Ang sex ay nakakapagpatibay ng relasyon ng mga mag-asawa at nakapagdudulot ng positibong epekto sa pagsasama at kalusugan nila. Ngunit may mga bagay na nagpapahirap sa sex life nila kung may iniindang problema sa katawan ang isa sa kanila.
Kadalasan, mga babae ang nakararanas nito. Nakakaramdam sila ng discomfort at matinding kirot sa tuwing nakikipagsiping kapag may problema sila sa kalusugan.
Narito ang ilan sa mga karaniwang problema sa kalusugan ng isang babae na nakakaapekto sa sex life ng mag-asawa.
Mga problema sa kalusugan na nagpapahirap sa sex life
1. UTI
Ang Urinary Track Infection o UTI ang isa sa mga pinaka-karaniwang sakit na iniinda ng mga kababaihan na siyang nagpapahirap sa sex life nila.
“A UTI causes pain and sensitivity in the bladder and urethral area. Since the bladder and urethra lie right on top of the vagina, it is very common to have sensitivity and even pain during intercourse when you have a UTI,” sabi ni Dr. Jennifer Landa, isang gynecologist at chief medical officer sa BodyLogicMD sa Maitland, Florida.
Kinakailangang komunsulta agad sa doktor upang mabigyan ng tamang antibiotic at magamot ang UTI.
“You should go to the doctor and get a urine culture and sensitivity so the doctor can determine what type of infection you have and what medication would be most appropriate,” aniya.
2. Yeast Infection
May malaking epekto rin sa sex life ng mga kababaihan ang pagkakaroon ng yeast infection sa ari. Nagdudulot ito ng matinding kirot at pangangati sa vaginal opening kaya nagiging masakit ang pagtatalik.
“This is similar to having dry, cracked lips with tiny cracks that burn when exposed to fluids or with pressure,” paghahalintulad ni Dr. Landa sa sitwasyon.
Nagiging sensitibo at namamaga ang apektadong parte ng ari ng isang babae kaya kinakailangan munang magamot ito bago muling makipagsiping.
“One way to get relief fast is using over-the-counter hydrocortizone cream to quiet the itching and irritation. You can use this while you’re also treating the yeast infection whether with an OTC cream like Monistat or with an Rx tablet like Diflucan,” dagdag pa ni Dr. Landa. Ang mga nabanggit na gamot ay kadalasang inirereseta ng mga gynecologist.
3. Vestibulitis
Ang vulvar vestibulitis syndrome ay ang labis na pamamaga ng vulva at buong vaginal opening ng isang babae. Kadalasan itong namumula o may mga pulang pantal na nagdudulot ng matinding kirot sa pag-ihi, paglalagay ng sanitary napkin o tampon at pakikipagtalik.
“Women with this issue will be exquisitely tender to the touch in this area [and] tend to have a challenging road and see many specialists,” sabi ni Dr. Landa.
Agad na magpatingin sa doktor kung may nararanasang ganitong sintomas.
4. Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)
Isa rin ang PCOS sa nagpapahirap sa sex life ng mga kababaihan. Ang ovarian cyst ay nakapagdudulot ng sakit sa pelvic area ng isang babae tuwing nakikipagtalik.
“In this syndrome, women wind up with multiple cysts on their ovaries because they aren’t ovulating properly [and] the cysts may not resolve for many months,” ayon kay Dr. Landa.
Dagdag niya: “To improve PCOS, lifestyle changes to improve insulin and blood sugar levels can be effective. These include a low sugar and low carb diet, exercise, supplements including cinnamon and chromium piccolinate, and even a medication called metformin,”
5. Endometriosis
Isang chronic condition ang endometriosis kung saan ang mga abnormal endometrial cells ay pumupunta sa pelvic organ at pinamamaga ito sa tuwing may buwanang dalaw ang isang babae.
“Sex often is painful, usually with deep penetration, often at a particular site, in a particular position,” sabi ni Dr. Karen Brodman, isang gynecologist sa New York City.
“Often people start with birth control pill to quiet down the endometrial implants, and if not responding to OCP, can use stronger meds to shut down the production of estrogen,”
“Sometimes extensive surgery is needed to remove adhesions, and sometimes hysterectomy and removal of ovaries is necessary for severe cases,” aniya.
6. Fibroid
“These are benign growths on the uterus, sometimes they become very large and on occasion become painful or are in locations that get pushed on with sex,” paliwanag ni Dr. Brodman.
Ayon sa kanya, ang mga babae ay maaaring makaranas ng matinding kirot sa loob ng kanyang ari tuwing gumagawa ng ilang sex positions. Kinakailangang sumailalim sa pelvic exam at sonogram upang matiyak ang posisyon ng fobroid sa loob ng ari.
“If the fibroid is causing pain, it can be removed surgically (myomectomy or hysterectomy) or it can be treated via interventional radiology procedure called Uterine Artery Embolization (UAE),”
Huwag mahiyang komunsulta sa iyong doktor upang maagapan at malunasan ang mga problema sa reproductive health na siyang nagpapahirap sa sex life mo.
Source: Livestrong
Images: Shutterstock
BASAHIN: 7 paraan upang mapanatili ang init ng sex sa inyong pagsasama
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!