7 sex positions na makakapagpaligaya kay misis

7 sex positions na makakapagpaligaya kay misis

Siguradong makakatulong ang mga sex positions para sa mga mag-asawa na ito upang maging mas satisfying at pleasurable ang sex.

Pagdating sa usapin ng sex, mahalaga na parehas nasa-satisfy ang mga babae at lalaki. Ngunit kadalasan, mas natatagalan magkaroon ng orgasm ang mga babae kumpara sa mga lalake, kaya't nagiging unsatisfied ang mga misis sa sex. Heto ang ilang mga sex positions para sa mga mag-asawa na siguradong makakatulong para mag-orgasm si misis.

Sex positions para sa mga mag-asawa na magpapaligaya kay misis
1. Modified Doggy

Sa modified doggy position, sa halip na nasa all fours si misis, ay nakadapa siya sa kama. Sa ganitong posisyon, puwedeng isara ni misis ang kaniyang mga binti upang mas magkaroon ng friction kapag pumapasok si mister. Komportable rin ang posisyon na ito, at mas intimate dahil nakadikit sa likod mo si mister.

2. Spooning

Ang spooning ay isang position kung saan magkatalikod si misis at si mister, at nakagilid sila habang nasa kama. Dahil sa posisyon na ito, mas malalim ang angle na napapasok ni mister, kaya't siguradong mas maaabot niya ang G-spot ni misis. Dahil dito, mas mabilis na magkakaroon ng orgasm si misis dahil sa dagdag na stimulation.

3. Doggy Style

Ang doggy style position ay isa ring epektibong posisyon para mas mabilis magkaroon ng orgasm si misis. Ito ay dahil sa angle nito mas malalim ang pasok ni mister, at tinatamaan ang mismong location ng G-spot.

4. Modified Missionary

Sa modified missionary position, sa halip na nakahiga lang sa kama si misis, ay puwede niyang i-angat ang kaniyan mga binti, at ibalot sa baywang ni mister. Sa ganitong position mas malalim ang pagpasok ni mister, at nag-iiba rin ang anggulo kumpara sa traditional na missionary position.

Bukod dito, mas intimate rin ang modified missionary kumpara sa traditional.

5. Woman on Top

Sa woman on top na position, mas may kontrol si misis sa pagpasok ni mister. Ibig sabihin, siya rin ang may kontrol ng bilis, at kung saan tumatama si mister. Dahil dito, mas masisigurado ni misis na magkakaroon siya ng orgasm dahil matatamaan ni mister ang G-spot.

Para sa ibang mga misis, mas exciting rin ang mayroong control pagdating sa kama, kaya't nakakadagdag ito sa pleasure.

6. Reverse Cowgirl

Ang reverse cowgirl naman ay parang woman on top position, pero nakatalikod si misis. Sa ganitong position ay nag-iiba ang anggulo ng pagpasok ni mister, kaya't mas matatamaan ang G-spot ni misis.

Siyempre, mas may kontrol din si misis sa reverse cowgirl, kaya't mas masasarapan siya habang nakikipagsex dahil siya ang magdidikta ng bilis, lalim, at posisyon.

7. Legs Up

Sa legs up na position, malalim na penetration ang goal. Para rin itong modified missionary, pero nakaangat ang binti ni misis, at nakapatong sa balikat ni mister.

Kailangan nito ng kaunting flexibility, pero siguradong mas malalim ang mapapasok ni mister, at tiyak na masasarapan si misis habang nakikipagtalik. 

 

Source: Bustle

Basahin: 6 na problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life ng isang babae

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner