Napapaisip ka ba mommy at napapatanong kung “buntis ba ako?” kapag nararamdaman mong sumasakit ang dede o may pananakit ng dede? Alamin kung sintomas ‘yan o senyales na ika’y buntis at kung bakit mo ito nararamdaman.
Maraming mga babae ang nakakaranas ng pananakit ng dede, normal lamang ito lalo na kung may menstruation o regla ang babae. Subalit maaari rin itong senyales na buntis o nagdadalang-tao na ang isang babae. Kaya mapapatanong ka talaga kung buntis ba ako?
Ano ba ang pakiramdam ng pananakit ng suso o boobs kapag buntis?
Maraming uri ng pananakit ng boobs o dibdib. Maaari itong maramdaman sa isa o parehas na dibdib ng babae. Maaari kang makaramdam ng sakit sa isang bahagi o spot lang, o maramdaman ang pananakit papunta malapit sa iyong kilikili.
Sa mga unang araw ng pagbubuntis, ang dibdib o boobs ay kadalasang dull at achy. Makakaramdam ka rin ng pagkabigat at tila namamaga ito. Sensitibo rin ito kung hahawakan, ang pag-e-exercise at sex play ay maaaring maging hindi kumportable.
Kaya naman mahalaga na makipag-communicate sa iyong asawa o partner patungkol sa iyong nararamdaman. Dagdag pa sa maaari mong maranasan ay ang pananakit ng suso na biglang mawawala at babalik.
Larawan mula sa IStock
Sensitibo para sa maraming babae ang nipples sa unang mga linggo ng pagbubuntis. Maaari ito maging tender to touch at sumasakit kapag halimbawa pinupunasan mo ito pagkatapos mong maligo, o kahit na ang paglalagay at pagtatanggal ng bra. Pero tandaan ang pagiging senstibo ng nipples ay tatagal lamang ng ilang linggo.
Kapag sumapit na ang first trimester mapapansin na mas mabigat na at tender ang iyong boobs at dibdib. Ang ibang babae pa nga ay nakakaranas ng tingling sensation sa kanilang nipples at areolas sa panahon na ito.
Maaari ring makaranas ng sharp breast pain, kung saan pakiramdam mo ay sinasaksak ka sa isang specific area sa isang mong dibdib. Hindi ito karaniwan sa pagbubuntis pero maaari itong maranasan pero tandaan na hindi ito kadalasang nangyayari.
Bakit sumasakit ang suso sa unang linggo ng pagbubuntis?
Kadalasang unang sintomas ng pagbubuntis ang masakit na suso, 1-2 linggo pa lamang ng pagbubuntis ay maaari na itong maranasan hanggang 3–4 weeks.
Dadarating sa peak ang sore boob sensation sa first trimester. Sapagkat ang iyong katawan ay maraming hormones na inilalabas.
Mahalaga kasi ang role ng hormones dahil hinahanda na nito ang iyong katawan sa paglaki ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan. Siyempre kinakailangan niya ng breast milk kapag siya’y naipanganak mo na.
Mabilis na nagtatrabaho ang mga hormones para maihanda ang iyong katawan para sa breastfeeding ‘pag lumabas si baby. Ang blood flow sa area na ito ay nagiging dahilan kung bakit mayroong paglaki ng dibdib o boobs. Maaari ring ang paglaki nito ay maging masakit at maaaring maging sanhi ng skin irritation at pangangati.
Iba pang pagbabago ng boobs kapag buntis
Hindi lamang related sa pananakit ng suso ang maaaring sintomas na iyong naranasan kapag ikaw ay buntis. Sa first trimester, mapapansin mo ang blue veins sa iyong boobs na nagpa-pump ng extra blood sa iyong boobs at ang size at hugis ng iyong nipple ay mag-iiba.
Kapag sumapit naman ang second trimester (13-26), maaari mong pansin na ang iyong areolas (ang pigmented area na pumapalibot sa iyong nipples) ay magkakaroon ng darker na kulay. Magpapatuloy pa ang pag-itim nito kapag tuntong ng second at third trimester.
Maaari mo ring mapansin ang mga maliliit na bukol o bumps sa aerolas. Kung nangangamba ka kung bakit ito nangyayari huwag kang mag-alala dahil normal ito.
Ang tawag rito ang Montgomery’s tubercles. Ito ay oil-producing glands na naglu-lubricate ng dibdib kapag nag-breastfeeding. Makakatulong ito sa breastfeeding dahil mas magbibigay ito ng comfort sa iyo at sa iyong baby kapag breastfeeding.
Pagsapit naman ng third trimester magsisimulang mag-leak ng tila yellowish na fluid sa iyong boobs o dibdib. Ang tawag rito ay colostrum. Ito ay isang masustansyang immune-boosting fluid na makukuha ng iyong baby sa oras na siya ay magsimulang magbreastfeed.
Kaya huwag kang mag-aalala dahil normal lamang iyon. Kapag nakakaranas ka ng leak sa iyong boobs ay maaari kang gumamit ng breast pads na pwede mong mailagay sa iyong bra.
Sa mga huling linggo ng iyong pagbubuntis mapapansin mo na ang iyong dibdib ay mas malaki at mas mabigat na kaysa sa dati. Ang nipple discharge ay mas madalas, at oo lalabas na rin ang mga stretch marks sa iyong dibdib.
