Maraming benefits ang dala ng regular na pag-eehersisyo, sa mga buntis ay nakatutulong daw ito para maiwasan ng baby ang ilang sakit. Kasama na rito ang type 2 diabetes, ayon sa isang pag-aaral.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pag-exercise habang buntis, may positibong epekto sa baby
- Ilang tips upang maiwasan maging obese
Pag-exercise habang buntis, may positibong epekto sa baby
Maselan ang pagbubuntis, kaya nga maraming dapat gawin upang mapanatiling healthy both si mommy at baby. Kabilang na diyan ang pag-iwas sa kahit anumang bisyo, pagtulog sa tamang oras, pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Lalong-lalo na ang regular na pag-eehersisyo.
Sa datos, tinatayang 30 percent ng mga babaeng nasa edad na ng pagbubuntis ang obese sa mga Western at Asian na mga bansa. Patuloy na rin ang pagtaas ng bilang ng maternal obesity at type two diabetes.
Kaya nagkakaroon na rin ng mataas na tsansa ng risk na magkaroon ng diabetes ang mga baby na nagmula sa mga inang obese o may type 2 diabetes kahit pa mamuhay nang healthy. Kaya sa estimate, sa taong 2045 inaasahang mayroon nang 630 million ang mayroong type 2 diabetes.
Ayon sa lead author ng pag-aaral ukol dito at assistant professor na si Joji Kusyuama mula sa Tohoku University’s Interdisciplinary Institute for Frontier Sciences, nakakabahala ang datos na pagdami ng mga diabetes patient.
“With the growth of maternal obesity, a worrying cycle is forming where the risks of diabetes gets passed down from generation to generation. Stopping this cycle is a critical and pressing medical problem.”‘
Larawan kuha mula sa Pexels
Sa kanilang pag-aaral, nakitang mayroong kaliwa’t kanang benepisyo ang pag-eehersisyo sa pagbubuntis. Maganda kasi ito para sa metabolic health. Dahil may malaking papel ang placenta-derives SOD3 o supuroexide dismutase 3 sa pagta-transmit ng maternal exercise sa offspring.
Nakita rin nilang nakatutulong ang SOD3 para maiwasan ang mga negatibong epekto ng obesity na maipasa sa magiging anak.
Sinubukan din nilang i-infuse ang N-acetylcysteine (NAC), isang antioxidant na nagboboost ng performance ng liver. Hindi raw nito na-produce ang kaparehong benepisyo na mayroong ang SOD3. Kaya nga ayon sa researchers, ang naturally produced SOD3 na nakukuha sa ehersisyo ay mahalaga sa metabolic wellbeing ng offspring.
Malaking tulong daw ito para mahikayat ang mga nanay na mag-ehersisyo. At mabawasan ang nakakabahalang pagtaas ng rates ng obesity at type-2 diabetes. Ayon pa kay Professor Kusuyama, posibleng magkaroon ng positibong epekto sa bata ang pag-ehersisyo ng ina habang buntis.
“There may be wider benefits of this protein on other organs in the child. We are currently looking into the modifications in placenta tissue brought about by SOD3 that may have positive lifelong impacts on children.”
Larawan kuha mula sa Pexels
BASAHIN:
#AskDok: Ano ang puwedeng gawin para makaiwas sa diabetes?
10 tips for exercising post-pregnancy, and know the risk of exercising too soon after giving birth
Does having sex while pregnant harm the baby and other pregnancy sex questions, answered!
Ilang tips upang maiwasan maging obese
Ano nga ba ang obesity? Ayon sa World Health Organization (WHO), ito ay ang abnormal na pagkaipon ng fats ng isang tao. Dahil dito, posible itong maging dahilan ng ilang health risk.
“Overweight and obesity are defined as abnormal or excessive fat accumulation that presents a risk to health.”
Ang pagkakaroon daw ng body mass index (BMI) na 25 ay kinokosindera na bilang overweight. Ang lagpas sa 30 naman ay obese. Sa kasakuluyan patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng labis na timbang.
“From 1975 to 2016, the prevalence of overweight or obese children and adolescents aged 5–19 years increased more than four-fold from 4% to 18% globally.”
Ang ganitong kalagayan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit para sa katawan ng tao. Para maiwasan ang patuloy na pataas ng timbang at pagiging obese narito ang ilang tips na maaaring gawin:
- Pag-iwas sa processed foods – Ang mga ganitong pagkain ay high in salt, sugar, and fat na sadyang hindi healthy para sa katawan ng tao. Nagiging dahilan din ito upang lalong mahumaling sa pag-oovereat ang isang tao. Kabilang sa mga processed foods ay ang canned goods, junk foods, at softdrinks.
- Kumpletuhin ang tulog sa araw-araw – Para sa mga taong kulang ang tulog, mas marami ang nate-take in nilang calories dahil na rin sa mas maraming oras ng kanilang pagkain. Nawawala rin ang balance ng hormones na kumukontrol sa appetite ng tao dahilan upang mas magutom nang madalas.
- Bawasan ang screen time – Dahil sa moderno na ang panahon, marami na rin ang bilang ng taong gumagamit ng teknolohiya. Ang sobra-sobrang paglaan ng oras dito ay mas nakababawas sa physical activity kaya naman lalong hindi nagagawa ng katawan na mag-burn ng fats. Dahilan din ito para umonti ang oras ng pagtulog na isang dahilan din kaya lalong dumadagdag ang timbang ng tao.
- Bumisita sa iyong doktor – Kung nagawa na ang lahat ng ito at mabigat pa rin ang timbang mainam na pumunta na sa iyon doktor upang malaman ang tamang gagawin. Maaaring siya ang makapagbigay nang tamang payo upang maiwasan ang pagkakaroon ng obesity.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!