong makabuo.
Ngayong alam mo na ang mga araw na dapat magtalik para mabuntis, wala namang masama kung susubukan niyo ang mga paraan para tumaas ang tsansa niyong magka-baby, tulad ng iba’t ibang posisyon sa sex na sinasabing nakakatulong para makabuo.
8 posisyon sa sex para mabuntis na pwedeng subukan
Wala naman talagang posisyon na napatunayang nakakatulong para mabuntis, pero ayon sa mga eksperto, ang mga sex positions na nagdudulot ng deep penetration ay mas mabuti para mas malapit ang sperm ng lalaki sa cervix ng isang babae.
Importante na mag-ejaculate o labasan si mister para mabuntis si misis, pero nakakatulong rin raw ang orgasm ng babae para mapunta sa tamang direksyon ang sperm. Kaya naman mahalaga rin na mag-enjoy kayo pareho para tumaas ang posibilidad na makabuo.
Kung nagbabalak na kayong mag-asawa na magka-baby, wala namang mawawala kung susubukan ang ilang mga posisyon para mabuntis si misis.
1. Si mister sa ibabaw (missionary position)
Isa ito sa mga kailangang posisyon para mabilis mabuntis ang babae. ‘Ultimate sex position’ ang bansag dito.
Bakit? Kapag nakahiga kasi ang babae, at nakapuwesto pababa ang kaniyang vagina, mas madali ang pagpasok ng sperm papunta sa itlog ng babae. Tandaan na kapag nasa ibabaw ang lalaki, mas madiin ang penetration.
Para mas mapalaki ang posibilidad ng pagbubuntis, ang babae ay dapat raw nakapuwesto ng horizontal o pahiga 20-30 minuto pagkatapos mag-ejaculate si mister, at ang pelvis ni misis ay nakapataas.
2. Nakahiga ng patagilid at nasa likod ang lalaki (spooning)
Makakatulong ang spooning na posisyon para mabilis mabuntis ang babae. Sa ganitong position kasi, madaling nakakapasok si mister kay misis, kaya’t mas mabilis din nakakarating ang semilya sa uterus. Ito rin ang isa sa pinakamabisang sex positions kung gustong mabuntis.
3. Patalikod (Doggy style)
Sa rear entry position o doggy style, nakadapa at nakatukod ang babae ng kaniyang kamay at tuhod, habang papasok naman ang lalaki mula sa likod niya. Mas malalim ang penetration at pagpasok ng semilya ng lalaki sa cervix dahil sa trajectory nito. Dapat lang na mahiga kaagad si misis pagkatapos mag-ejaculate si mister, at iwasang buangon ng hanggang 15 minuto.
4. Si Misis sa ibabaw (Woman-on-top/ Cowgirl style)
Kahit pa nasa ibabaw si misis, sinasabing ito ay mainam pa rin para sa mga gustong magbuntis kahit against gravity. Ito rin daw kasi ang isa sa pinakakaaya-ayang posisyon para sa mga babae, kaya’t iyon ang importante.
Ang posisyon na ito ay epektibo rin raw para sa mga mag-asawang gustong magkaroon ng babaeng anak. Ang XX chromosomes kasi ay mas nabubuhay sa vaginal climates kaysa sa XY chromosomes. Kaya hindi kailangang maging malapit ang semilya sa cervix.
5. Nakaupo sa silya (the Hot Seat)
Kapag nakaupo si misis kay mister, mas malalim ang penetration, kaya’t mabilis ang orgasm at katulad ng Cowgirl style, mas kaaya-ata ito para kay misis at isang paraan para makarating siya sa orgasm. Ang kaibahan lang ay ang upuan na gamit, na puwedeng maging mas komportable kay mister.
6. Nakahiga si misis habang nakatayo si mister (tabletop o butterfly position)
Isa ito sa mga posisyon na epektibo para mabuntis ng mabilis si misis. Ang pelvis ni misis ay dapat nasa edge o dulo ng kama, at si mister ay nakatayo o nakaluhod at nakapatong ang binti ni misis sa balikat niya. Mas malalim ang pentetration kapag ganito ang posisyon. Huwag tatayo agad, para makapasok ang semilya at mapunta sa dapat niyang kalagyan.
7. Nakatayo, at nasa likod si mister (standing rear-entry)
Pwedeng gawin ang posisyong ito sa ibang parte ng bahay, tulad ng sa harap ng salamin sa banyo, para mas mag-enjoy ang mag-asawa. Dahil rear-entry ang sex position na ito, nagdudulot rin ito ng deep penetration para mas lumaki ang tsansa na mabuntis ang babae.
8. Sa sahig naman (G-whiz position o knees on chest)
Kung flexible naman at game sa mas adventurous — ito ang posisyon na makakatulong sa inyo para mabuntis ng mabilis si misis. Humiga sa sahig, itaas ang paa, at hayaang ipasok ni mister. Ito naman raw ay mainam kung gustong magkaanak ng lalaki.
Ang XY chromosomes ay dapat na maipasok nang malalim dahil hindi sila nakaka-survive nang mas matagal katulad ng XX chromosomes.
BASAHIN:
8 Amazing Sex Positions Kapag Maliit ang Ari ni Mister
Balak Sundan si Junior Pero Hirap Makabuo? 5 Paraan Kung Paano Mabuntis ng Mas Mabilis
Fertility Supplements: Top 5 na Vitamins para makabuo at mabuntis agad
Paano mabuntis: Mga tips na kailangan mong malaman
-
Iwasan ang bathtub at shower sex
Isa sa tips para mabuntis ay dapat ang bath tub at shower sex ay dapat na iniiwasan kung gustong magbuntis. Alinman sa dalawang ito ay maaaring mahugas ang semilya, bago pa ito makapasok sa cervix at makatagpo ang itlog.
Pagkatapos ng pagtatalik, payo ng mga eksperto ay maglagay ng unan sa sa ilalim ng balakang, para magpantay ang cervix at uterus. Kapag ganito kasi, diretso ang semilya papunta sa itlog. Manatili sa posisyong pahiga ng 20-30 minuto.
Gaya ng nabanggit, kapag sumobra naman ang pagtatalik, hindi na nakakatuwa para sa magkabiyak at hindi ito nakakatulong para makabuo ang mag-asawa. Kailangan din kasing maka-recover at maka-regenerate ang sperm. Hindi sa dalas nabubuo ang bata kundi sa tamang timing at kalidad ng semilya.
Ayon sa mga eksperto, kapag malalim ang pagpasok ng semilya sa cervix, babae ang nagiging anak. Ang Girl (XX) chromosomes ay mas matagal nabubuhay kaysa sa boy (XY) chromosomes. Pero mas mabilis “lumangoy” ang mga XY, kaya’t kahit mababaw ang pasok, maaaring maunang makarating at makatagpo ang itlog.
-
Panatiliing malusog ang pangangatawan
Ayon kay Dr. Dizon, ang unang bagay na dapat gawin ng mag-asawang gustong magkaanak ay siguruhin na malusog ang kanilang pangangatawan. Ang obesity o sobrang timbang ay maaring maka-apekto sa fertility ng isang tao, babae man o lalaki.
Kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo at magkaroon ng sapat na pahinga para maging maganda ang iyong pangangatawan. Kung mayroon kang problema sa iyong period, mas mabuti ring kumonsulta agad sa isang OB-Gynecologist para masolusyunan ito at matulungan ka sa iyong planong magbuntis.
-
Umiwas sa masasamang bisyo
Ang paninigarilyo at pag-inom ng anak ay nakakaapekto raw sa sperm count ng isang lalaki, kaya naman mas mabuting iwasan muna ang mga ito kung gusto niyo nang makabuo.
-
Meron bang vitamins para mabuntis agad?
Ayon sa isang Obstetrician and Gynecologist na si Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, meron namang vitamins na maaring makatulong para mabuntis agad ang isang babae.
Karaniwang binibigay ng mga doctor ang vitamins para mabuntis agad na ito para sa mga hirap o gusto na talagang magkaanak.
-
- B vitamins
- Vitamins C
- Vitamin D
- Vitamin E
- Iron
- Zinc
- Multivitamins
- Coenzyme Q10
- Omega 3 Free Fatty Acid
- Selenium
- Bromelain
-
Mag-enjoy lang at huwag ma-stress!
Nang tanungin namin si Dr. Dizon kung nakaka-apekto ba ang stress sa posibilidad na mabuntis, narito ang kaniyang sagot.
“Yes, it really happens. ‘Yong minsan mawala lang ‘yong stress doon nape-pregnant. Minsan matapos mag-workup o kapag napagod na sila doon pa sila mape-pregnant.”
Huwag kalimutang mag-enjoy sa proseso ng pagtatalik, dahil isa rin itong paraan para tumaas ang tsansa na makabuo. Kaya naman huwag masyadong mag-isip. Sariwain niyo lang ang oras niyong magkasama at hindi magtatagal ay magkakaroon rin kayo ng anak na matatawag niyong bunga ng inyong pagmamahalan.
Kung mayroon kang katanungan kung paano mabuntis, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong OB-Gynecologist.
Isinalin nang may pahintulot mula sa theAsianparent Singapore.
Source:
Healthline, WebMD, VeryWellFamily
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!