Paano mawawala ang stretch marks sa boobs?
Karamihan sa mga stretch mark ay natural na maglalaho sa kanilang sarili pagkatapos ipanganak ang iyong sanggol. Ngunit maaari mong gawing mas hindi kapansin-pansin ang mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang paggamot.
Chemical peel
Isa itong cosmetic procedure na maaaring gawin para ma-exfoliate ang balat. Ito ay karaniwang ginagawa ng doktor, dermatologist, o plastic surgeon.
Laser therapy
Ang mga laser therapy ay mga medikal na paggamot na gumagamit ng mga partikular na wavelength ng liwanag upang mabawasan ang sakit, pamamaga, at pagsusugat.
Topical gels na may hyaluronic acid
Iminumungkahi ng research na ang paglalapat ng hyaluronic acid sa maagang mga stretch mark ay maaaring mabawasan ito.
Prescription creams na may Tretinoin
Ang Tretinoin ay isang retinoid, na tumutulong na mapabilis ang skin cell turnover at pinasisigla ang paglaki ng collagen.
Ang iyong dermatologist lamang ang maaaring magreseta ng cream na may tretinoin. Gayunpaman, hindi ka maaaring gumamit ng mga retinoid kung buntis ka pa rin dahil maaari silang humantong sa birth defects.
Dapat mo ring iwasan ang mga ito kung ikaw ay nagpapasuso dahil maaari silang maisama sa iyong gatas ng suso.
Cocoa butter at Vitamin E
Wala pang research na nagsasabing epektibo nga ito katulad ng Olive oil at Almond Oil ngunit walang masama sa pagsubok nito. Ligtas silang gamitin sa panahon ng pagbubuntis at makakatulong ang mga ito na panatilihing moisturized ang iyong balat — na nakakatulong din sa pangangati!
Huwag mag-aalala mga moms maaaring makatulong ang isa pang artikulo na ito patungkol sa kung paano mawala ang stretch marks pagkatapos manganak. I-click ito.
Higit sa lahat, mabuti pa ring kumonsulta muna sa iyong doktor bago sumailalim sa anumang procedure o gumamit ng anumang gamot lalo na kung ikaw ay buntis o kakatapos manganak, o kaya naman ay may nararamdaman sa dibdib katulad ng masakit na suso.
Ang masakit na utong o suso ba ang mga unang senyales ng pagbubuntis?
Larawan mula sa IStock
Oo, isa ito sa mga unang senyales ng pagbubuntis. Maaari itong maranasan kahit sa 1-2 linggo pa lamang ng conception.
Dahil maaari mo itong maranasan bago mo pa mapansin ang iyong missed period. Ang pananakit ng dede ay kadalasang useful indicator ng pagbubuntis. Pero tandaan, hindi ito definitive. Hindi lamang dapat ito ang iyong tinitignan pero mainam itong indicator.
Kung ikaw at iyong asawa at partner ay sinusubukang magka-anak at nakakaranas ka ng ganitong sumasakit ang suso. Mas mainam na mag-take na ng home pregnancy test.
Tandaan na baka masyado pang maaga para malaman kung ikaw ay buntis. Maaaring mag-test muli 1-2 weeks after ng unang test para makumpirma ito.
Ano ang pagkakaiba ng pananakit ng suso sa pagbubuntis at PMS symptoms?
Halos parehas lamang ang sakit at sintomas ng pagbubuntis at sintomas ng regular mong period. Kaya paano mo ito mapagkukumpara?
Ang sagot ay hindi ito palaging posible. Totoo ito lalo na kung ikaw ay madalas na nakakaranas ng masakit na suso kapag ikaw ay may PMS.
Dahil ang iyong hormone levels ay nagdi-drip bago ang iyong menstruation o regla, ang pananakit ng suso ay isang karaniwang sintomas. Ang pinakamainam na paraan para malaman kung ano ang pagkakaiba nito ay kapag nag-take ng pregnancy test.
Kapag napansin mo na mayroon kang light spotting ng 1-2 araw pero hindi normal na regla, maaari itong indikasyon ng implantation bleeding at pagbubuntis.
Dapat ba itong ipag-aalala?
Larawan mula sa IStock
Ang masakit na utong o boobs habang nagbubuntis at nireregla ay normal lamang at karaniwan. Hindi mo dapat ito ipag-aalala. Subalit ang dapat na ipag-aalala ay kung may tumutubong bukol sa iyong dibdib.
Ang benign lumps ay maaaring lumabas at makita habang nagbubuntis pero huwag mag-freak out agad dahil ang lump o bukol na ito ay maaaring harmless. Mas mainam pa rin na pumunta agad sa iyong doktor upang magpatingin.
Isa sa 1,000 na buntis na babae ay nagkakaroon ng breast cancer. Maaaring malagay sa panganib ang buhay mo at ni baby. Kaya naman mahalaga na magpatingin agad sa doktor.
Tandaan
Kung nakakaranas ka ng mga ganitong sintomas ay hindi ibig sabihin ay buntis ka agad. Maaari kasing sintomas din ito ng iyong regla kaya ang pinakamainam talaga ay mag-take ng pregnancy test upang malaman.
Kapag nakumpirma mong buntis ka nga, pumunta agad sa isang OB-GYN upang ma-check up ka at masabihan ng kung anong pwede mong gawin sa iyong nararamdaman na pananakit ng dibdib.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!