11 benepisyo ng luya sa kalusugan

11 benepisyo ng luya sa kalusugan

Narito ang mga health benefits na maari mong makuha sa luya.

Benepisyo ng luya sa ating katawan at kalusugan na dapat mong malaman.

Ang luya ay ang isa sa pinakamasarap at pinakamasustansiyang pampalasa. Isa itong namumulaklak na halaman na nagmula sa bansang China. Halos katulad nito ang turmeric, cardomon at galangal sa itsura at sa lasa.

Kilala itong natural na halamang gamot na ginagamit na noong una pang panahon. Nakakatulong ito umano sa digestion, nausea, panlaban sa trangkaso, sa sipon at marami pang iba.

Isa rin ito sa hindi nawawalang sangkap sa mga lutong Pinoy dahil sa kakaibang lasa at amoy nito na nagbibigay gana sa pagkain. Maaring gamitin ito ng fresh, dried, powdered, oil o kaya naman ay juice. Makikita rin ito minsan sa mga processed foods o kaya naman ay sa mga produkto ng cosmetics.

Ayon mga pag-aaral, maraming magandang epekto sa katawan ng isang tao ang pagkain ng luya. Ang ilan nga sa mga benepisyo ng luya sa katawan at kalusugan ay ang sumusunod:

benepisyo ng luya

Image from Freepik

Mga benepisyo ng luya sa katawan

1. Ang luya ay nagtataglay ng substance na kung tawagin ay gingerol na may taglay na powerful medicinal properties

Ang amoy at lasa ng luya ay nagmumula sa natural oils nito at ang isa sa mga ito ay ang tinatawag na gingerol. Ito rin ang main bioactive compound sa luya na may taglay na powerful medicinal properties. Tulad ng anti-inflammatory at antioxidant properties na kailangan ng ating katawan.

2. Effective na gamot ito sa nausea o pagduduwal gaya ng morning sickness sa mga buntis

Ayon sa pag-aaral, ang 1-1.5 grams ng luya ay makakatulong para makaiwas sa iba’t-ibang uri ng nausea o pagduduwal. Kabilang na dito ang sea sickness, chemotherapy-related nausea, nausea na dulot ng surgery at morning sickness sa buntis.

Bagamat ito ay natural na halamang gamot, ipinapayo na makipag-usap muna sa doktor bago mag-intake ng malaking amount ng luya kapag buntis. Dahil ayon naman sa paniniwala ng ilan, ang large amount ng luya ay maaring magdulot ng miscarriage.

3. Nakakatulong ito para maibsan ang pamamaga at pananakit ng muscles

Isang pag-aaral naman ang nagsabing ang 2grams ng luya sa isang araw sa loob ng 11 days ay makakatulong para maibsan ang muscle pain.

Hindi man ito magdudulot ng mabilisang epekto ngunit nakakatulong naman ito para mabawasan ang pamamaga ng mucles lalo na ang dulot ng pag-eehersisyo.

4. Ang inflammatory effects ng luya ay nakakatulong rin para sa mga may osteoarthritis

May isang pag-aaral ang nagsabing isang benepisyo ng luya na inihalo sa mastic, sesame oil at cinnamon ay epektibong pampawala ng sakit at stiffness na dulot ng osteoarthritis kapag ipinahid sa balat.

5. Ang luya ay may powerful anti-diabetic properties

Ang isa pang kahanga-hangang benepisyo ng luya ay ang pagpababa nito ng blood sugar levels sa katawan na nagpababa rin sa tiyansa na magkaroon ng heart disease ang isang tao.

Ayon nga isang 2015 study, ang 2 grams of ginger per day ay nagpababa ng blood sugar ng hanggang 12%.

6. Nagagamot rin ng luya ang chronic indigestion at iba pang related stomach discomfort

Ang chronic indigestion ay ang pabalik-balik na sakit sa gawing itaas na bahagi ng tiyan. Ito ay dahil umano sa mabagal na pagkatunaw ng pagkain na nagdudulot ng mabagal o delayed na pagdumi.

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 24 na healthy individuals, natuklasang ang 1.2grams ng ginger powder bago ang isang meal ay nakakapagbilis ng digestion at pagdumi ng 50%.

Samantalang, ang pagkain ng ginger soup naman ay nakakapagbilis ng digestion o pagdumi mula 16 to 12 minutes.

7. Mahusay din ang luya bilang pain relief para sa dysmenorrhea

Isa pang benepisyo ng luya lalo na sa kababaihan ay ang pag-gamot nito sa sakit na dulot ng regla o dysmenorrhea.

Ang isang gram ng ginger powder kada isang araw sa unang tatlong araw ng regla ay maaring makapagpabawas ng sakit na dulot ng dysmenorrhea. Tulad ng epekto nagagawa ng mefenamic acid at ibuprofen, ayon sa isang pag-aaral.

8. Pinababa rin ng luya ang cholesterol level ng katawan

Sa isang 45-day study sa 85 na taong may high cholesterol natuklasan na ang 3grams ng ginger powder ay nagdudulot ng significant reduction ng cholesterol markers sa katawan.

Sinuportahan ito ng isa pang pag-aaral sa hypothyroid rats na kung saan natuklasan na ang ginger extract ay nagpapababa ng LDL cholesterol tulad ng nagagawa ng gamot na atorvastatin.

9. Ang luya ay may taglay na substance na nakakatulong para makaiwas sa sakit na cancer

Ang ginger extract ay itinuturing na alternative treatment para sa uncontrollable growth ng mga abnormal cells sa katawan.

Sa isang pag-aaral na ginawa sa 30 individuals, nakitang ang 2grams ng ginger extract kada araw ay nakakabawas ng pro-inflammatory signaling molecules sa ating colon.

Nagtataglay rin ang luya ng 6-gingerol substance na may anti-cancer properties na maaring panlaban sa pancreatic cancer, breast cancer at ovarian cancer.

10. Na-iimprove din ng luya ang brain function at pinoprotektahan ito laban sa Alzheimer’s disease

Ayon sa mga pag-aaral, ang anti-oxidants at bioactive compounds na taglay ng luya ay pinipigilan ang inflammatory responses na nagaganap sa utak.

Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at age-related brain function decline.

Isang pag-aaral din na ginawa sa 60 middle-aged women ang nagsabing ang ginger extract ay nakaka-enhance ng brain function ng utak sa pamamagitan ng pag-improve ng reaction time at working memory nito.

11. Mahusay na panlaban rin sa impeksyon ang luya

Ang active ingredient ng luya na gingerol ay mabuting panlaban rin sa impeksyon. Dahil pinipigilan nito ang pagdami ng iba’t-ibang uri ng bacteria.

Pinaka-epektibo ito bilang panlaban sa mga oral bacteria na may kaugnayan sa inflammatory diseases sa gums gaya ng gingivitis at periodontitis.

Ang fresh ginger din ay mahusay na panlaban sa RSV virus na nagdudulot ng respiratory infections.

 

Hindi lamang isang superfood, isa pang benepisyo ng luya ay madali itong hanapin o mabili kahit saan. Mula sa pinakamalapit na tindahan, palengke o kaya naman ay grocery store mayroong mga produkto na may taglay na ginger extracts gaya ng mga supplements na makakatulong sayo laban sa mga sakit.

 

Source: Healthline 
Photo: Freepik

Basahin: 10 health benefits ng bawang ayon sa mga pag-aaral

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner