5 amazing sex positions kapag maliit ang ari ni mister

5 amazing sex positions kapag maliit ang ari ni mister

Hindi kinakailangan na magkaroon ng malaking ari para maging magaling sa kama. Kahit mayroong maliit na ari ay puwede pa ring mapaligaya si misis

Para sa mga lalaki, importante ang napapaligaya nila ang kanilang misis sa bedroom. At karaniwang naiuugnay ang pagiging magaling sa kama sa laki ng ari ng isang lalaki. Ngunit alam niyo ba na hindi ito totoo?

Ang pagkakaroon ng maliit na ari ay hindi ibig sabihin na hindi mo mapapaligaya si misis. Posible man na mayroong mga ilang sex positions ang mahirap gawin, marami pa rin namang mga enjoyable na sex positions para sa mga mag-asawa.

Heto ang 5 sex positions para sa mga mister na may maliit na ari.

Sex positions para sa may maliit na ari

1. Two spoons

Sa spoon position, nakahiga ng side-by-side si misis at si mister. Sa likod ang pasok ni mister, at sa posisyong ito ay mas naaabot niya ang G-spot ni misis. Mas malalim rin ang pasok ni mister, kaya mainam ang position na ito kapag hindi gaanong "well-endowed" si mister.

2. Doggy style

Ang doggy style ay isang "classic" na sex position. Dahil sa palikod na anggulo nito, mas malalim ang pasok ni mister, at mas mararamdaman ni misis ang bawat thrust ni mister.

Siguradong magugustuhan ito ni misis, kahit ano pa ang size ng ari ni mister!

3. Reverse cowgirl

Ang mga "woman on top" na positions ay epektibo para sa mga lalakeng hindi malaki ang ari. Ito ay dahil mas may kontrol si misis, at mas maganda ang posisyon niya upang tamaan ang kaniyang G-spot.

Kabilang na rito ang reverse cowgirl kung saan ay sa halip na nakaharap sa iyo si misis, nakatalikod siya. Okay ang posisyon na ito dahil mas naaabot ang G-spot, at may kontrol si misis sa bilis, lalim, at direksyon ng pagpasok.

4. Oral sex

Ang isa pang tip para sa mga mister na may maliit na ari ay ang pagbibigay ng oral sex kay misis. Hindi naman kinakailangan na ma-penetrate si misis upang siya ay magkaroon ng orgasm.

Sa katunayan, posible pa nga na mas mapadalas ang orgasm ni misis kapag binibigyan siya ng oral sex kumpara sa penetrative na sex!

5. Woman on top

Last, but not the least, ang woman on top position. Ito ay ang pinakaepektibo at pinaka-straightforward na position para sa mga mister na hindi malaki ang mga ari.

Ito ay dahil puwedeng ma-stimulate ni misis ang kaniyang clitoris, at maaari rin niyang kontrolin ang posisyon, lalim, at bilis ng pagpasok ni mister. Ibig sabihin, mas mapapalapit siya sa pagkakaroon ng orgasm, at hindi kinakailangan na magkaroon ng malaking ari para masarapan sa position na ito.

 

Source: Health.com

Basahin: 5 ideas para maging mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner