Ano ang PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome? Isa itong kundisyon sa ovary o ovaries ng mga babae. Narito ang mga dapat mo pang malaman patungkol sa PCOS na baka inyo nang nararansan.
Ang pagkakaroon ng PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang isang babae ay nawawalan ng kakayahang magbuntis.
Ito ang itinuturing na isa sa mga pinakakaraniwan na sakin ng kababaihan sa iba’t ibang panig na mundo. Ayon sa pag-aaral, isa sa bawat sampung tao ang mayroon ng sakit na ito.
Karaniwan sa nagkakaroon ng PCOS ay mayroon din sakit katulad ng Diabetes at Highblood pressure. Samantala, ang pagiging maalam sa ganitong klase ng kondisyon ay makakatulong upang mabawasan ang sintos nito at maiwasan ang pangmatagalang epekto nito sa katawan.
Mga dapat malaman tungkol sa PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome
1. Ano ang ang PCOS?
Bakit hindi regular ang menstruation mo? Baka mayroon ka nang PCOS.
Kadalasang irregular menstrual cycles at pagkakaron ng acne ang karaniwang problema ng mga babae lalo na ng mga dalaga. Subalit marami ang hindi nare-realize na maaaring sintomas na pala ito ng isang seryosong kundisyon. Kaya naman hatid ng artikulo na ito ang mga dapat niyong malaman tungkol sa PCOS.
Ang Polycystic ovarian syndrome (PCOS) o sa tagalog ay may problema sa pag-produce ng egg cells sa ovary ng mga babae. Isa ito sa mga pangkaraniwang endocrine (hormonal) disorder na nakakaapekto sa mga young women. Tinatayang nasa 10% ng mga babae sa Singapore ang mayroong PCOS.
Ayon sa pag-aaral, 4% hanggang 20% ng mga babaeng nasa edad na maaaring magdalang-tao na ang mayroong PCOS. Sa kasalukuyan, itinatayang may 4.5 milyong kababaihang Pilipino na ang dumaranas sa ganitong klaseng kondisyon.
Ang mga babaeng may PCOS ay kadalasang may multiple cysts sa kanilang ovary o kaya naman hormonal imbalances katulad ng sobrang androgens (male hormones) at insulin resistance. Sa PCOS, hindi regular na nagkakaroon ng ovulation, kaya naman nagreresulta ito ng menstrual irregularities.
Maaari malaman sa iba’t ibang variety ng sintomas kung mayroon kang PCOS, marami ang walang alam sa maaari nilang kundisyon at nagreresulta ito sa pagiging undiagnosed.
2. Ano ang sintomas ng PCOS?
Mga dapat malaman tungkol sa PCOS. | Image source: iStock
Isa sa mga tipikal na sintomas ng PCOS ay ang irregular ng menstrual cycle, kadalasang mahaba ang interval sa pagitan ng kanilang mga periods (oligomenorrhea) o missed periods.
Ang sintomas katulad ng acne o mga tigyawat, hirsuitism o pag-increase ng facial at body hair, at make pattern hair loss ay resulta ng sobrang male hormones.
Samantala, ang obesity ay karaniwan din sa mga babaeng mayroong PCOS, subalit kailangan din i-note na ang karamihan sa mga babaeng may PCOS ay mayroong normal na BMI.
Narito ang ilan pang mga sintomas ng pagkakaroon ng PCOS:
- Hindi regular ang menstruation o regla.
- Pagkakaroon ng malaking obaryo o kaya naman maraming cyst sa obaryo.
- Sobrang pagtubo ng maraming buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan, gaya na lamang sa dibdib, tiyan, at likod.
- Pagdagdag ng timbang, lalo sa sa bandang tiyan at puson (abdomen)
- Pagkakaroon ng oily skin
- Pagkakaroon ng skin tags o maliliit na sobrang balat sa bandang leeg at kili-kili.
- Pangangapal at pangingitim ng balat sa batok, kili-kili, at ilalim ng dibdib.
3. Ano ang mga posibleng mga kumplikasyon dala ng PCOS?
Ang PCOS ay isa sa mga karaniwang sanhi ng infertility. Sapagkat ang mga babaeng may PCOS ay hindi regular na nag-o-ovulate, kaya naman maaaring mahirapan sila sa pag-conceive.
Samantala, sa mga babaeng matagumpay na nakapag-conceive ng baby ay may mataas na tiyansa ng mga kumplikasyon sa pagbubuntis. Maaari nilang maranasan ang gestational diabetes.
Ang pagkakaroon ng insulin resistance na makikita sa mga babaeng may PCOS ay may mataas na tiyansang magkaroon ng ilang mga sakit.
Katulad ng Type 2 Diabetes at cardiovascular disease. Mayroon ding mataas na tiyansa na magkaroon ng endometrial (uterine) cancer dahil sa hormonal imbalances.
Maaaring maging psychologically distressing ang mga babaeng may PCOS at makaranas ng anxiety, depression na related sa acne, excess hair, hair loss, bodweight concerns, at infertility.
4. Paano mo malalaman kung may PCOS ka?
Mga dapat malaman tungkol sa PCOS. | Image source: iStock
Kung mayroon ka nang sintomas ng PCOS, mas mabuting kumonsulta agad sa inyong doktor upang makapag-undergo ka ng blood test at scans.
Maaaring ma-diagnosed ang PCOS sa pamamagitan ng clinical symptoms sa mula sa inyong irregular history menses, hormonal blood test upang makita ang sobrang male hormones, at imaging, na kadalasan ay ultrasound scan sa inyong pelvis. Ginagawa ito upang malaman kung may cysts sa inyong ovaries.
5. Ano ang paraan kung paano suriin o i-diagnose ang PCOS?
Bago ang lahat, aalamin muna ng iyong doktor o health care provider ang iyong medical history pati na rin ang mga sintomas na iyong nararamdaman at napapansin sa iyong katawan.
Maaari ka ring sumailalim sa physical exam tulad ng pelvic exam. Ang ganitong uri exam ay isinasagawa upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng iyong reproductive organs.
May mga pagkakataon kung saan ang sintomas ng PCOS ay related o maaaring bunsod ng iba pang health problems. Dahil rito, maaari gumamit ng iba pang paraan ang iyong doktor kung paano ka i-test. Halimbawa na lamang nito ang mga sumusunod:
Ginagamit ng sound waves at kompyuter sa test na ito upang makalikha ng imahe ng blood vessels, tissues, at organs ng isang babae.
Bukod pa rito, ito rin ang paraang ginagamit upang malaman ang size ng obaryo at kung ito ba ay mayroong cysts. Ito rin ang paraang ginagamit upang makita ang kapal ng lining sa matris ng babae (o tinatawag na endometrium).
Sa test na ito malalaman kung mataas ba ang level ng androgens (grupo ng sex hormones) at iba pang hormones ng isang babae. Maaari ring i-test ng iyong doktor o health care provider ang level ng iyong blood glucose, cholesterol, at triglyceride.
6. Paano mina-manage o ginagamot ang PCOS?
Walang gamot ang PCOS pero pwede kang magkaroon ng crucial role upang masubaybayan ang inyong kundisyon.
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle kasama na ang good diet at exercise ay makakatulong upang mabawasan ang sintomas ng PCOS.
Kapag ikaw ay overweight, mabawasan lamang ng 2-5% ang inyong timbang ay makakatulong na sa pagbabalik ng inyong normal menstrual cycles. Maaaring mabawasan ang risk sa pagkakaroon ng diabetes, heart disease, at iba pang sakit.
Ang mga medical treatment ay maaaring ilapat sa inyong pangangailangan depende sa sintomas na nakikita sa inyo. May mga medication katulad ng oral contraceptive pill ay maaaring makagamot sa menstrual irregularities.
Ang pills din ay makakatulong upang mabawasan ang sintomas ng excess androgens katulad ng acne at hirsuitism. Ang Metformin naman ang iyong oral diabetic medication.
Maaari nitong ma-reduce ang insulin resistance ng mga babaeng may PCOS at nakakatulong din sa weight loss. May mga tiyak na medication upang ma-induce ang ovulation, maaari itong i-prescribed sa mga babaeng nagnanais magbuntis subalit nahihirapang makabuo.
Ang Polycystic Ovarian Syndrome ay isang karaniwan kundisyon na maaari maging sanhi ng mga significant ng health complications.
Kaya naman importanteng huwag ipagwalang-bahala ang mga nararamdamang sintomas na katulad ng sa PCOS. Kapag nararanasan niyo na ang mga sintomas na nabanggit mas mainam na kumonsulta agad sa inyong pinagkakatiwalaang doktor.
Samantala, kung ikaw naman ay walang planong magbuntis, may ilang mga treatment na maaaring irekomenda sa iyo ng doktor. Ito ay ang mga sumusunod:
- Birth control pills. Ito ay makakatulong upang makontrol o maisaayos ang iyong buwanang dalaw, mapababa ang androgen levels, at mabawasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
- Diabetes medication. Ito ay kadalasang ginagamit upang mapababa ang insulin resistance sa PCOS. Gaya ng birth control pills, makakatulong din ito upang mapababa ang androgen levels at maging regular ang iyong pag-ovulate.
- Pagbabago ng diet at mga activity na iyong ginagawa. Ang malusog na pagda-diet kasabay ng physical activity ay makakatulong upang mabawasan ang iyong timbang at sintomas. Bukod pa rito, nakakatulong ito upang maging mabisa ang paggamit ng iyong katawan sa taglay nitong insulin, mapababa ang iyong glucose level, at makatulong sa iyong pag-ovulate.
Epekto ng PCOS diet
Karaniwan sa mga babaeng may PCOS ay mayroong mas mataas na insulin kaysa sa normal na level lamang nito. Ang insulin ay hormone na nagmumula sa pancreas at nakakatulong sa katawang gawing energy ang iyong sugar.
Kung ang iyong katawan ay hindi nagbibigay ng sapat na insulin, tataas ang iyong sugar level. Gayon din ang mangyayari kung ang iyong katawan ay may insulin resistance.
Kung ikaw ay may insulin resistance, ibig lamang sabihin nito ay hindi mabisang nagagamit ng insulin sa loob ng iyong katawan. Kapag mataas ang iyong insulin level, maaaring maging sanhi ito upang ang iyong obaryo ay mag-produce pa ng androgens.
Ang insulin resistance rin ang sanhi ng pagkakaroon ng mas mataas na body mass index. Bukod pa rito, sanhi ito kung bakit higit na nahihirapan ang taong may PCOS na magpababa ng timbang.
Ano ang dapat mong idagdag sa iyong PCOS diet?
- High fiber vegetables, katulad ng broccoli
- Lean protein, katulad na lamang ng isda
- Anti-inflammatory na pagkain at spices, katulad ng turmeric at kamatis.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!