Nahihirapang kumain? Alamin rito ang mga posibleng dahilan at gamot sa pamamaga ng gilagid.
Narito ang mga gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid na maaaring gawin sa inyong tahanan.
Maliban sa ngipin, importante rin na pangalagaan natin ang ating gilagid. Dahil kapag ito ay nasugat o namaga ay mahihirapan tayong kumain at gamitin ang ating bibig.
Gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid | Image from Freepik
Sanhi ng pamamaga ng gilagid
Bago malaman ang mga gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid, atin munang alamin kung ano ba ang mga sanhi o pinagmumulan nito.
Ang gingivitis ay isang gum disease na nagdudulot ng iritasyon at pamamaga sa gilagid.
Ito ay dulot ng poor oral hygiene na nagiging dahilan para magkaroon ng plaque build-up sa gilagid at sa ngipin.
Ang plaque ay ang film na bumabalot sa ngipin na binubuo ng bacteria at food particles na hindi naalis sa ngipin. Kapag ang plaque ay nanatili sa ngipin ng ilang araw, ito ay nagiging tartar. Dito na nagsisimula ang pagkakaroon ng gingivitis.
Subalit marami sa atin ang hindi alam na mayroon na silang gingivitis dahil sa mild lang ang sintomas nito. Ang napabayaan at hindi nalunasan na gingivitis ay maaring mauwi naman sa seryosong kondisyon na kung tawagin ay periodontis o ang tuluyang pagkasira ng ngipin.
Ang kakulangan sa mga bintaminang gaya ng vitamin B at C ay maari ring magdulot ng pamamaga ng gilagid. Lalo pa’t ang vitamin C ang tumutulong sa maintenance at repair ng ating ngipin at gilagid.
Kung masyadong mababa ang vitamin C ng katawan, maaring magkaroon ng sakit na scurvy na nagiging dahilan naman ng anemia at gum disease.
3. Impeksyon
Ang pagkakaroon ng impeksyon dulot ng fungi at viruses ay nagdudulot rin ng pamamaga ng gilagid.
Kung mayroon kang herpes (na sanhi ng infection), maari kang magkaroon ng acute herpetic gingivostomatitis, na nagdudulot ng pamamaga ng gilagid.
Ang thrush, na resulta ng pagdami ng yeast sa ating bibig ay maari ring magsanhi ng gum swelling.
4. Pagbubuntis
Ang pamamaga ng gilagid ay maaring dulot din ng pagdadalang-tao. Ito ay dahil sa pagtaas ng hormones sa katawan ng buntis kaya dumarami ang dugo sa gilagid. Ang increased blood flow na ito ang nagiging dahilan para mas madaling mairita ang gilagid at mauwi sa pamamaga.
Dahil din sa hormonal changes na nangyayari sa katawan ng buntis, humihina ang katawan nito sa paglaban sa mga bacteria na nagdudulot ng gum infections. Isang dahilan na nagpapataas ng tiyansa ng buntis na magkaroon ng gingivitis.
5. Maling sukat ng mga dentures
Kung gagamit ka ng dentures o pustiso, o kung ano mang ikinakabit sa iyong ngipin, siguruhing tama ang sukat nito sa iyong ngipin, para maiwasang masugat ang iyong gilagid kapag ikaw ay kumakagat.
Gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid | Image from Freepik
Gamot sa pamamaga ng gilagid at ngipin
Kapag tumagal na ng mahigit 2 linggo ang pamamaga ng gilagid, kailangang kumonsulta na sa isang dentista. Depende sa naging sanhi ng pamamaga ang ireresetang gamot sa iyo.
Ngunit madalas, ang gamot sa pamamaga ng gilagid at ngipin ay mga oral rinses na makakatulong para makaiwas sa gingivitis at mabawasan ang plaque sa ngipin. Maaari rin niyang ipayo na gumamit ng ibang brand ng toothpaste. Sa ilang kaso, pwede ring magreseta ng antibiotics ang iyong dentista.
Kung malala naman na ang kaso ng gingivitis ay maaring kailanganin na ng surgery. Ang treatment option na karaniwang ginagawa ay scaling at root planning. Sa procedure na ito, kinakayod ng dentista ang dental plaque, tartar at diseased gums na bumabalot sa ngipin.
Gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid | Image from Freepik
Home remedies sa pamamaga ng gilagid
Maliban sa medikal na paraan,mayroon ring gamot sa pamamaga ng gilagid at ngipin na maaring gawin sa loob ng bahay. Maari mong subukan ang sumusunod na home remedies:
-
Marahang pagsisipilyo at floss
Para hindi mairita ang gilagid, i-brush ito at i-floss ng dahan-dahan.
-
Maligamgam na tubig at asin
Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin para upang mapatay ang mga bacteria sa iyong bibig. Panatiliin ang maligamgam na tubig na may asin sa iyong bibig ng hanggang 30 segundo bago magmumog. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa loob ng isang araw hanggang humupa ang pamamaga.
Uminom ng maraming tubig. Ito ay para ma-istimulate ang production ng saliva at mapahina ang disease-causing bacteria sa loob ng bibig. Iwasan ang mga matatapang na mouth wash, alcohol at sigarilyo para hindi mairita ang namamagang gilagid.
Maglagay ng warm compress sa affected area sa mukha para mabawasan ang pananakit ng gilagid. Panatiliin ito sa masakit na bahagi sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos, maglagay naman ng cold compress naman para humupa ang pamamaga. Ilagay rin ito sa labas ng namamagang bahagi sa loob ng 5 minuto. Gawin ang warm at cold cycle na ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw.
Subukan ring magpahid ng turmeric gel sa iyong gilagid. Panatiliing ito sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos ay magmumog. Gawin ito 2 beses sa isang araw hanggang mawala ang pamamaga.
Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong ang mga essential oil na peppermint, tea tree at thyme para mamatay ang mga bacteria sa iyong ngipin at gilagid.
Maglagay ng 3 drops ng kahit alin sa mga essential oil na nabanggit sa maligamgam na tubig at imumog ito (Babala: huwag iinumin o lulunukin). Gawin ito dalawang beses sa isang araw hanggang sa mawala ang pamamaga.
Tandaan: maaring subukan ang home remedies na ito. Subalit kung matindi na ang pananakit at pamamaga ng gilagid, kumonsulta na agad sa iyong dentista.
Paano ko ito maiiwasan?
Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang oral care para maiwasan ang mga sakit sa ngipin at gilagid. Magsipilyo ng hindi bababa sa 2 beses isang araw. Ugaliin ring magmumog at gumamit ng dental floss.
Pumili rin ng mga produktong banayad sa iyong ngipin at gilagid. Kung mayroon kang sensitive teeth o gums, gumamit ng toothbrush na may soft bristles para hindi mairita ang gilagid.
Importante rin ang pagkain ng masustansya at mayaman sa nutrisyon na pagkain. Mapapatibay nito lalo ang iyong ngipin. Ugaliin rin ang madalas na pag-inom ng tubig na nakakatulong para malinis ang iyong ngipin at ang paligid nito.
Gayundin, iwasan ang mga pagkain na sumisingit sa gilid ng ngipin gaya ng popcorn at mga pagkain o inuming maraming asukal. Kung kakain o iinom nito, siguruhing magsipilyo pagkatapos.
Hangga’t maari, limitahan rin ang masyadong maiinit na inumin. Kung iinom naman ng masyadong malamig, gumamit ng straw.
Iwasan rin ang paninigarilyo at pag-inom ng alak na maaring makairita sa iyong gilagid.
Kailangan ring regular na bumisita sa dentista isang beses kada anim na buwan para magpalinis ng ngipin at magpakonsulta.
Kailan dapat pumunta sa dentista?
Kapag napansin mong may mga sintomas ka na ng gingivitis, agad na magpa-schedule ng appointment sa iyong dentista. Sa ganitong paraan maagapan ang pamamaga ng iyong gilagid. Kapag na-agapan agad ito ay makakaiwas sa pagkakaroon ng progression ng periodontitis.
Ang periodontitis ay isang seryosong gum infection na maaaring makasira ng soft tissue. Kapag walang treatment na nangyari ay maaari nitong masira ang buto sa inyong mga ngipin. Dahilan ng pagkatagal o loosen tooth.
Tandaan, ang tamang pag-aalaga ng ngipin ay mas mabuti at mas madali kaysa sa mag gamot pa sa pamamaga ng gilagid at ngipin.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!