Balak sundan si junior pero hirap mabuntis? 5 tips para makabuo agad

Balak sundan si junior pero hirap mabuntis? 5 tips para makabuo agad

Moms! Narito ang sagot sa'yong katanungan na "Paano mabuntis ng mabilis?" Alamin ang iba't-ibang tips para sa agarang pagbubuntis. | Lead image from Freepik

Tanong ng mga moms, “Gusto ko na masundan ang baby ko. Paano ba mabuntis ng mabilis?”

Para sa isang pamilya, ang pagkakaroon ng anak ay isang biyaya sa kanila. Hindi maikakaila na ang isang sanggol ang nagbibigay ng liwanag sa mag-asawa. Ngunit hindi lahat ay nabibiyayaan na magkaroon ng anak. May iba kasi na hirap na hirap sa pagbubuntis at kailangan pang magpakonsulta sa eksperto para mabigyan ng tamang advice kung paano magkaanak ng mabilis.

Moms! Narito ang sagot sa’yong katanungan na “Paano mabuntis ng mabilis?”

paano-mabuntis-ng-mabilis

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Freepik

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo

Para sa mga moms na nawawalan ng pag-asa, don’t worry! Marami ang pwedeng maging hakbang para mabilis na makabuo. Maaaring magpakonsulta sa eksperto o kaya naman sundin ang ilang tips na ito:

1. I-monitor ang iyong ovulation

Ang mga babaeng mayroong regular na cycle ay nagkakaroon ng ovulation sa loob ng dalawang linggo bago ang kanilang buwanang dalaw. Kaya naman mahirap matukoy ang ovulation sa mga babaeng irregular ang cycle. Ngunit marami pa rin ang paraan para malaman ang araw kung kailan kayo fertile. Narito ang isa sa kanila:

  • Ovulation Test – Maaaring malaman ang araw kung kailan ka fertile base lamang sa pag-gamit ng ng ovulation test. Nabibili ito sa mga local drug stores. Ang test kit na ito ay sumusuri sa urine ng babae at tinitignan ang uteinizing hormone, isang substane na tumataas kada buwan sa mga araw ng ovulation. Ito rin ang dahilan kung bakit naglalabas ng egg ang ovary ng isang babae.
paano-mabuntis-ng-mabilis

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Unsplash

2. Kumain ng healthy foods

Siyempre, mahalaga pa rin ang ugaliin ang pagkakaroon ng malusog at magandang pangangatawan. Ito ay makukuha sa tamang pagkain ng masustansyang pagkain na mayaman sa nutrients at vitamin. Kung nais mabuntis agad, mahalagang factor na kailangang tandaan ay ang pagkain ng healthy foods. Ayon sa pag-aaral, malaki ang role ng timbang ng isang babae kung gustong mabuntis agad. Ang pagkakaroon ng sobra sa timbang ay mahihirapan makabuo agad habang ang mga babaeng payat naman, ay hirap rin sa pagdadala ng baby.

Sa pag-aaral, ang mga may babaeng sobra sa timbang ay doble ang hirap na makabuo kumpara sa mga babaeng normal ang BMI.

3. Bumisita sa doctor

Mas mapagkakatiwalaan kung magpasuri agad sa iyong doctor. Dito mo malalaman ang iyong kondisyon. Pwede ring itanong ang mga prenatal vitamins na mayaman sa folic acid. Ang vitamins na ito ay nakakatulong para hindi magkaroon ng birth defects. Mahalaga ang magkaroon ng folic acid sa katawan para magkaroon ng safe at malusog na pagbubuntis.

paano-mabuntis-ng-mabilis

Paano mabuntis ng mabilis: 5 tips para kaagad makabuo | Image from Unsplash

4. Iwasan ang bisyo

Kung nais makabuo agad, marapat lang na tigilan ang mga bisyo katulad ng pag-inom ng alak, pag-gamit ng sigarilyo o pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot. Makikita sa sigarilyo ang delikadong kemikal na mas kilala bilang nicotine at carbon monoxide. Ito ay nagpapababa sa dami ng itlog ng babae.

Ginagawa rin nitong premature ang itlog ng babae. Bukod sa sigarilyo, mahigpit ring ipinagbabawal ang pag-gamit ng illegal drugs at pag-inom ng alak.

5. Iwasan ang stress!

Bukod sa pagkain ng healthy foods at pag-iwas sa bisyo, isa pang mahalagang tandaan ng babaeng nais magkaanak ay ang pagkakaroon ng stress-free life. Mahalagang factor na kailangang i-consider ang stress habang nasa stage ng conceiving. Ilayo ang sarili sa stress at pagkapagod. Makakatulong ang environment rito. Pwedeng maglagay ng plants sa paligid para makaiwas sa stress.

 

Source:

Live Science

BASAHIN:

Gusto ng sexy time pero buntis? Iba’t-ibang safe sex positions sa bawat trimester

STUDY: Nakaka-apekto ang kape sa kalusugan ng ipinagbubuntis

Safe ba at maaaring mabuntis kapag nakipag-sex after menstruation?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner