Hindi compatible sa sex, ito ba ang iniisip mong problema ninyong mag-asawa? Ayon sa isang family at sex therapist hindi dapat ito maging dahilan para magkaroon ka ng pag-aalinlangan sa inyong pagsasama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dapat bang maging banta sa pagsasama kung hindi compatible sa sex ang mag-asawa?
- Ano ang dapat gawiin kung may magkaibang hilig pagdating sa sex ang mag-asawa.
Hindi compatible sa sex, dapat bang maging alalahanin sa pagsasama?
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon sa isang certified family at sex therapist na si Diane Gleim, hindi dapat maging sanhi ng pag-aalala ang pagiging hindi compatible sa sex ng mag-asawa.
Hindi dapat ito maging dahilan para magkaroon ng pag-aalinlangan sa relasyon ang mag-asawa at pati narin sa pagmamahal nila sa isa’t isa.
Dahil paliwanag ni Gleim tulad lang din ito ng ibang problemang mag-asawa na maaari namang mapag-usapan at masolusyonan. Kung tutuusin hindi naman umano ito maituturing na problema ng incompatibility.
Bagkus ay differences lang na puwede naman magawan ng paraan. Gaya na lamang nang magkaibang paniniwala ninyo sa pagpapalaki ng inyong anak o ang inyong style of parenting.
O kaya naman, sa pagkakaiba ng paraan ninyo ng paghawak ng pera. Kaya naman ang paraan na dapat i-apply para masolusyonan ito ay hindi naiiba sa kung paano ninyo ihahandle ang mga nabanggit na problema.
“What most people are describing when they say “We are sexually incompatible” is that they have sexual differences they have not yet figured out how to manage.”
Ito ang pahayag ni Gleim.
Ang pahayag na ito ni Gleim ay sinuportahan niya ng resulta ng research na ginawa ng American psychological researcher at clinician na si Dr. John Gottman.
Usapin ng sex normal na problema sa buhay mag-asawa
Base sa research na ginawa ni Dr. Gottman, 69% ng mga mag-asawa ang nakakaranas ng perpetual problem. Ang ibig sabihin ng salitang perpetual ay isang problema na pabalik-balik na hirap masolusyonan at kailangang paulit-ulit na pag-diskusyunan at pag-usapan para tuluyang ma-solusyonan.
Isa na sa mga problemang ito ay ang usapin sa sex o pakikipagtalik. Paliwanag ni Gleim, ang mag-asawa ay magkaibang tao, mayroon silang magkaibang paniniwala at pananaw sa buhay.
Kaya naman konklusyon ni Gleim, ang sexual differences o tinatawag na sexual incompatibility ay hindi dapat maging dahilan para maghiwalay ang isang mag-asawa. Sapagkat isang normal na problema ito na maaaring maresolba kung sila ay magkasama at magtutulungan.
Ayon sa mga eksperto, narito ang mga paraan na maaaring gawin para masolusyonan ang mga sexual differences ng mag-asawa.
Mga dapat gawin kung magkaiba ang hilig ninyong mag-asawa sa sex
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Magkaroon ng open communication sa iyong asawa at pag-usapan ang inyong mga paniniwala tungkol sa sex.
Ayon sa spiritual advisor at life coach na si Eliyahu Jian, ang mga issues sa sex ay mas lumalalim at nagdudulot ng malaking problema sa mag-asawa dahil sa ito ay hindi napag-uusapan.
Ang pag-uusap ang tanging paraan para masabi ninyo sa isa’t isa kung ano ang tingin ninyong kulang o sobra sa inyong ginagawa. Sa ganitong paraan ay mas nagiging komportable rin kayo sa isa’t isa.
Dagdag naman ng author at sex education teacher na si Elle Chase, maliban sa mga bagay na ayaw mo makakatulong din kung sasabihin mo sa iyong asawa ang mga bagay na gusto mong ginagawa niya sayo. Ito ay upang mas ganahan siyang gawin ito at mas pagbutihin pa.
Dagdag pa ni Jian, kung makikipag-usap sa iyong asawa ay mabuti ring i-discuss sa kaniya ang iyong mga sexual fantasies. Mas mainam ngang gawin ito bago ang pagtatalik dahil sa mas magdadagdag ito ng init at excitement sa inyong dalawa.
BASAHIN:
Bakit nangangaliwa ang isang tao – Hindi laging sex ang dahilan!
Mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa pagtatalik
Wet dreams? 9 na panaginip tungkol sa pagtatalik at mga ibig sabihin nito
Magnood kayo ng porn na magkasama.
Para naman sa dating at relationship expert na si Heather Ebert, makakatulong rin ang pagnonood ng porn para makondisyon kayo at maging nasa mood sa pagtatalik.
Pero ang panonood ay dapat ninyong gawin magkasama na siguradong magiging fun para sa inyong dalawa. Pahayag niya,
“Need help getting in the mood or need some tricks to get started? Porn can definitely help. I’m sure both you and your significant other have watched porn separately, so why not do it together? It could be fun and help ignite a fiery spark between you.”
Maging mas clingy o close sa iyong asawa.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Ayon naman sa psychotherapist na si Dr. Kathryn Smerling, ang isa pang sikreto ng pagkakaroon ng exciting at fun sex sa iyong asawa ay ang pagiging close o clingy sa kaniya.
Gawin ito sa pamamagitan ng paghawak ng kamay niya, pagyakap o simpleng pag-akbay sa kaniya. Sa ganitong paraan ay unti-unting mawawala ang pressure sa pagitan ninyong dalawa at mas mapapalapit pa kayo sa isa’t isa.
Makipag-usap sa isang sex therapist at mental health professional.
Dagdag pa rin ni Dr. Smerling, kung ang mag-asawa ay may isyu sa usaping sex mas mabuting makipag-usap na sa isang mental health professional.
Ito ay para mas matukoy kung ano talagang ugat ng kanilang problema. Lalo na kung ito ay tungkol o nakakaapekto na sa sexual performance ng bawat isa.
Para naman kay Ebert, mas makakatulong rin kung makikipag-usap sa isang sex therapist, dahil pagdating sa usaping sex, mga katanungan at iba pang gumugugulo sa inyong mag-asawa ay masasagot o mapapaliwanag nila.
Source:
Psychology Today, Insider
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!